Chapter 3

2.8K 41 0
                                    

SAIPH


Naalimpungatan ako at dahan-dahang nagmulat ng mga mata. Tumingin ako sa bintana at nakita kong medyo madilim pa. Kaya ibinaling ko ang tingin ko sa clock sa side table ko—it's still 5:00 A.M.

Napailing na lang ako at matapos ang ilang minuto ay tumayo na rin ako at naligo na.

While taking a shower, I can't help myself but to stare at nowhere. Hindi ko alam kung wala ba kong iniisip o iniisip ko na naman ba ang pangyayaring 'yon. Isang insidenteng kahit kailan yata ay hindi mawawala sa isip ko.

Pero imbes na i-stress ko ang sarili ko ay ipinikit ko na lang ang mga mata ko. Sa hindi inaasahang pagkakataon, kusa na namang tumulo ang mga luha ko na tila ba bumabalik iyong dating Saiph na binaon ko na sa hukay. Iyong Saiph na mahina, iyakin, at tatanga-tanga.

Kung tutuusin, iyon naman talaga ang totoong ako. Pero ayoko nang bumalik pa sa kung sino ako dati. Nakakapanibago man ang ako ngayon, pero para san pa't masasanay din naman ako pagdating ng panahon. Besides, I am who I am now because of them.

Kinakailangan kong maging matatag at matapang, para sa pagdating ng panahon ay makakaya kong ipagtanggol ang sarili ko. Dahil baka dumating ang oras na kakailanganin kong isantabi ang pagiging isang mahinang nilalang.

Halos isang oras din ako sa banyo bago tuluyang lumabas at nagpalit. Muli kong nilingon ang clock sa side table ko at nakita kong masyado pang maaga. Panigurado ay pagising pa lang si Yed o baka patapos na rin siyang mag-ayos.

Kaya habang may oras pa, kinuha ko ang susi ng drawer ko at binuksan iyon saka ko inilabas ang maliit na notebook saka ako kumuha ng ballpen

Dear Diary,

Ano kaya ang pakiramdam ng na-appreciate ka ng ibang tao? Yung tipo bang sasabihin nila sayong sobrang ganda ng gawa mo, na proud sila sa'yo. Yung ipagmamalaki ka nila.

Kasi ako, ni minsan hindi ko naranasan 'yon. Ang lungkot. Siguro iniisip ng ibang tao na ang swerte ko kasi nasa isang mayaman at kilalang pamilya ako. Baka iniisip nila na ang swerte ko kasi, maganda ako, matalino, mabait. Pero hindi nila alam na ang hirap na prinepressure ka. Ang hirap i-meet yung standards na meron sila.

Ang hirap makibagay at maging isang taong ayaw mong maging. Tipong makikisabay ka sa kasosyalan nila kahit hindi ka naman ganon. Makikipagplastikan ka tuwing may dadalo sa mga magarbong okasyon. Magsusuot ng magagarang gamit, sapatos, alahas—sinusubukang pagtakpan ang totoong ako.

Pero kung ako ang papipiliin, gusto ko lang naman ng normal na buhay. Kahit mahirap ang buhay, okay lang. Okay na ko sa ganon. Ang importante, masaya at buo kami. Hindi yung ganito.

Ang sakit, sobra. Palagi kang binabalewala. Palagi kang bagsak sa kanila. Tipong pinaparamdaman nila sayong wala silang pakialam.

"Saiph?"

Kaagad akong nagpunas ng luha at isinara ang notebook ko. Nagmadali akong itago iyon bago pa makalapit si Yed.

"Tapos ka na? Tara na?" Nakangiting tanong ko sa kanya at kaagad naman siyang tumango.

Pagkababa namin ay nagulat ako nang makita ko si Grandpa. Iyong papa ni Mommy. Why is he here so early in the morning?

"Hindi pa kayo kumakain." Sabi ni Grandpa bago pa kami makalabas kaya napatigil kami ni Yed.

"Sa school na lang po siguro kami kakain, Grandpa." Mahinang sagot ko sa kanya.

Namuo ang kaba sa dibdib ko nang matahimik siya at hindi man lang ako nililingon. Instead, he looked at Yed.

My Own Love Story (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon