Chapter.47

2.7K 92 3
                                    

MIKAELA's PoV

natahimik kaming dalawa ni ma'am Therese ng ilang minuto.

Bigla akong kinabahan.

"sorry po, ma'am. Dapat po pala hindi nalang ako tumawag, sorry po talaga." naka yuko kong sambit.

Paano na 'to? Galit kaya si Shanicka sakin? Ano kayang naging reaksyon niya?? Jusko po. T_T

"okay lang 'yon hija, balak na rin naman naming sabihin sakanya ang lahat pagkatapos ng kanyang debut."

napa isip ulit ako.

"pero bakit po kaya wala siyang tinatanong sakin at inimbita niya pa po ako sa debut niya, parang..... Hindi po siya nagalit??" aniya ko.

"siguro ay gumagawa na siya ng paraan para malaman ang lahat, kaya kahit ganon maging kalmado ka lang sa harap niya, okay? Sa tingin ko ay hindi niya pa alam na alam mo na, na siya pala ang nakasagot sa tawag mo." tumango ako.

*kringggggkrrringggg*

nang mag bell na ay napa angat ako ng tingin at nakita ko ang mukha ni ma'am Therese na medyo kalmado na.

"May naisip na akong plano, pero sa ngayon ay pag iisipan ko pa muna ng maigi. Sige, pumasok ka na" sabi niya habang naka ngiti ng tipid. Tumango nalang ako at lumabas na sa kotse.

Tumakbo ako papasok dahil baka ma late na ako.

Pagkarating ko sa lobby ay nakita ko si Shanicka na naglalakad papunta na sa kanilang room, nasa likod niya ako. Gusto ko sana siyang tawagin pero baka mahuli na ako sa klase, lumiko na ako sa kanang corridor at pumasok sa aming room.

Pagpasok ko ay wala pa si Sir Cruz, bigla akong tinarayan ng mga maldita kong kaklase kaya yumuko nalang ako at umupo sa aking upuan.

SHANICKA's PoV

Nauuna saking maglakad si Denice, papunta sa locker area.
Nasa lobby kami nun nang mapa atras ako at naka kunot na nilingon ang isang pamilyar na tao.

Paglingon ko ay nakita ko si Mika na naka tingin din sakin pero lumabas siya don sa entrance ng P.U nagulat ako nang makita ko ang kotse namin sa labas at nandon si Mom. Lalapit sana ako pero bigla akong tinawag ni Denice.

"Shanicka!" nagulat ako nang nasa malayo na siya kaya napa iling ako at naglakad ng mabilis papunta sakanya.

"uh sorry" sambit ko nang makalapit na sakanya.

Campus Heartthrobs and Me (COMPLETED/UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon