SHANICKA's PoV
Breezlyn?
Sya yung sumapal sakin ah. Ano nanaman kayang gagawin sakin neto? -_-#
"Breezlyn?"-ako.
"The One and only" sagot niya sabay ngiti ng nakakaloko
"Anong kaylangan mo??" tanong ko.
"ano nga bang pangalan mo?"
Bakit niya naman tinatanong. Ano nanaman kayang gagawin neto, pag may ginawa 'tong mali sakin pektusan ko 'to sa ngala ngala (*>.<*)
"Shanicka Dwayne" sambit ko
"ohhh Shanicka pala ang name mo. k." -Breezlyn
"Bakit mo ba natanong?"
*clap* *clap*!!
Pagkatapos niyang pumalakpak ay pumunta sa likod ko ang dalawa niyang alipores. Ano nanaman ba 'to?!!
Nagulat ako nang hilahin ng malakas ang buhok ko nung isa niyang kaibigan at yung pangalawa naman ay hawak hawak ang magkabilang braso ko dibale ang puwesto namin ngayon ay nasa kaliwa ko yung may hawak ng buhok ko at yung isa naman ay nasa kanan ko, yung may hawak ng braso ko. Si Breezlyn ay nasa harap ko at ako na hindi maka alis dahil ang sakit ng pagkaka hawak. Sinasabi ko na nga ba! Demonyita talaga tong Breezlyn na 'to!.
"Ano bang problema mo!" sigaw ko
"hindi ano, kundi sinong hayop yon? edi IKAW!"
"ano?! Ano bang ginawa ko sayo?" nagpupumiglas ako sa pagkakahawak sakin nung dalawa niyang alagad. Arghhh! Ano bang nagawa ko?!!
"Wag ka na ngang mag maang maangan! Napaka Landi mo!" The heck?!!! Malandi?! P*ta kelan ba ako naging malandi?!
"What?!" nakakunot noo kong tanong na pasigaw na dahil naiirita na ako, ang sakit nung paghila ng buhok ko bawat pag sigaw ko ay hihilahin niya yung buhok ko
"Aray ano ba?!!" sigaw ko
"Eto! Eto yung proweba ko na MALANDI KA!" sigaw niya at inilapit sa muka ko ang isang picture. Nang makita ko na ang picture ay......
⊙_⊙
What the?! Kuha namin ni Juaquin na magkayakap. Ano ba 'to! Eto ba yung pinuputok ng butchi niya?! Syempre pinapagaan ko lang ang loob ni Juaquin dahil may problema siya sa pamilya niya at tsaka kaylangan niya 'yon wala namang malisya.
Napa buntong hininga ako at tumingin sakanya ngayon ko lang din napansin na madami ng studyante na nakapaligid samin at nagbubulongan
"Ayan ba? Kino-comfort ko lang siya diyan! Walang malisya yan Breezlyn!" sagot ko.
"Comfort? F*ck you Shanicka! Dumidiskarte ka lang! Nilalandi mo ang Black Pearl!" wat dapak?! Kanina si Juaquin lang nayon nasama na sila Ethan?!
"Ano?! hindi ako malandi! Ikaw! Ikaw ang Malandi! Napaka impokrita mo! Kakakilala lang namin tapos lalandiin ko sila? Napaka insecure mo!" sagot ko na pasigaw na. na iinis na talaga ako, malandi agad?! Tinutukoy niya ba sarili niya? Siya nga yun eh! Nung first day of school palang napapansin ko na siya nun na sunod ng sunod sa Black Pearl tapos kung maikli yung palda ko hm! Mas maikli ang sakanya! See? Tapos ako pa naging malandi
"B*tch!" pagkasigaw niya non ay kasabay ng pag sampal niya sakin. Ouch! Ang sakit! Bakal ba yung kamay ng babaeng 'to? Feeling ko namamanhid na nga yung kaliwa kong pisngi (╥_╥) sigurado ako babakat nanaman ang kamay niya sakin, mas masakit 'to kesa sa sampal niya sakin nung isang araw
"Yan ang nababagay sa 'yo!" sigaw niya. Agad naman akong binitawan nung dalawa niyang alipores at tinulak. Napa upo ako sa pagtulak. Inangat ko sila ng tingin at pagtingin ko lumalapit na sakin si Breezlyn at pinatayo niya ako gamit ang buhok ko
"Aray!" sigaw ko. Grabe ang sakit na talaga.
"hindi ako, ikaw! Ikaw ang malandi!!" sigaw niya at tinulak ulit pero hindi na ganon kalakas.
"Go!" sigaw ni Breezlyn at biglang......
pinagbabato ako ng mga studyante ng lobo na may tubig. what the heck?!!! sa mga dramas ko lang 'to napapanood dati tapos ngayon nangyayari na sakin. Ganito pala pakiramdam. mas malupit pa 'to sa dati kong school.
"Tama na!"sigaw ko pero hindi nila ako pinakinggan sila Breezlyn naman ay nakangiti ng nakaka loko at yung mga istudyanteng bumabato ay naka tingin ng masama. Puro babae sila kaya hindi na ako magtataka kung bakit pati sila ay magagalit sakin, malamang gusto din nila ang Black Pearl kaya ayan! Galit sila kasi kinomfort ko si Juaquin, dahil niyakap ko pero wala parin 'yong malisya.
Makalipas ang ilang segundo ay tumigil na sila. Salamat! Salamat naman! Pero basang basa na ako buti nalang talaga at naitabi ko yung bag ko dun sa may gilid ng puno kanina dahil kung hindi basa ang notebooks ko at pati na rin yung phone ko pagnagkataon.
"Oh ano? Kamusta Shanicka? Malamig ba ang tubig?? Hindi lang 'yan ang mararanasan mo kapag hindi mo pa nilayuan ang Black Pearl! Hindi pa tayo tapos!" pagkatapos niya yun sabihin ay umalis na siya kasama ang dalawa niyang kaibigan na mukang palaka -_-# arghhh! Basang basa na ako!
"bagay yan sayo! inaagaw mo si Fafa Juaquin!"
"malandi!"
"lumayo ka na sa black pearl!"
"lubayan mo sila bebe Ethan at Sean ko!"
Yan ang mga huli kong narinig sa mga studyanteng naka paligid kanina samin at mga bumato sakin. Paano na ako ngayon? Hindi na lang muna ako papasok sa first subject ko basang basa na ako. Pero akala ba nila lulubayan ko ang black pearl dahil lang sa maling akala nila na nilalandi ko ang Black Pearl? Hindi. But didistansya nalang ako, hindi ako masyadong lalapit sakanila pero hindi ko sila lalayuan baka kasi mamaya itlog na ibato nila sakin naku huwag naman sana.
x Next Chapter x
![](https://img.wattpad.com/cover/72414084-288-k699316.jpg)
BINABASA MO ANG
Campus Heartthrobs and Me (COMPLETED/UNEDITED)
RomanceSimula nang pumasok si Shanicka Dwayne Garcia sa paaralang Pearl University ay sandamakmak na problema ang dumating sa buhay niya hindi gaya ng mga naranasan niya sa dati niyang mga napasukang paaralan, at nagsimulang bumalik ang mga alaala sa nakar...