SHANICKA's PoV
bumitaw ako sa yakap ni Juaquin at pinunasan ko ang luha sa mga pisngi ko.
nanghihina ako pero hindi ko 'yon pinapahalata sakanya.
"gusto ko munang mapag isa Juaquin..." sambit ko at umatras. hahawakan niya sana ako sa braso pero umatras ulit ako at pilit na ngumiti sakanya.
kita ko ang pag aalala sa mukha niya at sa mga mata niya.
"J-Jax Juaquin Pearl..." malungkot na banggit ko sa pangalan niya.
tumalikod ako at tumakbo palayo, hindi ko alam kung san ako pupunta basta takbo lang ako. lumabas ako ng subdivision na tumatakbo.
**
hanggang sa napagod na ako, bumagal na ang takbo ko hanggang sa naging lakad na lang at huminto.
hindi ko alam kung anong eksaktong lugar 'to pero ang alam ko ay nasa tulay ako ngayon.
maraming dumadaan na sasakyan.
mataas na tulay, kung saan may tubig sa ibaba.
humawak ako sa bakal dahil gusto ko nang maupo at pagod na pagod na ako.
pawis na pawis ako dahil sa init at kaka takbo ko. hindi ko alam kung gaano kalayo ang itinakbo ko.
parang ayokong umuwi sa bahay dahil sa mga gumugulo sa isip ko ngayon. si Juaquin, siya yung dati kong kasama, yung kapatid niya ay namatay dahil nabangga ng kotse na sinasakyan ko, at dahil don nag away ang papa at mama niya, iniwan sila ng mama niya, muntik nang mag pakamatay ang papa niya. pero hindi siya galit sakin, ni wala akong makitang kahit ano na magpapa tunay na gusto niya akong paghihigantihan.
si Dad pinatay niya ang Mom ni Louis, pero ako? hindi ko man lang isinumbong si Dad sa police dahil sa ginawa niya, dahil nagtitiwala ako sa rason niya, at sana kapag nalaman ko ang rason kung bakit niya 'yon nagawa ay sana hindi ako nagkamali sa desisiyon ko na na hindi ko siya isinumbong. para kay Louis, siya pa ang may kasalanan sakin dahil sa nagawa niya nung nakaraan pero hindi niya alam na mas malaki pala ang kasalanan ko sakanya.
I feel so guilty.
wala man lang akong magawa para maayos na ang lahat ng 'to.
hindi ko alam kung alin sa dalawa ang rason kung bakit ako nagkaka ganito ngayon, o baka dahil sa alam kong hindi maganda yung itinatago nilang sekreto sakin.
gusto ko malaman pero natatakot ako.
hindi ko na alam kung anong dapat kong gawin. ayoko pang kausapin sina Mom dahil baka kung ano nanamang masabi ko.
para akong baliw dito tignan. umiiyak ako habang nakatingin sa mga sasakyang' dumadaan, naka upo ako sa gilid ng tulay.
ilang oras akong ganon hanggang sa nakita kong pagabi na kaya tumayo na ako at naglakad.
huminto ako sa tapat ng isang malaking fountain. maraming batang naghahabulan, yung iba dun natutulog sa gilid.
nilibot ko ang tingin ko at nakitang park pala ang dulo nito.
naupo ako sa gilid ng fountain at pinagmasdan ang mga bata.
**
"Miss, Miss."
napa angat ako ng tingin, nakita ko ang isang guard nasa harap ko may hawak na flashlight.
"bawal matulog dito." tumayo agad ako at nag bow.
BINABASA MO ANG
Campus Heartthrobs and Me (COMPLETED/UNEDITED)
Roman d'amourSimula nang pumasok si Shanicka Dwayne Garcia sa paaralang Pearl University ay sandamakmak na problema ang dumating sa buhay niya hindi gaya ng mga naranasan niya sa dati niyang mga napasukang paaralan, at nagsimulang bumalik ang mga alaala sa nakar...