Chapter 18: A 'Not Really Date'

9 4 12
                                    

Myrtel's P.O.V.

Tsk. Asa namang pupuntahan ko pa yung kkangpae na yun.

Papaasahin ko siya wahahaha.

8:00 na at wala lang akong ginagawa kung hindi ay ang humiga sa kama at maglaro sa cp ko.

Sa tingin niyo pupunta yun?

Haisst. Bahala siya sa buhay niya. Sinabihan ko na naman din sina Cath at mommy na hindi ako papasok. Kapag kase pumasok ako baka makita ko pa yung kkangpae na yun. Buti nga ang bait ni mommy eh.

_____

'Di ko alam kung bakit kanina ko pa tinitingnan yung oras eh hindi naman ako pupunta 'dun.

8:58 na at nakahiga pa rin ako sa kama habang bahagyang tinitingnan ang oras.

_____

9:12 na. Ibig sabihin nag-hihintay na siya. Tch! Manigas siya do'n. Para sa lahat ng pinaasa, gagawin ko 'to para sa inyo. Papaasahin ko siya wahahaha!

Binalik ko ulit ang paningin ko sa orasan at 9:13 na.

Hindi yun pupunta. Bigla ko na lang naalala yung text saken ni Thyron kagabi na 'hihintayin kita'. Shoot!

Automatic na tumayo ang mga paa ko at pumunta na agad sa cr. Hayyy ano ba yan! 'Di ko siya matiis!

Agad akong naligo at nag-ayos ng sarili. Teka, ba't kailangan ko pang mag-ayos eh si Thyron lang naman yun.

Nag-paalam na ako kay mommy at umalis na papuntang school. Ang bait ng mommy ko 'no?

______

Pagkababa ko ay tiningnan ko muna ang oras sa aking cellphone habang naglalakad papuntang school.

9:38 na. Aishh! Imposibleng maghintay 'yon! Pero tinuloy ko pa rin ang paglalakad hanggang makarating ako sa gate ng school.

Hindi ko alam ang naramdaman ko nang makita kong walang Thyron Stradford na naghihintay sa labas ng school. Walang kkangpae na naghihintay saken sa labas ng school. Sabagay, maghihintay pa ba 'yun eh halos 30 minutes na ang nakakalipas.

Mas lalo pang bumigat ang pakiramdam ko nang biglang may nakita akong papel na nakadikit sa may gate.

'Sa tingin mo talaga pupuntahan kita? Hahaha'

So, pinaasa niya ko? Hindi man lang ba 'to nakita ng ibang estudyante?

"Gag* ka Thyron Stradford! I hate you! Pagkatapos mong sabihin na hihintayin mo ko, ganito lang gagawin mo!"

Kahit naman kase kanina pa ako pumunta dito eh wala pa rin akong madadatnan. Nangingilid na din yung luha ko sa 'di ko alam na dahilan.

Sabi na nga ba dapat hindi na ako pumunta eh! Dapat nga siya papaasahin ko tapos ngayon nabaliktad na.

Naikuyom ko na lang ang kamao ko for the fact na pumunta lang ako dito para sa wala.

He's just a nobody to me pero totoo nga ba?

Nagulat na lang ako nang biglang may humigit ng kamay ko at tinalikod ako.

Biglang gumaan ang pakiramdam ko nang biglang makita ko si Thyron sa harap ko.

"Tsk, what a crybaby." Wika niya sabay yakap saken. My tears began to fall down while he let my face to rest down to his shoulders. Baket niya ba ko niyayakap? Paepal talaga.

"C-cry-baby-mo-to." Wika ko kasabay ang mga hikbi.

"Bwi-set-ka." Inis na sabi ko pero masaya na ewan na hindi ko maexplain.

Miraculous Change [Stradford University]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon