Chapter 17

1.7K 34 3
                                    

SAPPHIRE BELLATRICE


Magdamag akong gising. Hindi ako makatulog kakaisip sa mga nangyayari the past few days.

Aaminin ko, dinamdam ko lahat ng mga sinabi sa'kin ni Saiph. Masasakit lahat at hindi ko kayang tanggapin. Ngayon, iniisip at kwinekwestyon ko ang sarili ko kung tama ba ang desisyon kong magpakita ulit at bumalik sa buhay nila. Dahil pakiramdam ko, nagsimulang gumulo lahat mula nung bumalik ako.

But I have reasons why I left and purposely didn't show up. Bukod don, inisip kong mas makakabuti iyon para sa kanilang lahat, lalo na kay Saiph. Pero mukhang nagkamali ako.

Over the years, I was just around the corner, watching them from afar. I've seen how things went complicated and how some were fixed. Inakala ko na habang papatagal, maaayos pa ang samahan nila mommy at Saiph. Inisip ko na baka kapag nawala ako, makita niya na rin si Saiph at hindi lang puro ako. Pero nagkamali ako. Hindi ko inakalang magiging ganito.

Hearing all of those words from Saiph was like piercing my heart with thousands of knives—I didn't know she was so hurt deeply. I didn't know that by making that decision, she was hurt and wounded badly—believing that she's worthless and unloved.

Bukod kay grandma, daddy, at Yed ay ako lamang ang natitirang kakampi niya. I sa whow devastated she was when she thought I died. Then years later, our grandma died as well. All she has left was Yed by her side. She must have thought that she was abandoned, left alone.

"Sapphire anak, ang aga mo naman magising." Rinig kong sabi ni Nanay Vonnel kaya kaagad akong nagpunas ng luha bago ako humarap sa kanya.

Inabot na 'ko nang ganito kaaga dahil hindi ako makatulog kaya nagpunta ako rito sa kusina at nagtimpla na lang ng kape ko.

"Hindi ka na nasanay sa'kin, nay. Alam mo naman maaga akong nagigising palagi eh." Nakangiting sagot ko sa kanya.

Nginitian niya ako at tinitigan.

"Hindi pa rin ako mapakaniwala na nandito ka na nga talaga." Nakangiting sabi niya sa'kin saka niya hinawakan ang mga kamay ko.

Nanay Vonnel has been with us since we were young. She's as old as our grandma to be exact. As a matter of fact, she's not a nanny here anymore—we treat her like she's a part of our family. She's like a second mother to me, Saiph, and Yed.

"Hindi ko nga po alam kung tama nga bang bumalik pa 'ko o dapat bang hindi na lang ako nagpakita kahit kailan." Malungkot na sabi ko.

Naramdaman kong humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Masaya kaming lahat na nakabalik kang ligtas at buhay, anak." Naiiyak na sabi ni Nanay Vonnel.

Seeing her like this and hearing those words from her moved my heart. I feel like crying all of a sudden.

"Hindi lahat, nay. Nasaktan ko si Saiph." Sagot ko sa kanya.

Ngumiti siya sa'kin saka niya 'ko inayang maupo.

"Alam mo, nung akala naming lahat ay wala ka na, hindi namin nakitang umiyak ang kapatid mo. Mapapansin lang na may namumuong luha sa mga mata niya, pero ni minsan ay hindi siya umiyak. Noong tinanong ko siya, ngumiti lang siya sa'kin at sinabi niyang iyong daw ang huling bilin mo sa kanya—iyong ngumiti siya sa harap mo at huwag iiyak kahit anong mangyari." Sabi ni Nanay Vonnel.

Matapos kong marinig iyon ay kaagad akong napaluha at naalala ang naging pag-uusap namin ni Saiph nung gabing 'yon.


My Own Love Story (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon