Chapter 7

2K 34 0
                                    

AVIOR


Panibagong araw na naman pero hindi mawala sa isip ko iyong nangyari kaha[on. Magdamag akong mulat, hindi makatulog kakaisip don.

Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko, kung anong gagawin ko. Alam ko, ramdam ko, at kitang-kita ko na apektadong-apektado si Trix sa lalakeng 'yon. Kaya alam kong may nararamdaman pa si Trix sa kanya.

Kaya ba—kaya ba ayaw akong bigyan ni Trix ng pagkakataon? Dahil yung puso niya nakakulong pa sa nakaraan, hawak ng lalakeng 'yon.

"May problema ba? Kanina pa kita kinakausap pero nakatitig ka lang sa'kin." Natatawang sabi ni Saiph sa'kin.

"Sorry. Ganda mo kasi, nakakadistract." Pabirong sabi ko sa kanya na ikinatawa niya nang mahina.

"Ano ba kasing iniisip mo?" Tanong niya habang nakatingin sa'kin nang deretso.

Nag-aalinlangan akong itanong, pero hindi ko na napigilan ang labi kong bigkasin ang mga katang ito.

"Siya ba ang dahilan?" Tanong ko sa kanya.

Alam ko naman na ang sagot. Kitang-kita ko na sa mga mata niya. Kahit hindi ko na itanong ay alam ko na. Pero ewan ko ba. NAgbabaka-sakali ako na sabihin niyang hindi. Gusto kong paniwalain ang sarili ko sa kasinungalingang iyon. MArahil siguro, gusto kong patuloy na isiping may pag-asa para sa'ming dalawa.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong niya sa'kin.

Pilit akong ngumiti sa kanya saka ako nag-iwas ng tingin. Tumingin ako sa malayo, sinusubukang itago ang mga nagbabadyang luha sa mga mata ko.

"Si Eos ba ang dahilan kaya hindi mo magawang ibigay sa iba ang atensyon at puso mo?" Tanong ko sa kanya na siyang ikinatahimik niya.

Silence fell over the place and I didn't want us both to be engulfed with the awkwardness of the atmosphere.

"Pero 'wag mo na lang sagutin kung hindi ka komportable—"

"Yes. Isa siya sa mga dahilan kung bakit ayoko. Alam mo kung bakit? Kasi kagaya mo, naloko rin ako Avior. Yung tiwala kong ang hirap at ang tagal kong binuo, sinira niya nang ganun lang." Bigla ay sabat niya sa'kin

Tiningnan ko siya, pero nakatitig lang siya sa kawalan at kita ko ang pamumuo ng luha sa mga mata niya.

"Nahihirapan akong magtiwala at maniwala ulit sa pagmamahal kasi ang naiisip ko palagi, sasaktan, iiwan, at lolokohin lang ako nang paulit-ulit. Kaya ayoko na." Sambit niya sa mahinang boses, halos parang bulong na lang.

"I'm sorry. Dapat hindi ko na tinanong." Mahinang sambit ko sa kanya saka ko siya sinubukang patahanin habang hinahagod ang likod niya.

Nagulat na lang ako nung may humila sa'kin kasabay ng malakas na pagsuntok sa mukha ko.

"Avior!" Gulat na sigaw ni Saiph nang makita niya na 'kong nakahandusay sa sahig.

"The hell?" Bulong ko sa sarili ko saka ko pinunasan ang dugo sa gilid ng labi ko.

"Get your hands off her!" Sigaw sa'kin ni Eos na ngayon ay nanlilisik ang tingin.

Napangisi ako at dahan-dahang tumayo. Akmang susugurin si Eos pero mabilis na tumakbo papunta sa'kin si Saiph at hinawakan ang labi kong nagduugo.

"Masakit ba? Halika na, dadalhin kita sa clinic." Nag-aalalang sabi ni Saiph saka niya 'hinawakan, pero hinila ko siya at inilingan.

Inilayo ko siya nang kaunti saka ko mabilis na binawian ng malakas na suntok si Eos, dahilan para mapahiga siya sa sahig. Gagong 'to.

My Own Love Story (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon