Chapter 13:Panic

21 5 27
                                    

Warning: Puro mura ang chapter na 'to kase malakas trip ng author niyo nung ginawa 'to. Anyways, basahin niyo pa rin ito. Read at your own risk.

Thyron's P.O.V.

Hindi ko na talaga alam kung ano ang gagawin ko ngayon. Ano ng gagawin ko kay Myles? I'm planning na ipadala siya dito sa tenebrous room pero bakit hindi ko kayang gawin? Madali lang naman 'yon gawin at pwede ko din siyang pahirapan na lagi kong ginagawa sa ibang estudyante, it's just some part of me is saying that shoudn't do it.

I decided not to attend class kasi hindi ko kayang makita muna siya kaya ngayon ay nasa tenebrous  room ako kasama ang gang ko. Bwiset din yung Clark ba na yun kahapon, pagkatapos umextra sa eksena namin ni Myles eh iiwan niya tapos susundan ako. Tutal hindi ko naman din alam ang daan kahapon, pumunta lang ako sa isang lugar kung saan tahimik nang bigla kong narinig ang sigaw ng isang lalaki at yun ay si extra. Oo, si Clark na extra yung tumawag saken at pinasadahan ako ng suntok. Syempre sinuntok ko din siya. Mabuti na lang talaga at wala masyadong tao doon kahapon. Napagdesisyonan na niyang tumigil noong sinabi ko sa kanya lahat ng nangyare. Sa susunod daw na paiyakin ko si Myles ay mas matindi daw ang gagawin niya sa akin. Edi wow. Ba't ba lagi na lang 'yon kasama ni Myles simula ng lumipat 'yon dito?

Boyfriend niya kaya yun? Pshh. Ano naman kung boyfriend niya? The hell I care? Kawawa na lang si Myles dahil pipili na nga lang siya ng boyfriend, hindi pa kasing gwapo ko. Pero kung hindi naman sila, sana ma-friend zone si Clark kasi hindi sila bagay bwuahaha.

Nagtanong-tanong na lang ako ng daan pauwi sa mga tao dun na mukhang mga adik. Ba't ba walang taong kasing gwapo ko? Haissst. Rare lang kasi ang mga taong kagaya ko. Baka nasa dulong parte pa ng mundo ang kagaya ko at ako lang ang nag-iisa sa Pilipinas.

Sobrang ingay ng tenebrous room nang mapaltan ng katahimikan dahil may nagbukas ng pinto.

Si Myles ang nagbukas. She looks pale at mukhang nanghihina siya. I decided to look at her and to look the other way. Nakita ko naman siyang dahan-dahang lumalapit sa akin by my peripheral vision.

"Thyron..." matamlay at mahinang sabi niya kaya napalingon ako sa kanya.

"Hindi kita kailangan di--" hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang bumagsak siya sa akin. Nakita ko na nasa kamay niya yung kwintas. Paano niya yun kinuha? Bumili ba siya ng bago? Teka, nilangoy niya ba yung ilog para lang makuha yung kwintas?! Imposible.

"Myles, Myles!" niyugyog ko siya para magising siya pero hindi niya minumulat yung mata niya. Kinuha ko muna yung kwintas at nilagay sa bulsa ko atsaka mabilis ko siyang dinala sa clinic kasunod yung gang ko.

Nang makarating kami dun ay wala yung nurse kaya napamura na lang ako sa inis. Naiwan din sa labas ang gang ko.

Inilapag ko na muna si Myles sa kama nang biglang marinig ko ang pagbukas ng pinto. Pagkalingon ko doon ay nakasilip yung nurse na parang t*nga at hindi pa pumapasok.

"Are you insane? May gana ka pang sumilip diyan, pumunta ka na dito!" inis na utos ko dun sa nurse. May pasyente kase tapos nakasilip lang siya do'n, ang sarap iuntog sa pinto.

Aba at ang nurse, ang bagal pang maglakad at pabebe.

"Bilisan mo nga sa paglalakad mo kung ayaw mong mabugbog!"

Binilisan naman nung nurse na maglakad at mabilis na pinuntahan si Myles. Sinuri niya muna ito at may ginawa.

Makalipas pa ang ilang minuto at pinuntahan ko siya.

"Ano ng nangyare?" pag-alalang tanong ko.

"She's fine, magiging maayos--" hindi ko na siya pinatapos sa kanyang sasabihin nang magsalita ulit ako.

Miraculous Change [Stradford University]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon