SAIPH'S P.O.V.
"Ang ganda naman ng baby ko", nakangiti kong sabi kay Trixie
"Thank you mommy! But ofcourse, you are prettier than me", nakangiting sagot niya
"How 'bout me? How do I look?", nakangiting tanong ni Kelvin na kakapasok lang dito sa kwarto
"You're so handsome as ever Daddy!", nakangiting sabi ni Trixie saka tumakbo at yumakap kay Kelvin
"Thank you baby. You look really pretty. Happy birthday. What do you want as a gift?", sabi ni Kelvin
"I don't want material things as a gift daddy. Because I can have it anytime. All I want is a gift that is priceless. A gift that can make me happy everytime", sagot ni Trixie
Saka siya yumuko at sumimangot. Tumingin naman sakin si Kelvin, nagtatanong ng sagot sa sinabi ni Trixie. Pero maski ako, hindi ko alam kung ano ba ang tinutukoy niya.
"What is it baby?", tanong ni Kelvin
Lumapit si Trixie sa kanya at may binulong. Nanlaki ang mata ni Kelvin at napatingin sakin. Okay?
"Please Daddy", nakasimangot na sabi ni Trixie
Tumingin ulit sakin si Kelvin saglit saka siya tumingin ulit kay Trixie at ngumiti.
"I will try baby", sagot ni Kelvin
Napabuntong hininga si Trixie at tumango-tango. Ano kaya ang gusto niyang regalo?
"Trixie?", tawag ni Mommy
Tapos biglang bumukas yung pinto.
"Kukunin ko muna si Trixie ha? Nasa baba na ang mga bisita niya", sabi ni Mommy
"Okay mom", sagot ko
Kinuha naman ni Mommy si Trixie at lumabas na ng kwarto.
Lumapit naman sakin si Kelvin at lumuhod para magkapantay kami. Nakaupo kasi ako.
"Alam mo ba kung ano ang gusto niyang regalo?", tanong ni Kelvin
Kumunot ang noo ko, at umiling ako. Tapos hinawakan niya yung kamay ko ng mahigpit.
"She said she want us to be a real family. Inutusan nga ako eh. Magpropose daw ako sayo. Haha. Alam ko naman na ang isasagot mo, kaya sinabi kong susubukan ko", sabi ni Kelvin
Gusto kong umiyak dahil sa sinabi niya at dahil na din sa hinihiling ni Trixie.
"Ipapaintindi ko na lang kay Trixie na hindi pwede ang gusto niyang mangyari at—",
Hindi ko na pinatapos ang sinasabi ni Kelvin at tumayo ako saka ko siya hinala patayo at niyakap ng mahigpit.
"We can make that happen", sabi ko
Kumalas sa yakap si Kelvin at tinitigan ako.
"What do you mean?", tanong niya
Nginitian ko siya kasabay ng pagtulo ng luha ko.
"I am saying yes", sagot ko
Nanahimik siya saglit. Tapos hinawakan niya yung pisngi ko.
"Alam kong ayaw mo Bella, kaya hindi kita pipilitin okay? Wag mong pilitin ang sarili mong gustuhin ako. O di kaya, wag mong sabihin yan dahil lang sa hiniling ni Trixie. Wag mong ikulong ang sarili mo sa isang bagay na ayaw mo naman talaga", sabi ni Kelvin
Umiling iling ako at ngumiti.
"See this tears? It's tears of joy Vin. I am saying yes, because I want that to happen too. Hindi dahil sa napipilitan ako, o dahil sa hiniling yun ni Trixie. Um-oo ako dahil sa yun ang gusto ko. I want to give 'you and I' a chance", nakangiti kong sabi
BINABASA MO ANG
My Own Love Story (COMPLETED)
RomantizmSaiph Bellatrix Dellacroix is an attractive young woman who actually grew up in an affluent home but then was mistreated as a pariah. She broke away from her family as a wake of several circumstances, which molded her into somebody she didn't like t...