SAIPH'S P.O.V.
After 8 years.
Walong taon na ang nakalipas simula nung nagdesisyon akong umalis at mag-aral dito sa abroad. Kasama ko si ate at si Yed.
Oo, aaminin ko. Nagpunta ako dito hindi dahil sa gusto kong mag-aral dito. Kundi dahil, gusto kong tumakas. Gusto kong takbuhan ang nakaraan ko. Gusto kong magpunta dito para mas mapadali ang paglimot ko.
"Ready na ba ang mga gamit mo Hon?", nakangising tanong ng isang lalake
Kumuha ako ng libro sa lamesa ko at binato ko sa kanya. Saka ko tinaas ang middle finger ko.
"Hon your face jerk", mataray kong sabi
Lumapit naman siya sakin at ginulo ang buhok ko.
"Ikaw talagang babae ka. Sinabi kong wag kang nagmimiddle finger kung kani-kanino. Tsk", sabi niya
Here we go again. Papangaralan na naman ako ng isang 'to. Di na nagbago.
"Duh?! Ikaw nagturo sakin nun! Tsaka hindi ka naman kung sino lang eh. You're my bestfriend, crazy!", sagot ko
Saka ko siya inirapan at pinalo sa kamay.
"Haha. Oo nga eh. Too bad, hanggang bestfriend lang ako noh? Tsk", sabi niya
"Whatever Vin", sagot ko
Saka ako nagtuloy sa pag-aayos ng gamit ko.
He's Kelvin Clark Pascual. I met him here abroad. Siya kasi yung una kong nakaclose when I was new in school. At di nagtagal, naging magbestfriends kami.
Siya lang kasi ang meron ako dito. Yung matatakbuhan ko kapag feeling ko, hindi ko na kaya. Siya yung nakatiis na pakinggan lahat ng kadramahan ko. At hindi ako iniwan kahit na unti-unti nagbabago yung ugali ko.
"Tawagin mo na lang ako kapag tapos ka. Ichecheck ko lang kung nakapag-ayos na ng gamit si Trixie", sabi ni Kelvin
Tumango lang ako at ngumiti. Tumayo na siya at lumabas ng kwarto ko.
Pero bago pa siya makalabas pumasok ang isang napakacute na bata at lumapit kay Kelvin.
"Daddy! Daddy you're here!", nakangiti niyang sabi
Ngumiti naman si Kelvin at binuhat siya. Saka siya lumingon sakin. Nginitian ko lang silang dalawa.
Perfect. Kung titignan sila, para talaga silang mag-ama. Too bad, he's not Trixie's father.
"Ayos na ba ang gamit mo babygirl?", nakangiti kong tanong sa kanya
Tumango tango si Trixie at ngumiti. Her smile, reminds me of someone. Hindi maikakaila na kamukhang kamukha ko talaga siya. Kahit sino ang makakita sa kanya, talagang masasabing anak ko siya.
"Okay okay. Then call yaya at maligo na baby. Baka malate tayo sa flight", sabi ko
"Yes mommy", sagot niya
Binaba naman siya ni Kelvin at tumakbo na siya palabas ng kwarto.
"Little version mo talaga", natatawang sabi ni Kelvin
"Nahiya ako ha? Kanino kaya niya nakuha ang pagiging maloko?", tanong ko
"Fine fine. Sabi ko nga", sagot ni Kelvin at umirap
Kung hindi lang nagkakagusto 'to sakin, iisipin kong bading siya. Haha.
Pero kahit na may gusto siya sakin, at close kami, never siyang nagtake advantage sakin. He really do respect our friendship.
"Sige na, maligo ka na dun. Tatapusin ko na lang 'to saka ako maliligo. Baka malate pa tayo ng flight", sabi ko
Tumango siya at lumabas na ng kwarto. Ako naman inayos ko na lahat ng mga gamit na kukunin. Mga pasalubong and such.
~
"Mommy, may susundo ba satin?", inaantok na tanong ni Trixie
Kakarating lang namin dito sa Pilipinas at inaantay si Yed. Siya kasi amg susundo samin.
"Yes baby. Susunduin tayo ng tito Yed mo", sagot ko
"Daddy pabuhat", nakangusong sabi ni Trixie
Kinuha ko ang ibang karga ni Kelvin at nilagay sa push cart. Saka ko tinanggal ang shades ko.
"Ang bigat mo na baby", sabi ni Kelvin kay Trixie
Hindi naman sumagot si Trixie. Pagtingin ko, tulog na pala siya. Napagod siguro sa biyahe.
"Kaya mo pa?", tanong ko kay Kelvin
Tumango naman siya at ngumiti.
Naghintay kami sa labas ng airport at di nagtagal dumating si Yed.
"Oh, tulog na pala ang mahal na prinsesa", sabi ni Yed
Tumango ako at nagpatulong sa kanyang ilagay sa kotse ang mga gamit.
"Akin na si Trix Kelvin", sabi ni Yed
Binigay naman ng dahan dahan ni Kelvin si Trixie kay Yed. Sa backseat na sila, tapos sa harap kami ni Kelvin. Si Kelvin na ang nagdrive.
"Kaya mo pa ba? Hindi ka pa ba pagod?", tanong ko
"You're worried. Wag kang ganyan Bella. Baka umasa ako. Haha", sabi niya
Sanay kasi siyang tawagin akong Bella. From my second name "Bellatrix". Ewan ko ba sa kanya.
"Siraulo. Tara na nga", sabi ko
Tumango siya at nagdrive.
~
Pagkarating namin sa bahay sinalubong ako nila Mommy at Daddy.
"Welcome home Saiph", salubong ni Mommy at niyakap ako
"Thanks Mom", sagot ko
Sunod namang yumakap sakin si Daddy.
"Magpahinga muna kayo. Mukhang pagod kayo. Tsaka, maawa naman kayo kay Kelvin. Nabibigatan na yata sa apo ko", natatawang sabi ni Daddy
Pagtingin ko sa likod, si Kelvin pala nakabuhat kay Trixie.
"Matutulog muna kami. Pagod sa byahe", sabi ko
Tumango naman sila Mommy kaya umakyat na kami sa kwarto.
"San ako matutulog?", tanong ni Kelvin
Pagkatapos niyang ihiga sa kama ko si Trixie.
"Nahiya ka pa. Gusto mo din namang matulog dito. Tumabi ka na diyan kay Trixie. Dito ko sa left side", sagot ko
Ngumiti naman siya ng nakakaloko. Kita mo? Tsk.
"Yes naman. Haha. Perfect family tayo noh? Haha", sabi ni Kelvin
"Matulog ka na!", sigaw ko sa kanya
"Yes boss", sagot niya
Tapos tumabi na siya kay Trixie at natulog.
*CLICK!
Pinicture ko sila, ang cute nila tignan. Haha. Parang mag-ama kasi talaga. Haha
Makatulog na nga lang muna.
Tumabi ako sa kanila at natulog na. Pagod din naman kasi ako sa byahe. I need to rest.
BINABASA MO ANG
My Own Love Story (COMPLETED)
RomanceSaiph Bellatrix Dellacroix is an attractive young woman who actually grew up in an affluent home but then was mistreated as a pariah. She broke away from her family as a wake of several circumstances, which molded her into somebody she didn't like t...