THERESE's PoV. (Dwayne's Mom)
"What if, sabihin na natin kay Dwayne ang totoo?" nakaupo kami ni Anthony sa salas habang hinihintay si Dwayne na umuwi galing school.
"What kind of idea is that?!"
Okay he's not convinced with that idea.
"Eh anong gustong mangyari? Bubuhayin ba natin siya sa mundong puno ng kasinungalingan??" tumingin siya sakin at bumuntong hininga.
"Pinakiusapan ko ang kababata niyang kaibigan, si Mikaela Shineze. Siya ang kababata ni Dwayne bago siya maaksidente noon at magka amnesia. Inutusan ko siya na wag sasabihin kay Dwayne ang mga nakaraan at wag hahayaang may magsabi non sakanya. Pero Pa, hindi puwedeng panghabangbuhay ang ganon" dagdag ko.
"Ma, paano natin sasabihin yan sa anak natin kung nakagawa ako ng kasalanan." malungkot na tugon ni Anthony, napaisip din ako. Ano nang mangyayari kapag nalaman ni Dwayne na nagka amnesia siya at.......
hindi namin siya tunay na anak?
*:::::::::::FLASHBACK:::::::::::::*
(eto po yung nangyari nung chapter 22 nung naiwan ang mom ni dwayne at si mika sa kitchen A/N)
Dumating si Sean Louis at kinausap ang aking anak, halatang malungkot ang binata.
"Uhh Mika, Mom mag uusap lang po kami"
"Tara iha dun muna tayo sa kitchen" bulong ko sakanya.
Habang nag ba-bake kami ay nagsalita na ako.
"Mikaela, may gusto sana akong iutos sayo" tipid ang ngiti ko sakanya ng tumingin siya sakin.
"Ano po 'yon?" sagot niya.
"Alam kong may alam ka sa mga nangyari kay Dwayne, alam ko ring ikaw ang kababata niya noon."
"P-Paano niyo po nalaman?" halatang curious siya.
Nginitian ko siya
"Hindi na mahalaga 'yon. Ang gusto ko lang sana ay 'wag mo munang sabihin sakanya, hayaan mo kami ng ama niya na kami ang magsabi ng totoo sakanya at 'wag na 'wag mo ring hahayaan na may magsabi sakanya ng totoo. Palagi mo siyang sasamahan" sambit ko
BINABASA MO ANG
Campus Heartthrobs and Me (COMPLETED/UNEDITED)
RomansaSimula nang pumasok si Shanicka Dwayne Garcia sa paaralang Pearl University ay sandamakmak na problema ang dumating sa buhay niya hindi gaya ng mga naranasan niya sa dati niyang mga napasukang paaralan, at nagsimulang bumalik ang mga alaala sa nakar...