SAIPH
"Siguro, Avior is having a good time na paglaruan ka. Sabagay mukha ka namang uto-uto. Right girls? Hahaha!"
Tapos nagtawanan sila na mas lalong nagpakulo ng dugo ko, dahil una sa lahat, wala namang nakakatawa. Pangalawa, ang pangit ng tawa nila parang mangkukulam. Pangatlo, wala. Nakakairitia lang talaga sila. Tsaka, anong problema nila? Porket ba malapit ako kila Avior gaganito na sila? Kakapal naman ng mukha nila mag-angkin ng hindi sa kanila kung ganon.
Huminga ako nang malalim at imbes na patulan ko sila ay hindi ko na lang ininda. Naalala kong bago lang pala ako rito at hindi ako pwedeng gumawa ng kahit na anong gulo. Dahil paniguradong ako lang din naman ang kawawa sa huli.
Aalis na sana ako pero biglang hinila nung isang babae yung buhok ko kaya napa-aray ako at napapikit saka ko hinawakan ang kamay niya.
"Ano ba?" Singhal ko sa kanya saka ko pilit inaalis ang kamay niya sa buhok ko.
Bwisit na babaeng 'to! Hindi naman niya sagot ang pagpapasalon ko, ang kapal ng mukha niyang hawakan ang buhok ko!
"And where do you think you're going?" Taas-kilay niyang tanong sa'kin, saka siya ngumisi. "We're still talking to you bitch!"
Sinusubukan kong habaan ang pasensya ko at pinipigilan ang sariling gumawa ng eskandalo, pero kapag ako hindi nakapagtimpi sa babaeng 'to ay papatulan ko 'to! Hindi ako nag-aral ng martial arts para lang magpaapi ha!
"Ano ba? Bitawan mo nga yung buhok ko!" Bulyaw ko sa kanya.
Nakakainis, ang sakit kaya! Siya kaya sabunutan ko hanggang sa makalbo yung manipis niyang buhok! Bida-bida!
"Hey! Let go of her!" Sigaw ng isang babae saka niya pinalo ang kamay nung sumasabunot sakin at inilayo ako.
"Okay ka lang?" Maalumanay na tanong niya sakin.
Tumango na lang ako habang hawak-hawak ang ulo ko nung bigla akong makaramdam ng pagkahilo. Bumabalik na naman sa isip ko ang pangyayaring 'yon.
"Tantanan niyo nga siya!" Baling na sigaw niya dun sa tatlong babae.
"At sino ka para sundin namin? 'Wag ka ngang epal!" Sagot sa kanya nung isa.
"Not just an ordinary student, you'll see. And sisiguraduhin kong makakarating sa TMA ang ginawa niyo sa kanya!" Pagbabanta niya sa kanila.
Napaatras naman yung tatlong babae at saka sila nagkatinginan.
"Argh! May araw ka rin samin!" Inis na sabi sa'kin nung isa saka sila nagmadaling naglakad paalis.
"Salamat." Sinserong sabi ko sa tumulong sakin.
Though hindi ko siya kilala at hindi naman kami close, she still dared to butt in sa business ko and saved me from whatever I could have done.
"Wala 'yon, small thing." Sagot niya saka siya ngumiti. "Anyways, mag-iingat ka na lang next time."
Ngumiti na lang ako at tumango sa kanya.
"And oh, bago ka lang right? Bakit ang close mo kaagad sa TMA?" Pag-uusisa niya sakin.
"Yes. And that, uh, it's because I am Yed's cousin." Deretsahang sagot ko sa kanya.
She looked amazed after telling her that and I don't know what's so amazing just by being Yed's cousin. Well, I mean, yes, he's indeed an amazing cousin, but.... whatever!
"Wow! Ang swerte mo naman. Anyways, let's go na at baka ma-late pa tayo sa P.E. class." Nakangiting sabi niya sa'kin.
Ngumiti na lang ako at sumunod sa kanya.
BINABASA MO ANG
My Own Love Story (COMPLETED)
RomanceSaiph Bellatrix Dellacroix is an attractive young woman who actually grew up in an affluent home but then was mistreated as a pariah. She broke away from her family as a wake of several circumstances, which molded her into somebody she didn't like t...