Chapter.49

2.7K 86 5
                                    

SHANICKA's PoV

Tahimik lang ako sa buong biyahe namin kahit na panay ang tanong sa'kin ni Louis sa kung ano ano.

Nasa tapat na kami ng bahay nila at bumaba na siya kaya bumaba na din ako. Pag bukas ko ng pinto ay nakita ko na pagbubuksan niya sana ako, kaya napa kamot nalang siya sa ulo niya.

"tara, pasok na tayo." tumango naman ako at pumasok na kami sa bahay nila.

Bumugad samin ang isa nilang katulong.

"sir, may naghahanap po sainyong lalaki kanina." napa tungo si Louis at hindi niya sinagot yung katulong.

"iwan mo na kami" sabi niya sa katulong at tumango naman ito.

"dun tayo sa kuwarto ko, Dwayne." nanlaki naman ang mata ko.

"h-ha?" ayoko namang pumunta sa kuwarto ng isang lalaki na ilang buwan ko palang nakikilala, though nakapasok na ako sa condo ni Blake. Atleast 'yon napilitan lang ako. Pero dito mukhang pipilitin ako.

"tara na." nagulat ako nang hinila niya ako sa kamay, malapit na kami sa hagdan nang hilahin ko pabalik ang kamay ko, ngumisi naman siya at hinila ako sa braso.

pagpasok namin sa kuwarto niya ay iba't ibang instrument ang nakita ko 'don, merong piano, guitar, electric drum, flute at iba pa.

"mahilig ka talaga sa mga bagay na may kinalaman sa music no? Lahat 'yan kaya mo gamitin?"

"yep" mahina niyang sabi habang naka ngiti.

Pumunta ako dun sa piano niya at triny ko mag play ng Bluestone Alley.

Napa ngiti ako nang matapos ko yung tugtog.

Humarap ako at nagulat ako dahil napaka lapit niya sa'kin.

"marunong ka pala mag piano.." nakangiti niyang sambit, tumango ako at tumingin sa baba, halos tumayo ang balahibo ko nang maramdaman ko na hinawakan niya ako sa baba at pinagpantay ang mga mukha namin.

Tiningnan niya ako, mata sa mata.

Ramdam ko ang init ng kamay niya dahil nga sa may lagnat siya.

Biglang lumalapit ang mukha niya sa'kin kaya kumunot ang noo ko at inaatras ang aking ulo.

Naalala ko na nakuha ni Juaquin ang first kiss ko kanina.

Hinawakan niya ang magkabila kong baywang kaya mas lalong kumunot ang noo ko, sobrang lapit na ng mukha niya sa'kin at pumikit, tumagilid na ang kanyang ulo.

Bigla ko siyang sinampal na ikina dilat ng mata niya, pero akala ko bibitawan niya na ako.

Mas hinigpitan niya ang paghawak sa baywang ko at inilapit niya sa katawan niya kaya pinapalo ko siya sa dibdib niya. Hindi ko siya masampal dahil hindi ako makabuwelo sa sobrang lapit namin sa isa't isa.

Pilit kong nilalayo ang mukha ko sakanya pero nilagay niya ang kaliwang kamay niya sa likod ng batok ko at pilit na nilalapit ang mukha ko nang may narinig kaming boses ng isang lalaki na galit na galit sa baba.

"Where's Sean?!" rinig kong boses ni Juaquin mula dito kaya napatingin si Louis sa pinto ng kuwarto niya na naka sara.

Tumingin uli siya sa'kin at tatangkain na akong halikan nang bumukas ng malakas ang pintuan medyo basa parin si Juaquin dahil siguro sa ulan kanina. bigla niyang  marahas na hinablot si Louis ni Juaquin.

Campus Heartthrobs and Me (COMPLETED/UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon