Mariposa's POV
Kinakabahan ako sa section Faith.Hindi ko na nga kaklase sina Anthonnette pero alam kong mabubully pa rin ako.Maaga akong gumising ngayon dahil nga first day,hindi pwedeng ma late.Naligo muna ako.Pagkatapos kong maligo at magbihis ay inayusan ko na ng sarili ko.Pinuyudan ko ang kulot kong buhok ng paikot para kahit pangit ako ay medyo malinis namang tingnan.Pagbaba ko sa hagdanan ay nakahanda na ang umagahan.Nakita ko si Nanay Eva na nagkakape at binati niya ako.
"Oh magandang umaga anak.Kumain kana at ng hindi ka malelate mamaya"-Si Nanay Eva "Magandang umaga din po nay."-ako sabay mano "Aba eh binalita sa akin ni Edgar(hardinero sa mansyon) ay uuwi na daw sila inday Norma ngayong linggo at dito na daw mag aaral ang dalawa nilang anak.Naku anak kung makikita mo ang mga iyon ay kagugwapo.Mga kasing edaran mo din.Bagay kayo ni Luke(Luke Gabrielle Nathaniel) at si Luther(Luther Miguel naman ang kuya niya."-si Nanay Eva "Naku nay ako ho ay wag nyong binobola.bati gyud kog nawong nay(pangit talaga ako nay)at iyon po ay mga half- american kay imposible ho hahaha "-ako
"Naku anak,ikaw ay maganda naman,matalino at mabait pa.Masipag pa.aba eh saan ka makakakita ng ganyan katinong babae.O siya sige na at baka malate kana.Napahaba ang usapan hehe.Ako na ang maghuhugas ng plato."-tugon ni nanay Eve "Salamat po nay"-ako at dali dali ko ng tinapos ang pagkain ko nagmano muna ko kay Nanay Eva at kay Kuya Edgar na hardinero sa mansyon at nagsimula na akong maglakad papunta sa University.Malapit lang namn eh at maaga pa ngayon.Bago palang ako makapasok sa may gate ay napasinghap ako.Pinagtitinginan na naman ako ng mga estudyanteng nakakakilala sa kapangitan ko.Ang iba ay nagtatawanan.Nagsimula na akong pumasok sa gate.Maya maya isang lalaki ang nakabangga sa akin dahil nagmamadali siya na dahilan noon ang pagkaupo ko sa damuhan.Gwapo siya at parang namumukhaan ko sya pero hindi ko alam kung saan.Tinulungan nya akong makatayo.Inabot nya sa akin ang kamay niya at malugod ko iyong tinanggap.Kinilig ako ng konti dahil first time may gumawa sa akin ng ganun.Muntik ng mahulog ang salamin ko ahhh.Nakakalaglag naman ng panty ang kagwapuhan ng lalaking ito.Hindi naman ako nagpahalata na kinikilig ako.....aba eh mahirap na hehe....
"Sorry miss,ok ka lang ba?"-si Gwapo
"Ayy OK lng ako salamat"-ako
"Walang anuman.Sige mauna na ako huh."-siya sabay kindat umalis na siya.Kinilig ako dun ahhh..maya maya ay nakita ko sina Anthonnette na papalapit sa akin.Galit na naman ang awra niya.Sigurado ako na type nya ang lalaking nakabangga ko kanina.Transferree siguro iyon.Kaya heto galit na naman ang mortal enemy ko.MY ghaddd takbuhan na..Dali dali akong tumakbo para hanapin ang section ko.Sigurado akong aawayin na naman ako ng mga bruhang ito.napabilis naman ang mga lakad nila kaya mas lalo kong binilisan ang pagtakbo.
Maya maya ay nakita ko na ang room ko
ROOM 101 Grade 9-Faith
Huminga ako ng malalim..Gumaan ang loob ko ng makita kong kakaunti palang ang estudyante sa loob at kakaunti pa rin ang mang aasar sa akin.Ok na rin iyon.Katabi nga pala namin ang room nine-Love ang room nila Anthonnette.Nagulat naman ang isang kaklase ko sa bigla kong pagpasok.
"Ay chaka!Myghadd pabigla bigla ka naman manang ah!!"-Chelsea ...at nagtawanan ang mga kasama niya.Wala pa ang proffesor namin at hindi ko na lang sila pinansin dahil alam kong magsasawa rin sila.Teka kaylan nga ba sila nag sawa?Paulit ulit na lang eh!!!
Nagbasa muna ako ng libro.Isa iyong libro na mula sa Wattpad.Mystery ang Category.Class 3-C Has a Secret .... habang wala pa ang proffesor namin hanggang sa dumami ang mga kaklase namin.At dumarami narin ang mga nang-aasar sa akin at yung iba ay sinasabing manhid daw ako at bingi dahil parang wala daw naririnig ang isang pangit na katulad ko dahil hindi ko sila pinapansin.Sanay na eh.Hanggang sa napuno na ang classroom namin.45 kami lahat at kulang na lng nang isa siyemre nakaupo ako sa may bandang likuran dahil dun ako nababagay.Dumating na din si Pof.Reyes at tinanong kung ok lang daw na wala akong katabi.At biglang nagtawanan ang mga kaklase ko dahil sino ba ga naman daw ang tatabi sa akin eh napakapanget ko..Lumakas ang tawanan sa room na para bang nananadya sila.Pinatahimik agad sila ni Prof.Reyes(Ms.ZSA ZSA Reyes) at sinabing magkakaroon naman daw ako ng katabi dahil may bagong student from other university here in Cebu.Hindi sinabi ni Ma'am kung babae o lalaki.Bigla namang nagwika Si Bryan.
"Wag mong kakagatin manang huh."-sabi niya at umalingawngaw na naman ang tawa ng buong klase na ikinagalit ulit ni Prof.Reyes dahil parang hindi daw marunong gumalang sina Bryan at naturingan pang star section.Tumahimik naman sila.Masakit pero mas mabuting tumahimik na lang ..Gagara kasi ang mga iyan pag pinatulan.
Natahimik ang lahat na isang gwapong lalaki ang dumating..Napanganga ang mga bigaon(malandi)lalo na sila Chelsea at natuwa naman ang mga lalaki dahil madadagdagan na naman daw ang mga gwapo sa section namin...Duhhh ang kakapal....what the!!! eto yung lalaking nakabunggo ko kanina ah!!!! sana makilala niya ako hehe.Libre naman mangarap diba..Malay natin hehe.Natauhan naman cla ng lumakad na ito sa front ng natatawa......
"Ok,class dahil kilala nyo na ang isa't isa ay ang bago nyo na lang kaklse ang magpapakilala.Kayo na lang ang bahalang magpakilala sa kanya mamaya.Ok hijo introduce yourself na..."-Prof.Reyes
"Good morning everyone,I'm Paulo Alexander Villeareal.16 years old from San Bernardino Academy(All boys school)hope na maging close tayo dito"-turan nito na bumuntong hininga muna bago nagsalita.
"Ok Paulo,dun ka sa may bakanteng upuan sa tabi ni Ms.Querubin."-at diniinan pa ni Prof.Reyes ang pagsasabi ng Ms.Querubin para marinig lahat ng mga kaklase ko at nang matauhan.Matalim ang tingin ng mga babae sa akin at nag thu thumbs up sign naman ang mga lalaki kay Paulo..Syetttt!!! tinititigan nya ako.Baka naaalala nya ako kanina.May sinulat muna si Prof.Reyes sa lesson plan nya.Wala daw kaming masyadong topic ngayon dahil pwede pa daw namin maenjoy ang first day.Bigla naman akong kinausap ni Paulo na lalong ikinagalit nina Chelsea.
"Hi ikaw yung nabangga ko kanina.Right???"-Si Paulo "Oo eh "-painosente kong sabi
"Sorry ulit ah....ano nga palang pangalan mo?"-sabi nya na mas lalong ikinagulat ng buong klase.Natatawa naman si Prof.Reyes na ipinagtaka naman ni Paulo."Ammmm ako si Mariposa."-nahihiya kong sabi.
"Ganda naman ng name mo.Pangdyosa.Parang Ikaw.At Saka naaalala ko yung nakilala ko dating kaibigan pareho kayo ng pangalan"-sabi niya na lalo pang nagpagulat sa lahat....Hindi ko narinig ang mga huli niyang sinabi.Hindi naman ako nagpapahalata na kinikilig dahil alam kong aawayin na naman ako ng mga bruhildang Ito. Nagpasalamat lang ako at sumigaw so Chelsea ng"duhhh,assuming" at nagpabago ng mood ni Paulo.Lumipatsang break time at kinukulit ako ni Paulo.Gusto niyang hiramin librong binabasa ko.Yung Class 3C Has a Secret.At hayun pinahiram ko nalang.Mula ngayon daw ay best friends na kami.At no choice naman ako kaya mas OK pa para akong mapalapit sa kanya.Feel ko ay gustong gusto na akong ganutan ng mga girls.Habang gusto naman sanang lumapit ng mga boys kay Paulo pero busy ito sa kababasa kaya no choice sila kundi mainggit hahahaha feel ko dumating na Knight in Shining armor ko.
Hanggang uwian ay sabay kami Hanggang Kanto.Buti na lang di ako nakita ni Anthonnette kundi patay ako dun.May kotse kasi na sumundo sa kanya eh.Babae Ang nagdadrive at halatang college na.Bago siya pumasok tumigil muna siya.Willing naman daw mag wait ang ate niya.
"Sakay ka na lang dito Marie"-siya
"Naku malapit lang ang tinutuluyan ko"-sabi ko
"Ala! Magagalit ako Sayo eh"-siya
"Sumakay kana Marie"-sabi ng ate niya.First time ko naman na may magnick name sa akin na Marie at sila iyon.Kaya hayun sa kapipilit nila ay sumakay na lang ako.At dahil malapit lang ang mansyon ng mga Penndleton ay hindi kami nakapag usap ng matagal.Nagpaalam ako sa kanya at nya.Napakagaan ng loob ko sa kanila at para bang matagal na kaming magkakilala.Nagtaka naman so Nanay Eva Kung bakit first time ko daw ngumiti galing ng school.Kinuwento ko kanya Ang lahat lahat at kinikilig kilig pa siya.Napakasaya ng araw ko ngayon.Napakasaya talaga kahit may kaunting sayad.
To be continue.. ....
YOU ARE READING
My Morena Girl
FanficIsang lalaki Ang magpapabago ng buong Buhay Niya,Ang lahat ng mga mabibigat ay magiging magaan,Ang lahat ng Hindi magandang tingnan ay magiging maganda sa paningin,Ang lahat ng pagdurusa ay magiging ligaya....Ang malaking dagok Sa Buhay Niya ay mawa...