SHANICKA'S PoV
andami na naming napamiling damit ni Lindsay, kumukulo na ang tiyan ko.
hindi ko alam kung ilang oras na kaming namimili.
"I'm hungry." lumingon siya sakin habang naka pout.
hayy. hindi lang ikaw.
"Kain muna tayo sa Mcdo, Dwayne." tumango nalang ako.
nag order lang kami ng dalawang Big Mac isang Large Fries at dalawang Coke.
agad kaming kumain nang makuha namin ang in-order namin.
"Namiss lang talaga kita Dwayne, ilang years na rin tayong hindi nakapag bonding, dahil sa naa--- ah simula nung lumipat kayo dati. kapag birthday ko hindi ka pumupunta, nung debut ko lang." ngumiti ako nang pilit.
"pasensya ka na. pero syempre invited ka din sa debut ko." nanlaki ang mata niya
"O em! oo nga pala! malapit na ang debut mo. anong theme ang napili mo?"
"ahm, gusto ko sana ng black&pink tapos masquerade. pero hindi ko pa nasasabi kay Mom."nakita ko na lumaki ang ngiti niya.
"ang ganda ng naisip mo!" aniya.
"binigyan kasi ako ng ideya ng kaibigan ko na si Mikaela."
nanlaki ang mata niya habang ngumunguya ng fries.
"si M-Mikaela?! Mikaela Shineze??!" kumunot ang noo ko.
"kilala mo siya?" bigla siyang napa ubo kaya inabot ko yung coke niya at agad niya namang ininom yun.
"Ah h-hindi hindi! nabanggit kasi siya ni Tita Therese sakin nung debut ko. hehe." tumango ako kunyari.
Nagsisinungaling siya.
paano niya kaya nakilala si Mika?
nang matapos kaming kumain ay nag aya na siyang umuwi kaya tinawagan ko na agad si Kuya Edgar.
"ang tagal ng driver niyo, Dwayne. mag gagabi na oh." reklamo ni Lindsay.
tumingala ako sa langit at nakitang wala ng araw.
ilang minuto pa kaming nag antay sa labas ng mall hanggang sa mag aalasais na nang dumating si Kuya Edgar.
**
"Oh, Dwayne nandiyan na ang Dad mo." sambit ni manang pagpasok namin sa gate ni Lindsay.
![](https://img.wattpad.com/cover/72414084-288-k699316.jpg)
BINABASA MO ANG
Campus Heartthrobs and Me (COMPLETED/UNEDITED)
RomanceSimula nang pumasok si Shanicka Dwayne Garcia sa paaralang Pearl University ay sandamakmak na problema ang dumating sa buhay niya hindi gaya ng mga naranasan niya sa dati niyang mga napasukang paaralan, at nagsimulang bumalik ang mga alaala sa nakar...