Third Person's POV
"Hays, pasukan na naman".-Napabuntong hininga si Mariposa.Kinakabahan na naman siya.Taon taon na lang iyong nangyayari sa kanya.Lagi na lang niyang nararanasan ang pambubully sa school.Walang taon na swerte siya.
Lagi na lang siyang napagtitripan sa school dahil sa nerd siya, iba ang istilo niya ng pananamit at may kulot siyang buhok, Napapangitan din sila sa pangalan niyang Mariposa na ginagawa nilang Maring Pusa.Lagi siyang nag-iisa.Kung ano Ang ikinaswerte niya sa pamilya ng mga Penndleton ay siyang ikinamalas niya sa University na pagmamay ari ng mga ito dito sa Cebu.Ang Penndleton University.Nakabili na din siya ng mga gagamitin niyang school supplies.Sapat na ang budget na binibigay sa kanya ng pamilya Penndleton at wala na siyang hinihiling pa.Nasa Amerika sila ngayon.Doon daw nag aaral ang mga anak nila pero hindi pa nga niya nakikita iyon eh.Dalawang lalaki.Nasa grade nine-Faith siya ngayon, Ang star section ng mga grade nine,bagaman siya palagi Ang nangunguna sa klase at palaging nagbibigay ng achievements sa kanilang University ay hindi parin siya napapansin.Napapansin lang siya kapag trip na ng mga iyong mambully.
Isa na rito sina Anthonnette at ang mga barkada niya na sila Crystal,Jane,Wendy at Krisha na nasa 9-Love.Si Anthonette ang Queen Bee nila sa campus ngayon at sabik na siyang maipasa sa susunod na queen bee ang Korona.Teka paano pala siya napadpad sa Cebu at sinu-sino ang mga magulang niya?.Paano rin siya napunta sa poder ng mga Penndleton?
Flashback
Mariposa's POV
Naaalala ko pa noon...
Magkasama kami ni Nanay Aida(ang Mama ko)sa iisang bahay kubo doon pa sa Samar.8 taong gulang ako noon at nasa grade 3 ako.Sabi ni Nanay ay patay na daw si Papa kaya siya lang mag-isa ang guardian ko.Nagtitinda si Nanay ng mga kakanin dahil ang mga babaeng balo dito doon sa barangay namin dati sa maynila ay binibigyan ng puhunan para makapagnegosyo at magsimulang muli para sa mga anak nila.Mahirap kasi ang buhay sa Maynila talaga.Wala na rin sina Lolo at Lola.Maaga silang kinuha ng panginoon.Gaya ng ngayon,may suot akong eye glasses mula pagkabata dahil sadya na talagang malabo ang aking mga mata at iyon nga,madalas talaga akong tuksuhin sa school elementary palang.Pangit ako kaya madalas akong tuksuhin pero si Nanay,ang ganda ganda niya.Napagkakamalan nga siyang dalaga pa eh kahit may anak na siya.Pero palagi paring sinasabi ni Nanay na maganda daw ako...
Isang Umaga,nakita ko si nanay na iniimpake ang mga samit namin.Napabalikwas ako dahil akala koy iiwanan ako ni Nanay.Bakasyon na namin noon.At gaya ng inaasahan namin,1st honor pa rin ako.
"Nay,bakit kapo nag-iimpake,saan po tayo pupunta?"-tanong ko "Anak,magbabakasyon tayo doon sa Cebu.May mga kamag-anak kasi tayo doon na pwedeng makatulong sa atin"-tugon niya "Bakit po Nay?Paano po ang Pag-aaral ko dito?diba po 1st honor naman ako.Sayang po iyon inay."-ako "Anak,maganda din doon sa Cebu at maraming magbibigay sayo ng scholarship dahil matalino ka.Tutal nakuha na naman natin ang card mo ay pupunta tayo ngayon sa school para kuhanin ang form mo.Para makapag transfer ka agad sa Cebu."-Si Nanay
Pumayag naman ako sa desisyon ni Nanay na doon na lang ako mag-aral.Matagal na oras kami doon dahil pinilit pa ni nanay na hingin sa aking maestra ang form ko dahil sayang daw at kailangan daw na mismong ang school na papasukan ko ay magpadala ng request sa kanila pero sa huli ay pumayag din ito.Nagpaalam pa ng maayos sa akin si ma'am Reyes at sinabing ipagpapatuloy ko daw ang pag-aaral ko ng mabuti.Isa siya sa nagbibigay ng makakain sa akin tuwing break time sa school.Minsan kasi walang pera si Nanay.Kaya nya ako binibigyan ay para daw mayroong laman ang aking tiyan para lalo akong ganahan sa mga lessons.Dinagdagan niya pa ang pera ni Nanay pandagdag daw sa pamasahe at pagkain namin papuntang byahe.
Nagsimula na kaming bumyahe ni Nanay.Nakabili na pala siya ng ticket sa barko papunta sa Cebu.Excited ako na kinakabahan.Namangha ako sa laki ng barko.First time ko kasing makakita ng ganoon kalaking barko.Napapanood ko lng iyong mga ganun sa telebisyon doon sa may kapit bahay namin.Lumipas ang mga oras ay nakasakay na kami.Ang ganda pa nga ng kwarto doon eh.Medyo mahal nga lang ang mga pagkain doon.Buti na lang at may baon kami ni Nanay na pagkain.Lumipas pa ang isang gabi.
Kinaumagahan,gising na pala si nanay,bababa na daw kami sa barko.Pinakain niya muna ako ng tinapay at iyon ang umagahan namin.Binigyan naman ako ni Paulo ng burger.Nakilala ko siya kahapon lang.Lilipat din daw sila ng Cebu at doon sila mag-aaral.magkakatabi lang kasi ang kama namin at ng pamilya niya.
Lumipas pa ang mga oras...
Bababa na kami ng Barko..Nagpaalam na kami ni Paulo sa isa't isa at sa pamilya niya pati din si nanay.
"Mag-iingat ka doon ha.Paalam Mariposa.Magkikita ulit tayo.Ingat kayo ng Mama mo.eto oh .Ang kwintas na ito ay ibibigay ko sayo tanda ng pagkakaibigan natin."-Paulo..sabay suot ng kwintas sa akin.
"Salamat sa pag-aalala Paulo.Mag-iingat din kayo at etong singsing nato ay ibibigay ko din sayo.Kapag nagkita tayong muli at nakita kong suot mo yan ay ipapakita ko naman sa iyo ang kwintas.Babay"-ako.Nagpaalam na kami sa isa't isa.Pati ang pamilya niya.Nagpaalam din ako sa ate niya na naging close ko din.Si Patricia.
Nakababa na kami ng barko at nakasakay na kami ng jeep ngayon.Mahaba haba daw ang byahe sabi ni Nanay kaya matulog daw muna ako.Isang oras ang lumipas ay ginising na ako Nanay at bababa na daw kami ng jeep.Sumakay naman kami ng bus at mas mahaba naman daw ang byahe sabi ni Nanay.Kaya pinatulog niya ulit ako........
To be continue....
N/A
Guys sorry ah inutol ko ang flashback niya.May part two kasi.
YOU ARE READING
My Morena Girl
FanfictionIsang lalaki Ang magpapabago ng buong Buhay Niya,Ang lahat ng mga mabibigat ay magiging magaan,Ang lahat ng Hindi magandang tingnan ay magiging maganda sa paningin,Ang lahat ng pagdurusa ay magiging ligaya....Ang malaking dagok Sa Buhay Niya ay mawa...