Chapter 5

2.3K 46 0
                                    

SAIPH


Maaga pa nang magising ako, pero nag-ayos na ko. Mahirap na. Baka mapagsabihan na naman, ayokong masermonan nang ganito kaaga. Hays. Ni ayokong bumaba pa sana kasi even make up couldn't cover up my eyes eh—it's swollen. Probably because I fell asleep crying last night.

"Aga mo nagising, gagi. Hintayin mo 'ko. Mabilis lang ako." Gulat na sabi sa'kin ni Yed at mukhang kagigising niya lang.

Napatawa ako nang mahina at tumango saka ko siya sinenyasan na umalis na sa harapan ko.

"Oo. Bilisan mo lang." Maikling sagot ko sa kanya para hindi na masyadong magtagal pa.

Tumango siya at tumakbo pabalik sa kwarto niya. Bumaba naman ako para kumain. Naabutan kong kumakain sila grandpa at mommy. Ayoko sanang sumabay, kaso baka kung bumalik ako sa kwarto, pagalitan na naman ako. LAlo na't nakita nilang pababa ako ng hagdan.

"Good morning po grandpa, mommy." Pagbati ko sa kanila bago ako umupo.

"Miss Saiph, eto na po yung juice niyo." Sabi ni Nanay Vonnel saka niya inilapag sa harapan ko iyong juice na lagi kong iniinom kapag umaga.

Madalas, alam na ni Nanay Vonnel kung ano ang gusto kong kainin sa umaga. Siya na rin ang nagtitimpla ng juice ko dahil hindi naman ako mahilig sa kape o maging sa gatas.

"Salamat, nanay." Sabi ko at ngumiti sa kanya, saka ko sumimsim sa juice na tinimpla niya.

Tahimik akong kumakain dahil bukod sa parehas na walang kibo sina grandpa at mommy, ayaw ko rin silang kausapin dahil panigurado ay mag-iinit lang ang ulo ko. Hangga't maaari, ayaw kong masira ang umaga ko. Wala akong energy para makipagbangayan sa kanila lalo na't nasa hapag-kainan kami.

"So, how's your studies, Saiph? Ayos ka ba sa bago mong school?" Bigla ay tanong nio grandpa kaya napatigil ako sa pagsubo ng rice.

"Okay naman po grandpa. Better than my old school po." Mahinhin na sagot ko sa knya.

Well, unlike sa old school ko, mas magaling magdiscuss ang mga teachers dito. Besides, it feels like I'm going to learn more here kaysa sa dati kong school na elite nga, puro naman ako self-study. PArang nagbayad lang kami ng tuition for nothing. NAgpapasweldo ng mga teavhers na hindi naman umaattend sa klase or nagtuturp nang maayos.

"Good. I expect you to be on top." Bigla ay sambit ni grandpa, kaya napatigil ako.

Medyo napahigpit ang hawak ko sa mga kubyertos habang deretsong nakatingin sa pagkain ko. Bakit ba kasi ganito ang usapan? Gusto ko lang naman kumain nang mapayapa.

"Grandpa, Yed is the top performer in our section." Sagot ko.

"So? Sinasabi mong hindi mo kayang higitan ang pinsan mo? Oh, c'mon Saiph. You're better than that." Sabat ni mommy na siyang ikinainis ko.

Ano bang gusto nila? Na maging si Yed na tanging kakampi ko sa lahat, ituring kong kakompitensya para lang ma-satisfy sila sa gusto nila for me? Tangina, edi sana pala hindi na lang nila 'ko hinayaang mabuhay kung ganito lang din pala ang magiging trato nila sa'kin. Parang unti-unti na lang din nila 'kong pinapatay.

Napatigil ako sa pagkain, nawalan na ko ng gana.

"I'm done. Pakisabi na lang kay Yed, nauna na ko." Paalam ko saka na ako tumayo at marahas na hinablot ang bag ko sa kabilang upuan.

"Saiph! Get back here!" Rinig kong sigaw ni mommy, pero hindi na 'ko lumingon pa o nagtangkang bumalik.

Awayin na lang niya 'ko mamaya o pagsabihan, o sa kung anong gusto niya. 'Wag lang ngayon. Wala talaga ako sa mood.

My Own Love Story (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon