3rd Person's PoV
Nakarating sa S.House si Juaquin at naabutan doon ang tatlo. Problemado ang itsura ng apat.
"'quin ano bang nangyayari sa'yo? totoo ba sinabi mo kanina?" Tanong agad sakanya ni Ethan.
"Obviously hindi 'yon totoo tol." Sagot naman ni Blake ngunit hindi siya pinansin nito.
"Hindi totoo lahat ng 'yon--" panimula ni Juaquin.
"I knew it! Hah!" Sinamaan nila ng tingin si Blake. "Easy lang, mananahimik na ako." Natatawang sabi ni Blake habang nakataas pa ang dalawang kamay.
"It's just for the show, someone threatened me this morning, papatayin daw nila ako, ang magulang ko't magulang ni Anicka, pati na rin mismo si Anicka kapag hindi ko daw siya nilayuan. Plinano ko na ang lahat, alam yon ni Sean. Aalis ako, pupunta muna dapat akong Batangas para mag isip ng plano, pero mukhang makitid ang utak ng mastermind nila't pina-kidnap agad si Anicka." Nanlaki ang mata ng tatlo.
"T-Teka kaya pala hindi namin siya mahanap kanina pa. Kung ganon tara na, kailangan na nating iligtas si Nicka!"
Tumayo na si Ethan
"Ayaw mo ba munang malaman sino ang nasa likod ng lahat ng 'to?" napa balik sa pag upo si Ethan.
"Sino?" Sabay na tanong ni Blake at Ethan, habang tahimik lang na nakikinig sakanila si Sean.
"Si Bree." gulat na gulat ang tatlo
"What?! Tss nahihibang na talaga siya." ani Sean.
"lakas ng tama niya sa'yo Dude! HAHAHAHAHAHAHAHA.. Ha ha ha ha..." Masama ang titig sakanya ni Juaquin kaya natigil siya.
"Paano natin mapupuntahan si Nicka?" Tanong ni Ethan. Kinuha ni Juaquin ang cell phone niya sa bulsa.
"Na-track ko ang gps ni Rod. Nandoon siya ngayon." Nagkatinginan si Sean at Ethan.
"Sino naman si Rod?" Biglang singit ni Blake.
"Saka na natin pag usapan, sa ngayon magplano na tayo paano natin maliligtas si Anicka." -Juaquin
"Kailangan nating tumawag ng police, mauuna tayong pumunta doon. Papasok tayong apat sa loob at kapag balak taong barilin o saktan ng mga tauhan ni Bree, doon natin papa-pasukin sa loob ang mga police."
"Oh yeas! Baby! Gusto ko yan! Bakit hindi muna natin sila gulpihin bago ipahuli sa mga pulis?" tinupi tupi pa ni Blake ang sleeves ng uniform niya't umayos ng upo.
"Baka ikaw pa magulpi nila Blake." sagot sakanya ni Juaquin.
"Ano pang hinihintay natin? Tara na!" -Ethan.
si Sean ang tumawag sa police at sinabi ang lugar. habang hinahanda ng tatlo ang kotse nila.
"Oi Sean! Kay Juaquin ka na lang makisakay!" Sigaw sakanya ni Blake. tumango lang 'to at pumasok na sa loob ng kotse ni Juaquin. Si Juaquin ang nauna dahil siya ang nakaka alam ng pupuntahan.
"You really love Dwayne huh?" naka ngiaing sabi ni Sean na ikina ngisi din ni Juaquin.
"May plano dapat kami dati ni Denice for the both of you. Pero hindi ko na itinuloy, na-realize kong hindi ko na mapapalitan ang nasa puso ni Dwayne." Ngumiti ng mapait si Sean, liningon siya saglit ni Juaquin.
Sumagi sa isip ni Juaquin ang tungkol sa pagpatay ng Dad ni Shanicka sa Mom ng best friend niya. Meron din naman aiyang naramdaman na konting galit sa Dad ng babaeng mahal niya ngunit naiintindihan niya ito na masyado lang naging selfish dahil mahal na mahal nito ang anak. Baka kamuhian lang ni Sean si Shanicka at ang pamilya nito kapag nalaman 'yon.
BINABASA MO ANG
Campus Heartthrobs and Me (COMPLETED/UNEDITED)
RomanceSimula nang pumasok si Shanicka Dwayne Garcia sa paaralang Pearl University ay sandamakmak na problema ang dumating sa buhay niya hindi gaya ng mga naranasan niya sa dati niyang mga napasukang paaralan, at nagsimulang bumalik ang mga alaala sa nakar...