Napahawak nalang ako bigla sa ulo ko dahil sa sakit.
Ahhhhhh
Shemms! Ano ba 'yon? Nakita ko ang sobrang liwanag na ilaw sa harapan ko at sa tingin ko ay ilaw 'yon ng kotse. Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyare kasi yun lang yung nagflash sa isip ko.
"Ayos ka lang ba Myles?" Pag-aalalang tanong ni Clark habang hawak ako sa dalawa kong braso.
"Walang hiya ka talaga! Anong ginawa mo kay Myles?!" Sabi naman ni Thyron at dali-daling lumapit sa akin at hinala ako papalayo kay Clark.
Nagsimula naman si Thyron na hilahin ako pababa sa hagdan.
"Teka! Sa'n mo dadalhin si Myles?" Sigaw ni Clark habang tuloy pa rin akong hinihila ni kkangpae.
"Saan pa ba? Edi sa clinic! Baka mahimatay pa 'tong babaeng 'to kapag nilandi mo pa siya." Sagot naman ni Thyron. Hindi naman sumunod si Clark at hinayaan na lang akong hilain ni kkangpae palayo.
Thyron's P.O.V.
Kaya nga ba ayaw kong palapitin 'tong si Myles dun sa lalaking yun eh.
Dangerous.
Nandito na kami ngayon sa clinic at muntik ko ng makalimutan na pinatalsik ko na nga pala yung nurse dito.
"Teka kkangpae, bakit naman tayo pumunta dito eh sumakit lang naman ng konti yung ulo ko?" Pagtatakang tanong ni Myles. Ba't nga ba? OA ko naman. Pero, kahit na ba!
"You have a freakin' headache. Humiga ka dyan." Sabi ko ng nakaturo dun sa higaan.
"Hoy kkangpae! Anong gagawin mo saken ha?!" Sabi niya habang niyayakap pa ang kanyang sarili. Taenang yan, sa gwapo kong 'to papag-isipan ako ng masama. Eh ang dami ngang babae nagpapantasya saken.
"Tss. Kung ano-anong iniisip mo. Humiga ka na nga lang." Inis na utos ko sa kanya pero nagmamatigas pa rin siya. Anak ng!
"Naku! Sinasabi ko sayong kkangpae ka baka-- Ahhh!!" Sigaw niya nang ihiga ko siya sa higaan. Alangan namang ihiga ko sa sahig diba? Pfft.
"Shut your mouth kung hindi, 'di mo magugustuhan ang mangyayari sayo."
"Yan naman lagi mong sinasa--" Napatakip na lang siya sa kanyang bibig nang tingnan ko siya ng masama.
"Yung naudlot na uniform on the floor baka gusto mong ituloy ko 'yon?" Pananakot ko pa sa kanya. Pshh, kung ibang babae ang nandito ngayon baka gustuhin pa nila.
"Sa tingin mo talaga matatakot mo ko sa--" Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya nang ilapit ko ang mukha ko sa kanya. Ano bang trip ko ngayon at ganito ko?
Myrtel's P.O.V.
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang ilapit ni Thyron ang mukha niya saken. Sheyt! Ano ba naman 'tong pusong 'to, nababaliw na ata. Ba't naman nababaliw? Nababaliw kay Thyron? Hala! Hindi 'to pwede!
"Sabagay, ba't ka nga naman matatakot eh sa gwapo kong 'to." Pagmamayabang na naman niya. Ayan na naman yung puso ko. Luh?! Baka gusto atang suntukin si kkangpae sa mukha at iritang irita na sa pagiging GGSS netong lalaking 'to. Gusto tuloy lumabas. Tama! Naiirita na pati yung puso ko kay kkangpae kaya gusto niya ng maglayas. Pati nga ata yung mata ko gusto ng humiwalay sa mukha ko dahil laging nakikita 'tong si kkangpae. Ano bang pinagsasabi ko?!
Agad naman akong umiwas ng tingin at tumingin na lang sa ceiling. Nakita ko naman sa peripheral vision ko na nagsmirk muna si Thyron bago ilayo ang mukha niya sa akin.

BINABASA MO ANG
Miraculous Change [Stradford University]
Fanfiction||BTS|| ||Red Velvet|| Paano kung ikaw ang pumalit sa sitwasyon ng kakambal mo? Paano kung may magkagusto sayo pero kilala ka niya bilang ang kakambal mo? Sana magustuhan niyo po yung story :-) Nainspired nga po pala ako sa Who Are You:School 2015...