Chapter.53

2.5K 96 3
                                    

SHANICKA's PoV

*bzzzzzzzbzzzzzzzzzzbzzzzzbzzzzz*

tinakpan ko ng unan ang tainga ko pero naririnig ko pa din yung epal na alarm.

Juaquin: 3:00 p.m at park, you know what park I'm talking about, right?

bigla akong napa bangon at pinatay ang alarm.

pumunta akong cr para mag hilamos at toothbrush.

nagsuot ako ng sports bra at white sando na manipis lang, at sports short.

sinuot ko din yung black and pink kong nike. nag ponytail ako. kinuha ko yung phone armband, cellphone, at earphone ko.

mabilis akong bumaba at naabutan si manang na may niluluto.

"oh saan ka pupunta Ma'am Dwayne?" eh? bakit nanaman kaya ako tinatawag na ma'am nanaman ni manang?

"mag ja-jogging lang po." kinuha ko sa ref yung Tumblr ko.

"nako, dapat kaninang ala sais pa."

"ah, hehe" oo nga dapat pala maaga ako nag alarm. hayy bigla tuloy akong nawalan ng gana. *pout*

pero nagpatuloy na lang ako at sinuot ang cellphone ko sa armband at nilagay sa braso ko.

"uh, manang una na po ako. mamaya nalang po ako kakain."

tumango siya nang nakangiti.

pinasak ko ang earphone ko at pinindot ang isang playlist sa cellphone ko at kinuha ang tumblr.

lumabas ako nang bahay at naabutan si kuya Edgar na nagkakape, hindi na niya ako napansin kaya lumabas na ako ng gate at nag jogging.

nadaanan ko yung park na pagkikitaan namin mamaya ni Juaquin kaya napa ngiti ako.

**

huminto ako nang makarating ako sa P.U. uminom ako ng tubig at tiningnan ang school na pinapasukan ko. kung saan mag tatlong buwan palang pero napaka dami ko nang naranasan. siguro dapat handa ako sa mga susunod na mangyayari sakin sa loob ng paaralan na yan.

nag jog ako pabalik sa bahay.

10:15 A.M na nang makarating ako sa bahay.

agad akong umakyat sa kuwarto at tinanggal ang armband, earphone, at sapatos ko. nagpunas muna ako nang pawis bago pumasok sa cr at maligo.

nagbihis muna ako ng gray jogger at black long sleeve shirt.

habang nag b-blower ng buhok ay may kumatok sa pinto.

binuksan ko yun at nakita si mom na nakangiti.

"You look sexy with that simple outfit, Dwayne." natawa ako.

"thanks mom." naka ngisi kong tugon.

"about last night, yung gusto mong theme sa debut mo. gusto mo bang makapili na ng gown na isusuot mo?" humarap ako kay mom.

"sure mom"

"sige bumaba ka na pagtapos okay? kakain na tayo, manang said you didn't have a breakfast yet."

tumango ako at nag blower ulit ng buhok.

pagkatapos kong mag blower ay pumunta ako sa kama ko at nahiga.

ano kayang mangyayari mamaya?
tumagilid ako, ano kayang pag uusapan naming dalawa?.

sana mag three o'clock na ^_^

Campus Heartthrobs and Me (COMPLETED/UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon