Chapter.46

2.8K 88 3
                                    

SHANICKA's PoV

Naka balik ako ng canteen at pagbalik ko ay pinagtitinginan ako ng ibang estudyante.

Nandon parin si Mika kaya lumapit ako sakanya at umupo ulit sa inupuan ko kanina.

"Oh, buti nagkasya sa'yo yung uniform ni Denice?" tiningnan ko yung suot ko, medyo masikip nga eh.

"Mmm, ang weird nga. Siya pa talaga mag lalaba ng uniform ko, pero sa tingin ko ay dahil 'yon sa pabor na pinapagawa niya sakin." mukhang nagulat naman siya sa sinabi ko kaya napa tikhim siya.

"pabor? Anong pabor naman yun?" tanong niya. Oo nga pala hindi ko pa nasasabi sakanya.

"uh, gusto niyang layuan ko si Juaquin, at dahil nakita niya kanina na hindi kami magkalapit kaya siguro siya ang maglalaba o ipapalaba niya yung uniporme ko." tugon ko at tumango naman siya.

Napatingin ako sa table nila Juaquin at nagulat ako nang makita ko na naka titig siya sakin.
Ibinalik ko nalang ang tingin ko kay Mika.

"inimbitahan ko rin pala siya sa debut party ko." aniya ko na ikinalaki ng mata niya kaya napa kunot ako ng noo.

"Bakit?" bigla niyang tanong.

"H-Ha?" naguguluhan ako, bakit naman hindi?.

"a-ah, w-wala." nauutal niyang sagot.

**

Palabas na kami ng canteen nang makita ko na titig parin sakin si Juaquin.

Humiwalay na si Mika dahil magkaiba kami ng daan papunta sa isa't isang room.

may napansin akong kakaiba kaya napa lingon ako sa lobby dahil dadaanan ko naman iyon.

Nakita ko don si Nicky na naka ngisi sakin.

Napa tigil ako sa paglakad.

"Okay ka lang Shanicka?" tanong ni Blake sa gilid ko at tumango nalang ako.

"iwasan mo siya, Shanicka. Kapag nakita mo siya lumayo ka."

naalala ko ang sinabi sakin ni Mika kahapon pero binalewala ko 'yon.

pagkakataon ko 'to para malaman ang totoo.

naglakad ako papalapit kay Nicky. At nakita ko na mas lumaki ang ngisi niya.

"N-Nicky." kinakabahan kong pagtawag sa pangalan niya nang makarating ako sa harap niya.

"Oh Shanicka, may kaylangan ka?" alam kong sarcastic ang pagkasabi niya non dahil alam niyang may kaylangan talaga ako sakanya.

Campus Heartthrobs and Me (COMPLETED/UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon