Chapter.40

3.1K 98 0
                                    

SHANICKA's PoV

*kringggggkringggg*

O________O

Pasukan na!!

nakita ko na nataranta rin si Blake dahil palabas na si Juaquin, maingat akong umalis sa puwesto na pinagtataguan ko at tumakbo papunta sa hagdanan.

nang makita ko na si Ethan ay huminto muna ako sa harapan niya. hingal na hingal ako dahil sa dulo ng building pa yung CR.

"Oh hingal na hingal ka Nicka."

"K-Kasi nag bell .......na..... Tara na punta na tayo sa room." tugon ko habang naghahabol ng hininga.

nang nagsimula na kaming maglakad ay may tumawag samin.

"Ethan! Shanicka!! Hintayin niyo 'ko!!" lumingon kami at nakita si Blake na tumatakbo papunta samin. Pumagitna siya at inakbayan kaming dalawa.

Inalis ko ang braso niya sa mga balikat ko dahil malapit na kami sa room at baka mamatay ako sa mga titig ng kaklase ko.

"bilisan na natin, baka magsimula na ang klase" sambit ko. English pa naman first period namin ngayon.

At pagpasok namin ay sakto wala pa ang english teacher namin kaya nakahinga ako ng maluwag, pagpasok ko ay nakatingin sakin ng masama sila Allysa at Jilian.

Dahil siguro kasabay ko sila Ethan at Blake. Wala parin si Louis. San kaya nagpunta yun?

ano kayang problema niya kanina? Nagtitinginan pa sila ng masama ni Juaquin.

Ilang minuto na ang lumipas at wala parin sina Louis at Juaquin, pati narin ang aming teacher.

Bigla nalang may pumasok sa room kaya napatigil ako sa pagbabasa.

nakita ko si Juaquin na may dugo sa bibig, magulo ang uniform, nakayukom ang mga kamay at mukhang galit na galit.

Napansin ko na napatayo si Ethan at Blake at lumapit sakanya. Nakatingin lang ako sakanila dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko.

nagsimula na magbulungan ang mga kaklase ko.

"Oh em ano kaya nangyari kay Juaquin babes?" rinig na rinig ko ang boses ni Jilian.

"Dre, anong nangyari sa'yo?" alalang tanong ni Ethan. nasa tabi na nila si Juaquin ngayon na nakatayo sa harapan ko lang kaya nag iiwas ako ng tingin kay Juaquin.

"eh g*go yung si Concepcion! bigla akong sinapak at kung ano ano na lumabas sa bibig niya. Tsk!" nagulat ako sa narinig ko. si Louis ang sumapak sakanya. O__O

mas lalong lumakas ang mga nag uusap sa room.

"What?! Bakit ka ba niya sinapak? Anong pinagmulan niyan?" hindi ko na napigilan at napa angat ako ng tingin pero laking gulat ko nang makita ko na sakin naka titig si Juaquin.

Campus Heartthrobs and Me (COMPLETED/UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon