Myrtel's P.O.V.
Umalis na nga si Thyron ng ganun-ganon lang. Ano ba kase nangyare kanina at mukhang bad trip na bad trip si Thyron. Napahawak na lang ako sa aking ulo dahil sa sakit na nararamdaman ko. Nakakita ako ng mga pangyayare sa isip ko. Katulad ulit 'yon ng dati dahil sa hindi ko pa nakikita na lugar. Na imbes ang maalala ko ay may kinalaman sa mga kaibigan ko o kakilala ko ngayon, ibang mga tao at hindi ko pa nakikita na mga lugar ang naaalala ko. Maari kayang nabuhay ako sa ibang katawan ng tao? Kaluluwa na nagpalit? Imposible naman na ganoon ang nangyare. Malalaman at maaalala ko din ang lahat kase laging may tamang panahon sa lahat ng bagay. Lahat ng mga katanungan ko ay masasagot din.
Natulala na lang ako sa kawalan nang may biglang nagbukas ng pinto. Hingal na hingal siya at pawisan habang nakatingin sa akin. Si Clark ang nagbukas ng pinto. Wala ni isa sa amin ang umimik at dali-dali niya akong niyakap.
"Ayos ka lang ba? Sinabihan mo pa naman ako kagabi na okay ka lang kaya hindi na ako nag-alala pa" pag-aalalang sabi niya sabay hipo sa noo ko. Ang mga mata niya ay puno ng pag-alala habang tinitingnan ako.
"May nakalimutan pala ako!" isang pamilyar na boses ang narinig ko mula sa direksyon ng pinto.
Mabilis akong lumingon doon at nakita ko si Thyron na nasa may pinto habang hawak-hawak ang door knob.
Nakita ko naman na lumingon din si Clark kaya lumayo siya sa akin. Napaiwas naman ng tingin si Thyron nang mapansin niya na tinitingnan namin siya ni Clark.
"A-ahh! Nakalimutan ko pala na hindi ko pa nababayadan yung gastos mo dito sa hospital" sabi niya sabay hawi ng kanyang buhok.
"Ako na magbabayad! Teka lang, ikaw na naman siguro may kagagawan ng lahat ng ito 'no?" sabi naman ni Clark. Nagawa niya pang lukutin ang kumot sa kama dahil siguro sa inis.
"Aba, ako na nga nagdala sa kanya dito at wag mo nga akong magawang sisihin kase 'di mo alam dinanas ko bago pa 'yan madala dito" tugon naman ni Thyron sabay turo sa akin.
Kumunot na lang ang noo ko dahil sa mga eksena ngayon. Lumipat ulit ang mga mata sa akin ni Thyron at naglakad siya papunta sa amin ni Clark na ang mga mata ay nakatuon sa akin. Itinulak niya naman si Clark sa gilid at dumiretso agad siya sa akin.
"Hindi ka safe hangga't nandito pa ang ugok na 'yan. Mahawahan ka pa niyan ng bacteria niya" wika ni Thyron.
"Umalis ka na nga dito! Hindi ka namin kailangan" inis na sabi ni Clark kay Thyron ng nakakunot ang noo.
"No, let him stay" sabi ko naman kaya napatingin silang dalawa sa akin. Napataas naman ang kilay ni Clark sa sinabi ko. Sinabi ko naman kasi 'yon dahil siya ang nagdala sa akin dito.
"Why would you let him stay?" panghihinayang na tanong sa akin ni Clark.
"Wala naman siyang ginawang masama sa akin"
"Nakakasigurado ka ba diyan? Hindi mo nga alam ang mga nangyare kasi nga diba, nahimatay ka"
"I know it for myself. I trust him. Wala ako dito ngayon kung hindi kay Thyron. Dapat nga nasa sahig pa ako ng tenebrous room at iniwan ako nila Thyron na nakahandusay" mula sa sinabi kong 'yon, hindi na nakapagsalita si Clark. Thyron just smirk at Clark because of what I said.
Bigla namang may pumasok na nurse kaya napalingon kaming tatlo doon. Bale pupunta doon si Thyron nang unahan siya ni Clark. Bumalik na lang siya sa akin at sumandal siya sa wall habang nakatingin sa akin.
"Ba't ganyan ka makatingin sa akin?" tanong ko habang tinitingnan siya ng masama.
"Ikamamatay mo ba kapag tiningnan kita? Haisst... sa bagay ikamamatay mo dahil pogi ang nakatingin sayo. Baka mahimatay ka na naman dahil sa gwapo kong tingin" sabi niya at ngumingiti pa. Gwapong-gwapo talaga 'tong lalaking 'to sa sarili niya, hay nako.
BINABASA MO ANG
Miraculous Change [Stradford University]
Fanfiction||BTS|| ||Red Velvet|| Paano kung ikaw ang pumalit sa sitwasyon ng kakambal mo? Paano kung may magkagusto sayo pero kilala ka niya bilang ang kakambal mo? Sana magustuhan niyo po yung story :-) Nainspired nga po pala ako sa Who Are You:School 2015...