FriendsCleo Sofia Andrada's POV
Late na ako kainis! Bwiset na traffic yan, sabayan mo pa ng problemang di ko alam kung saan yung room ko. Leche first day na first day. Sabi ko naman kasi kayla mommy pwedeng sa Cavite nalang ako mag stay ayaw niya.
She told me that this is the new chapter of my life daw. Aish ang dami nilang alam. While walking through the front gate entering my new school I bumped into a tall cute guy, OMG eto na ba yun? Yung parang gaya sa books yung moment na, you will bump into a handsome guy on the first day of class.
Yung parang pagtinignan mo siya nakangiti na siya agad sayo, then you'll smile back then he'll ask for your number, you'll start talking to each other, then you'll be super friends tas niligawan ka niya tas sasagutin mo then boom! instant boyfriend!
"Sorry" I said, he just nodded then walked past by me. Wtf?! Pogi nga, sungit naman. Oh well goodbye to my dreams.
Ignoring the fact na may nabunggo akong super hot and poging lalaki na hindi ako pinansin, kailangan ko ng mahanap yung room ko.
While looking for my room a girl approached me "Hi" she said "Oh, Hello" Medyo matangkad yung babae tas brown yung mata tas kulot yung buhok tas ang kinis pa, inshort ang ganda niya.
"Bago ka lang dito? You look lost, kanina pa kita sinusundan eh." Creepy, shit! "Yup, I'm a transferee and yes im lost kanina ko pa nga hinahanap room ko" siya na siguro ang makakatulong sakin, God Im almost 30 minutes late!
"Ano bang section mo?" She asked while grinning, she's hella creepy, dude but I need her help."III-B" I replied
"OMG MAGKAKLASE PALA TAYO HAHAHAHAHAHA" now she is laughing for no good reason but right now i dont give a damn because i need to go to my class, shiz. "Uhm..am I late?" God duh Cleo its obvious naman na late ka na.
"Medyo, hahahah pero ok lang first day pa lang naman absent nga daw yung teacher natin e, halika na samahan kita sa room fourth floor pa tayo"
Finally andito na ko sa room tama nga si Bella, walang teacher at sobrang gulo ng mga classmates namin. While on our way here nag pakilala kami sa isat isa, her name is Ysabella Garcia, simula bata siya dito na siya nakatira sa Manila, dito na din siya nagsimulang mag aral.
I noticed something different between regular and exclusive schools, I came from an all girls school. Kaya kailangan ko ring masanay ng kasama ang boys sa iisang classroom. Well that something different is sobrang gulo dito maybe dahil sa boys, pero hindi eh halo halo silang nag kakagulo.
I noticed one guy at the back binubully siya "Hey, dumbass bat ayaw mong lumaban!" A tall guy said habang binabatukan niya yung nerd guy, ni hindi manlang lumaban yung nerd. Grabe naman dito ang sasama ng tao. Wala man lang tumutulong sa kanya, pinapanuod lang sila.
I was about to help the nerd pero pinigilan ako ni Bella, "Don't, di mo gugustuhing makalaban yang group na yan" she whispered. No! This is wrong! I need to help that nerd guy nakakaawa kaya siya.
"Bakulaw tigilan mo nga yan first day na first day ng bubully ka!" I shouted habang papalapit ng dinuduro siya. Pagharap niya sakin medyo na pa-awe ako sa isip ko, pogi naman nento kaso ang kitid ng utak. Teka he looks familiar!
Lumapit siya sakin pagkarinig niya ng sinabi ko, shit! He is walking towards me with a huge smirk plastered on his face. Damn this dude ang hot nya shiz! Parang ang sarap niya sa kam- WTH ANO BANG PINAGIIISIPISIP KO NABABALIW NA KO!
Nag bend siya ng konti para pantayan yung height ko. Siguro mga 2 inches na lang yung layo ng mukha niya sa mukha ko.
"Hey missy, ako ba yung tinatawag mong bakulaw?" sabi niya, you can see the anger in his eyes. "Ay hindi-hindi ikaw, yung pader yung kausap ko, Hoy pader bat ka ba ng bubully ha?!" I said while pointing to the wall. Narinig kong nagtatawanan yung iba niyang kaibigan dahil sa sinabi ko pero ng tignan niya ang mga ito ay tumahimik silang lahat.
"Hindi mo ba ko kilala?" Nag straight body siya at nilagay yung dalawa niyang kamay sa bulsa niya. "Ako lang naman si Set-" ew wala akong pake sa kung sino ka man.
"Hep-hep-hep oo nga hindi kita kilala. At hindi rin ako interesadong makilala ka." Tinuro ko siya habang tumitingkayad ako para pantayan yung height niya pero di ko pa rin kaya shiz. Ano bang height nento? "Narinig nyo naman di ba?" lumingon siya sa mga kaklase ko "bahala ka ikaw din magsisisi" pag kasabi niya nun umalis na agad siya pero sigurado ako na that effin guys is smirking!
"WALA AKONG PAKE KUNG SINO KA TANDAAN MO YAN!" I shouted habang palabas na yung kumag kasama yung mga alagad niya. After 10 minutes nag bell na at dumating na rin yung teacher namin.
Tapos na yung 3 subjects namin grabe paulit ulit naman yung ginagawa kaya ayaw ko ng mga first day. Vacant na namin ngayon kasama ko si Bella, nalaman ko kanina na ang pangalan nung binubully ay si Luca Miguel de la Rosa. Tapos yung bully naman ay si Seth lucas de la Rosa.
Sabi ni Bella mag pinsan daw yung dalawa, pero ayaw daw ni Seth kay Luca kasi nerd daw. Ang kitid naman ng utak nun kesyo nerd lang ayaw na agad. Nalaman ko din na yung group nila Lucas ay pumapasok pa talaga sa mga room para lang awayin yung mga nerd na walang kalaban laban.
Sa group nila Lucas apat sila including him sila Ethan Jimenez, Jack Santos at Gabriel Ocampo. Kasali sila sa Basketball team ng school. If you're thinking kung bakit andami ko na agad alam well, dahil yan sa sobarang kadal-dalan ni Bella di nga siya nauubusan ng topic e.
"Miss..." Napalingon ako sa tumawag sakin.
"Oy? Ikaw pala!" Si nerdy guy pala! Ay hindi si Luca pala! "Bakit?" pagpapatuloy ko.
"Salamat ha? Pero hindi mo na kailangan gawin yon..." Nakatungo niyang sabi. "Madadamay ka pa sa kabaliwan ng pinsan ko.."
"Ano ka ba, bakla!" Nanlaki yung mata niya ng tawagin ko siyang bakla. "Oy! Joke lang! Ganyan talaga ako tumawag sa ibang tao!"
"A-ahhh... Ok.. Basta di ako bakla ayaw ko lang lumaban sa kanila" sabi niya habang pinaglalaruan yung kamay niya.
"Ah basta din! Pag may umaway sayo tawagin mo na lang ako!" Nag thumbs up ako sa kanya.
"Naku... Wag na hindi na kailangan" pag pipigil niya.
"Tsk ayos lang! Basta friends na tayo!" Inakbayan ko siya at ginuli yung buhok niya.
"Friends...?" Pagaalinlangan niya pa.
"Friends." I said with my sweetest smile.
YOU ARE READING
False Hope
RomanceMinsan kahit sabihin mo pa sa sarili mo na kilalang kilala mo na ang isang tao, kahit ilang taon pa natin silang kilala, dadating ang panahon at magbabago sila. Will you still accept them kahit ganon ang nangyare? paano kung hindi talaga sila nagba...