SHANICKA
Naramdaman ko ang pag init ng gilid mga mata ko.
Bakit? Ayos pa naman kami diba?
Bakit nagka ganito?
Anong nangyayari sa kanya?Hindi ko na alam gagawin ko. Wala na akong ganang pumasok, ayoko rrin munang makita si Juaquin.
Narinig ko ang pag ring ng cellphone ko at nakitang si mom ang tumawatag kaya agad ko iyong sinagot.
[Anak sinabi sa'kin ni Mika ang nangyari diyan sa school niyo ngayon. Where are you?]
Huminga ako nang malalim at pinunasan ang mga luha na tumutulo.
[Nakalabas na po ako ng P.U, Mom. Sorry po, hindi po ako papasok ngayon.] Narinig ko ang pag buga ng hininga sa kabilang linya. Nagi-guilty ako. Hindi naman ako gumagawa ng ganito dati, kahit ma-bully ako papasok pa rin ako.
Pero kasi iba 'to ngayon.
Ang sakit ng epekto ng sinabi sakin...
Ng taong mahal ko.
[Ayaw mo bang umuwi na lang muna?]
"Mamaya na lang po siguro. Papahangin po muna ako."
[Sana magkaayos kayo. Oo nga pala dumating na kanina ang Dad mo at nai-report niya na pala ang nangyari sa'tin kagabi. Tatawag na lang daw kapag may balita na tungkol kay Lucy.]
"Sana mahuli po siya. Sige na po Mom, uuwi rin po ako agad. I love you."
[I love you too anak. Mag iingat ka.]
Binaba ko na ang tawag at nagpatuloy sa paglalakad. Actually hindi ko alam kung saan ako pupunta. Bahala na siguro.
Nakaramdam ako ng parang may naka masid sa'kin kaya tumingin ako sa paligid ko. Wala namang tao sa likod ko. Nang nilingon ko ang gilid ko, may isang lalaking naka sumbrero naka sandal sa motor niya at may kausap sa telepono hindi naman siya lumilingon sa'kin kaya nagpatuloy na ako sa paglalakad.
BINABASA MO ANG
Campus Heartthrobs and Me (COMPLETED/UNEDITED)
RomanceSimula nang pumasok si Shanicka Dwayne Garcia sa paaralang Pearl University ay sandamakmak na problema ang dumating sa buhay niya hindi gaya ng mga naranasan niya sa dati niyang mga napasukang paaralan, at nagsimulang bumalik ang mga alaala sa nakar...