Bonus Chapter 1/3

2.9K 95 2
                                    

SHANICKA's PoV

Kinuha ko ang cellphone ko at nakita na si mom ang tumatawag kaya sinagot ko agad.

"Hello Mom? Asan ka po? Nag away nanaman kayo ni Dad"

[ I'm in the hospital, Dwayne] Malungkot na tugon ni mom. Napa kunot naman ako ng noo.

"po? Ano pong ginagawa niyo diyan?" kinakabahan kong tanong.

[naaksidente ang Dad mo]

nararamdaman ko na may namumuo ng mga luha sa gilid ng mata ko.

"nasaan po kayong ospital ngayon??" agad kong tanong.

[N-Nasa St. Luke's hospital, Dwayne]

Nagpaalam na ako kay mom na papunta na ako.

"oh san ka pupunta Dwayne?" tanong ni manang nang makita niya akong nagmamadali palabas ng bahay.

"sa St. Luke's hospital po, naaksidente daw po si dad"

"nako, sasama ako Dwayne." aniya ni manang habangmamadaling magpunas ng kamay.

"sige po, tara na." sabi ko at lumabas ng bahay, nakita ko agad si Kuya Edgar sa garden at tinawag ito upang ihanda ang kotse namin.

"saan po ba tayo ma'am Dwayne?"

"sa St. Luke's Hospital kuya Ed, pakibilisan po." tugon ko kaya nakita ko naman na tumango sya.

Ilang minuto ang tinagal ng byahe dahil sa traffic.

Nang makarating kami ay agad akong tumakbo papunta sa front desk.

"Anong room po ni Anthony Garcia??" nagmamadali kong tanong.

"Uh ma'am nasa Emergency Department pa po siya dun nalang po muna kayo sa waiting area" agad naman kaming pumunta nila manang sa waiting area at hinanap si mom. Wala masyadong tao kaya nakita ko agad si mom

nang makita niya rin ako ay tumayo siya at niyakap ako.

"sorry anak, kasalanan ko 'to. Kung hindi ako umalis hindi ako susundan ng dad mo at hindi siya mapapahamak."

"hindi mo kasalanan Mom, walang may gusto nito." sagot ko.

Naghintay kami hanggang sa lumabas ang doctor kaya lumapit si Mom doon.

"Doc, how's my husband?" nasa likod lang ako ni Mom nakahawak sa balikat niya.

"He got whiplash injury and also a little scalp wound. Pero, okay na siya ngayon at pwede na siyang ilipat sa patient room. Sige, mauuna na po ako Mrs." sagot ng Doctor at umalis na, nakahinga na kami ng maluwag.

Campus Heartthrobs and Me (COMPLETED/UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon