Nagising ako sa isang lugar malapit sa isang pharmacy.Nagkusot muna ako ng mata at pinunasan ang salamin ko ng aking damit.Natauhan ako na wala na si Nanay sa tabi ko.Kinabahan ako at nagsimula na akong umiyak.Nasa aking likod nakasakbit ang aking bag.Tiningnan ko ang loob niyon at nakita ko ang aking card,form sa school,at isang supot na may lamang pagkain.Mayroon ding kaunting mga damit ko at may limangdaan na iniwan si nanay para sa akin.Nalungkot ako.Paano magagawa sa akin ni Nanay ito.Ang akala ko ba ay mahal niya ako.Pare pareho lang cla nila lolo,lola at papa na iniwanan ako.Iyak ako ng iyak.Hindi ko alam ang gagawin ko.Maraming tao pero hindi ko naman cla kilala.Baka kung ano pang gawin nila sa akin.
Nagsimula akong maglakad lakad para hanapim si Nanay.Hindi ko talaga siya makita.Nahihiya naman akong magtanong sa mga tao dahil wala naman akong picture ni Nanay at baka pagtawanan lang nila ako eh dahil hindi rin naman nila kilala si Nanay.
Maya maya ay nakaramdam ako ng gutom,pagod at uhaw.Kinuha ko ang supot sa aking bag na may lamang pagkain at mineral water.Mabilis ko iyong naubos dahil na nga rin sa gutom.Naabutan ako ng gabi malapit sa isang kainan.May malapit din na bench doon at doon ako napaupo dahil sa pagod.Parang pangmayaman ang kainang iyon.Mga elegante ang bawat taong lumalabas sa kainang iyon.Maya maya ay may lumapit sa akin.Mag asawa ata sila.Ang lalaki ay mukhang Amerikano.medyo natakot ako ng lumapit sila sa akin at kinausap nila ako.
"Neng,bakit ikaw lang mag-isa dito,Nasaan ang mama mo?,gabi na ah baka mapahamak ka dito sa kalye."-yung babaeng nagpakilala na siya daw si Norma Penndleton at ang asawa daw niya ay si George Penndleton.
Nagsimula akong umiyak at nagwika..
"Iniwan po ako ng nanay ko kanina at hindi ko na po alam kung nasaan siya"-ako
"Sumama ka muna sa amin at tutulungan ka naming mahanap ang iyong ina."-sabi ni Ate Norma.Mabait din naman ang kanyang asawa pero hindi ito nakakaintindi ng tagalog.Napakabait ni ate Norma at maganda pa.Gwapo din naman ang asawa niya at halatang pareho sila ng edad.Sumakay kami ng kotse.Naikwento ni ate Norma na may dalawa daw silang anak na lalaki pero sa Amerika ito nag aaral.Kinuwento ko naman sa kanila ang buhay ko..at ang lahat ng naranasan kong pambubully sa school.Pinatira nila ako sa kanilang mansyon kasama sila at si Nanay Eva na matagal na panahon nilang katulong.Tumutulong naman ako kay nanay Eva sa mga gawaing bahay kapalit narin naman ng pagpapatira nila sa akin dito.Palagi kaming nagkukwentuhan ni Nanay Eva.Wala pala siyang asawa at mga anak.Tumandang dalaga na daw siya sa Pamilya nina ate Norma.Habang hinahanap nila si Mama ay pinag aral nila ako sa pagmamayari nilang eskwelahan.Doon ako nagsimulang mag grade 4 naman at doon ko din nakilala ang salbaheng grupo na sina Anthonnette.Simula pagkabata ay lagi nila akong kinukutya at pinagtitripan.Dito sa Cebu natutunan ko ang wika nila.Ang Bisaya..At dito sa Penndleton University pumapasok ang mga estudyanteng karamihan ay galing sa ibang lugar na hindi marunong magbisaya at tagalog lamang ang naiintindihan.Halos lahat ng mga estudyante dito ay tagalog.Dito rin ako nakisabay sa mabilis na pag unlad ng Cebu na ngayon ay syudad na syudad na.At alam na alam na ko na din ang tungkol sa kultura nito.
End of Flashback..
Puputulin ko ulit .....
YOU ARE READING
My Morena Girl
FanfictionIsang lalaki Ang magpapabago ng buong Buhay Niya,Ang lahat ng mga mabibigat ay magiging magaan,Ang lahat ng Hindi magandang tingnan ay magiging maganda sa paningin,Ang lahat ng pagdurusa ay magiging ligaya....Ang malaking dagok Sa Buhay Niya ay mawa...