Mariposa's POV
Puyat pa ako........madaling araw na kasi natapos ang party.Nalingat lang ako eh nawala na si Paulo kagabi.Ang daya naman nya.Wala man lang pasabi.Basta ang napansin ko lang eh malungkot sya kagabi at kalaunan ay tinabihan sya nung impokritang Anthonnette na yun.Eh anong napala nya .Wala diba?In fairness,Napakafriendly naman pala nitong si Luke.Ang saya namin kagabi.Ang saya pala nyang kasama.Hindi ko rin nakita si Tyrone sa party kagabi.Baka naman kasi Busy.
_Nagmadali akong maligo at magbihis.May klase pa pala ngayon.
Pagbaba ko ay nakapaghanda na si Nanay Eva ng pagkain.
"Good morning Nay!"-bati ko
"Oh Good morning anak.Kumain kana.Pinabilin nga pala sa akin ni inday Norma na umuna kana lang daw sa eskwelahan ninyo at sya na daw ang bahala maghatid kina Luke.Mamaya pa ang pasok noon sa tanghali at nag request daw ng pahinga.Pinagod mo yata kagabi"-Ika ni nanay sabay tawa..napatawa din ako sa sinabi nya
"Ha!Ha!Ha!ikaw talaga Nay.Komedyante rin minsan.Ah ganun po ba?Eh si Luther po ?San daw mag-aaral?"-tanong ko
"Dun daw sa pinapasukan nung Patricia.Nainlove yata dun sa ate ng besfriend mong si Paulo eh."-wika ni Nanay
"Ahh ganun po ba...Malakas po talaga yang si Ate Patricia tapos nakakagaan agad ng loob kapag una pa lang nyong kilala"-sabi ko naman
***********************************
Mabilis kong natapos ang pagkain kahit ang dami naming napag-usapan ni Nanay Eva.Nagmadali akong pumunta ng campus.Syempre excited makita si Paulo.Ang knight in shining armor ko.Maya-maya may kumulbit sakin.Ayyy!si Tyrone pala.
"Good morning"-bati nya
"Good morning din sa'yo Tyrone"-ganti ko
"Well,kamusta ang party?"-tanong nya
"Hayun ok naman..Hindi ka pala talaga pumunta"-ako
"Oh yeah..I jammed with Dad last night..Naglalambing eh.Sakin naman daw sya magfofocus kaysa yung company ang aatupagin nya."-sabi nito"I miss him already...Super saya ko kagabi nung nagkasama ulit kami..Buti nalang naisipan nyang i promote yung isa sa mga pinakamagaling at pinakamasipag nyang empleyado..para lang makasama ako"-patuloy nito
"Na'san ba mommy mo?"-tanong ko
"Ahhhh si Mommy namatay na sya..The mear fact ,Mommy's Boy ako..and the time that my mom died,hindi kami masyadong nagpapansinan ni Dad.Di naman kasi kami close eh.Tapos lagi nalang syang nasa trabaho.Hindi ko alam kung bakit pero malayo talaga ang loob ko sa kanya"-malungkot na sabi neto
"Pero atleast okay na kayo at bumawi ang Dad mo.Grab the chance Tyrone.Cherish the people that are still beside you and love them with all of your heart"-Cheer ko sa kanya
"OO naman.Dad ko yun eh.Saka susulitin ko talaga yung mga times na meron kami ngayon.Ayokong si Dad naman ang mawala sakin soon.Syempre gusto ko kasama sya habang buhay pa rin ako.At isa sa mga magiging gabay ko sa pagtupad at pag reach ng mga Dreams at Goals ko"-Madadmdaming speech nito (hahahaha)
"Wow huh.Ang lalim."-Pagbibiro ko naman
"Totoong lahat ng yun Mariposa.Kasama ka nga sa lahat ng mga pangarap ko eh"-sabi nito na ikinagulat ko naman
"ha!ha!ha! ano?"-maang-maangan kong tanong
"Ha!Ha!Ha! wala yun ...sige una nako sa'yo huh"-sabi nito sabay takbo
Ha!Ha!Ha! ang weird talaga.
Maya-maya may lalaking nasa unahan ko lang at malayo pa ay kilala ko na sya..Si Paulo <3
"pssst"-kinalabit ko at sinitsitan sya
"Oh hi Marie"-matamlay na bati nya
"Bakit parang malungkot ka yata ngayon?"-nag-aalala kong tanong sa kanya.
Hinipo ko ang leeg at noo nya pero umiwas sya.Pero feeling ko wala naman syang sakit.
"Okay lang sabi ako"-sabi nya na medyo tumaas pa ang boses
"Sige kausapin mo lang ako kapag okay ka na Paulo"-malungkot kong sabi sa kanya.
Lumakad na sya kamakailan hanggang sa mag-isa nalang ako.Ano kayang problema nun?Baka kasi galit yun sakin eh.Pero wala namang rasong para magalit sya.Baka marami lang iniisip.hayyys!!!!!!!!
Paulo's POV
Nakakalungkot isipin..Ganun ganun nalang ba yon.DI nman lang ba nya tatanungin kung bakit ako nagkakaganito.?Kung bakit ang tamlay tamlay ko kahit waola akong sakit?Kung bakit ang tabang tabang ko sa kanya.?Porket kasi may bago na sya.Ayyy teka lang..wala nga palang kami.Option nga lang pala nya ako nung mga panahong wala pa yung Luke na yun.Saka kung tatanungin nya ako.Anong isasagot ko?Na nagseselos ako sa sanilang dalawa ni Luke?na hindi ko kayang makitang isang baguhan pa lang na dumating sa buhay nya ang makakasayaw nya at yung baguhan na yun ay hahawak sa kamay nya dahil yun ang di-nate ni Mrs.Penndleton.Sabagay anak nya si Luke.Sino ba namang ina ang hindi magugustuhan ang isang mabuting babae para sa anak nilang lalaki at lubos na kilala na nila ito.Wala naman diba.
Gumising ka naman Marie!!!!!Nasasaktan ako kapag isang baguhan lamang ang kasama mo.nasasaktan ako kapag hindi ako ang nakasayaw mo.nasasaktan ako kapag hindi ako ang nakahawak sa kamay mo.Masyado akong nadala sa'yo.Ang manhid manhid mo kasi..Valued ka kasi talaga sakin eh.Ako dapat ang kasama mo palagi.Ako ang protector mo diba?
Masyado lang talaga akong obsessed sayo.Masyado lang akong mababaw..................................................
**********************************************************************************************
Ano guys???nararamdaman nyo ba ang nararamdaman ni paulo ngayon.masakit talaga umibig sa mga taong manhid.Yung feeling na si crush pinapaasa ka lang dahil alam nyang may crush ka sa kanyan..nakakainis diba!!!!!Ganyan kasi yung nararamdaman ko ngayon kaya sorry nadala lang talaga ako ha!ha!ha!
Shout out sa mga classmates kong super kulit!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!At sa mga silent readers ko.labya guys!!!! <3
JhustineGaberza
YOU ARE READING
My Morena Girl
FanfictionIsang lalaki Ang magpapabago ng buong Buhay Niya,Ang lahat ng mga mabibigat ay magiging magaan,Ang lahat ng Hindi magandang tingnan ay magiging maganda sa paningin,Ang lahat ng pagdurusa ay magiging ligaya....Ang malaking dagok Sa Buhay Niya ay mawa...