EOS SANDLER
"I'm going to let you go now, love. I hope you'll be truly happy with him." Mahinang sambit ko, halos hindi na mahimigan ang sariling boses.
Tatayo na sana ako at aalis nang bigla niya akong hinawakan at pinigilan.
"Sandler, wait." Mahinang sambit niya saka siya tumahan sa pag-iyak.
Hindi ako nagsalita at natulala na lang sa kanya. May parte sa'kin ang umaasang sasabihin niyang mahal pa rin niya 'ko at may chance pang magkaayos kaming dalawa. Desperado na kung desperado pakinggan, pero oo, umaasa pa rin talaga ako kahit sinabi kong pinapalaya ko na siya.
Ayaw ko kasing patuloy siyang guluhin nang guluhin gayong inaayos na niya ang buhay niya at ang sarili niya. Kagaya nga ng sinabi ko sa kanya, who am I to take away her happiness?
I'm not that selfish enough yet to tie her to me and keep on hurting her along with me.
"Nasabi mo na ba ang lahat ng gusto mong sabihin?" Bigla ay tanong niya sa'kin.
"Oo." Kaagad kong sagot saka ako pilit na ngumiti.
"I'm sorry." Mahinang sambit niya, pero sapat na para marinig ko.
Natulala ako at hindi alam ang mararamdaman matapos kong marinig iyon mula sa kanya. Pero iniisip ko, if only that apology could strip away all the pain I'm feeling for letting her go, I'd beg her to offer an apology a million times just to end this torment.
"I should be the one pleading with you to forgive me. Why are you saying sorry? You did nothing wrong." Maalumanay na sabi ko, saka ako tumawa nang mahina.
"Why do you keep laughing even when you're not really happy? It has always annoyed me." Bigla ay sabi niya kaya kaagad akong napatigil sa pagtawa.
Napatingin ako sa kaya dahil sa sinabi niya. Pagtingin ko, nagulat ako kasi titig na titig siya sakin.
"Why? Will everything go away if I show you my sorrow and pain? It wouldn't. But trying to pretend and trying to be at the very least obscures it all." Sagot ko sa kanya.
Even so, she knew it was all fake. She could look through me. After all, she knows me well.
"Even if I can see right through you, you still need to tell me so I know what to do the next time you feel that way." Sambit niya saka niya ginulo ang buhok ko agt bahagyang ngumiti.
Pakiramdam ko ay nabuhayan ako at napuno ako ng pag-asang magkakaayos pa kami matapos kong makita ang ngiti niya.
"You...smiled." Mahina at gulat na sabi ko sa kanya.
Pero mas nagulat ako nung yakapin niya ko. Isang mahigpit na yakap ang ibinigay niya sakin. Nakakabakla man isipin o tingnan, but fuck, gusto kong umiyak ngayon.
"I offer an apology. I'm sorry if I didn't even consider how and what you felt in almost everything I did. I'm sorry if you start believing I didn't care about you or how you did feel. I'm sorry for being led astray by my personal pain and ignoring yours." Bulong niya sa'kin.
I was still taken aback by everything she had said, but I could feel her tears cascading down my shoulder.
I slowly began to hug her back and caress her in the hopes of comforting her and stopping her crying.
"Please, please, please stop crying right now. I cannot bear to watch you cry anymore." Bulong ko sa kanya.
Kumalas siya sa pagkakayakap at hinawakan ang mga kamay ko saka siya ngumiti sa'kin.
Pakiramdam ko ay bumagal ang ikot ng mundo. Pero kasabay ng pagbagal non ay ang pagbilis ng tibok ng puso ko.
"You were completely right about one thing: I still love you and genuinely think that it will never change." Nakangiting sabi niya sa'kin.
Pero bago pa man din ako makasagot o makareact sa sinabi niya ay biglang may humawi ng kurtina at nagulat kami parehas ni Saiph nang makita namin silang lahat dito.
"Kanina pa ba kayo diyan?" Tanong ni Saiph.
Pero imbes na sumagot ay nagsimulang umiyak si Sapphire na siyang ikinabahala ni Saiph kaya kaagad niya itong dinaluhan.
"Ate, what's wrong? Why are you crying?" Nag-aalalang tanong ni Saiph.
"Saiph." Mahinang pagtawag ni Yed sa kanya.
"Why?" Naguguluhang tanong ni Saiph.
Maski ako ay walang maintindihan sa kung anumang nangyayari. Not unless someone will say it directly now.
"Saiph, he's awake." Mahinang sambit ni Sapphire.
Napakalas sa pagkakayakap si Saiph sa kanya at natulala habang tumutulo ang mga luha.
"Tell me I heard you wrong, ate." Sambit ni Saiph.
Pero ngumiti si Sapphire sa tuwa habang umiiyak saka siya umiling.
"Finally, Saiph, dad's awake." Sambit ni Sapphire saka niya ulit niyakap si Saiph na hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala sa narinig niya.
"I'll talk to you some other time or you could drop by sa house later tonight. But now, I really need to leave and go see dad." Pagbaling sa'kin ni Saiph.
Ngumiti ako sa kanya saka ako tumango.
Sa ngayon, kuntento na 'kong narinig ko mula sa kanya na mahal pa rin niya 'ko. Iyon lang ang kailangan kong marinig. Ako na nag bahalang umayos ng lahat pagkatapos nito.
"Take care on your way home." Bilin ko sa kanya.
Ngumiti lang siya at tumango saka na niya hinila palabas sina Sapphire at Astrid, sumunod naman ang iba habang si Avior ay naiwan rito.
"Congrats, pare. Alagaan mo siyang mabuti. Ikaw lang ang pinili niya, pero hindi ibig sabihin non, pinapaubaya ko na siya." Pagbabanta sa'kin ni Avior.
"Hindi ko na hahayaang mawala pa ulit siya sa'kin o maagaw nang kahit na sino. Kahit ikaw pa 'yon, hindi ko siya ipapaubaya sa'yo." Malamig na sabi ko.
Nginisian niya 'ko at tinapik ang balikat ko.
"I remember someone once said that he could give up the girl he loves to a guy who could make her happier more than he could." Nakangising sambit ni Avior.
Naiyukom ko ang kamao ko dahil sa sinabi niya at pakiramdam ko ay masusuntok ko siya anytime.
"Kung ako ikaw, habang maaga pa, titigil na 'ko sa pagiging gago. Ikaw din, baka ito na ang una at huling pagkakataon mo kapag nalaman niya lahat." Pagbabanta ni Avior saka niya 'ko sinamaan ng tingin.
"Shut the fuck up!" Galit na sabi ko saka ako napatayo at akmang susuntukin siya pero kaagad siyang nakalayo.
"Binabalaan kita Eos. Sa oras na makita ko ulit siyang umiyak dahil sa kagaguhan mo, hindi ako magdadalawang isip na sugudin ka." Sabi ni Avior habang matalim ang tingin sa'kin saka na siya naglakad papalabas ng clinic.
Naiwan akong mag-isa at iniisip ang tungkol sa sinabi niya.
Hindi ko hahayang magkasira ulit kami ni Saiph. Hindi.
BINABASA MO ANG
My Own Love Story (COMPLETED)
عاطفيةSaiph Bellatrix Dellacroix is an attractive young woman who actually grew up in an affluent home but then was mistreated as a pariah. She broke away from her family as a wake of several circumstances, which molded her into somebody she didn't like t...