YED PRIOR
I was left dumbfounded when Avior started to strum his guitar. It wasn't the song we practiced. Tarantado talaga 'tong isang 'to.
"This is for you Trix." Iyon ang sabi ni Avior saka siya ngumiti.
Sinimulan nilang tumugtog kaya nakisabay na lang din ako dahil wala naman na akong magagawa pa. Andiyan na 'yan eh, hindi ko na mababago.
Alam kong nagulat si Saiph sa pangyayari. Maging ako ay hindi ko alam ang gagawin. Hindi naman ako pwedeng umalis na lang bigla rito. Pero kailangan kong protektahan ang pinsan ko.
I looked at her and I saw her about to cry. She was too stunned and got stiffened in her seat.
"Damn it." I whispered to myself.
Nakangiti si Avior habang kinakanta 'yan at nakatingin kay Saiph. Pero napansin kong nakayuko na si Saiph habang mahigpit ang pagkakawak sa palda ng uniform niya. Napansin ko ring para siyang nahihirapang huminga.
Napahigpit ang hawak ko sa drumsticks ko at pinapanalangin kong matapos na kaagad 'to bago pa tuluyang mawalan nang hininga ang pinsan ko.
Pero nagulat na lang ako nung bumaba ng stage si Avior at nagpunta sa kinauupuan ni Saiph. Dahil dun, nagkatinginan kami nila Zeke. Ito yung unang beses na gawin ni Avior 'tong ganito.
Sinubukang dalhin ni Avior rito sa stage si Saiph, pero sa tingin ko'y hindi niya ito napilit. Talagang hindi niya mapipilit.
Saiph remained sitting on her seat as she was bowing down her head. Not even trying to glance at Avior.
I am so nervous that I do not know what impact this will bring to Saiph. Damn it, gusto ko na lang sapakin mamaya si Avior! Gagong 'to!
Though parang nagegets ko naman kung bakit ginagawa 'to ni Avior. Siguro nga, tinamaan talaga siya kay Saiph pero pinipigilan niya lang dahil sa sinabi kong 'wag niyang tataluhin ang pinsan ko. Siguro, hindi niya aakalaing makakakilala pa siya ng babaeng makakapagparamdam ng kung ano mang nararamdaman niya ngayon.
Hindi ko iyon kontrolado. At kung may balak man siyang gaguhin o paglaruan ang pinsan ko, alam niyang ako ang makakalaban niya. Kaya sa tingin ko, hindi naman niya gagawin.
Pero nakakagago pa rin ang ginawa niya ngayon. This isn't what we have planned last week.
"Tatamaan ka talaga sa'kin mamaya, hayop ka." Bulong ko sa sarili ko matapos kong makita ang sumunod na ginawa niya.
Hinawakan ni Avior ang kamay ni Saiph at pilit na inaangat ang ulo nito pero hindi siya nagtagumpay. Napatingin sakin si Avior na tila nagtataka.
"Gago ka!" I mouthed to him.
Nagtaas-kilay lang siya na tila nagtataka. Binitawan niya ang kamay ni Saiph at inangat ang ulo nito.
Nanlaki ang mata ni Avior matapos niyang makita ang pagragasa ng luha sa mga mata ni Saiph habang hindi matigil sa pagnginig.
I was right all along; she's indeed crying upon hearing the song.
"Kyaahhhh!"
"Ang swerte ni girl!"
"Uwaaaaa! Fafa Avior ko! Huhu."
"Ako din payakap!"
Yakap-yakap ni Avior ngayon si Saiph. At mas hinigpitan pa niya ang yakap na 'yon hanggang sa matapos ang kanta.
"Now I have the reason. And Trix, thank you for being that reason."
Mas lalong nagtilian ang mga tao dito dahil sa anunsyong iyon ni Avior. Tarantado talaga. Bago pa lang si Saiph dito, pero mukhang mapupuntirya na naman siya ng mga fangirls ng lalaking 'to. Tsk.
BINABASA MO ANG
My Own Love Story (COMPLETED)
RomanceSaiph Bellatrix Dellacroix is an attractive young woman who actually grew up in an affluent home but then was mistreated as a pariah. She broke away from her family as a wake of several circumstances, which molded her into somebody she didn't like t...