Chapter.48

2.8K 93 4
                                    

SHANICKA's PoV

Sinandal ko ang kanan kong kamay sa dingding. Nakita ko na tumakbo palapit sakin si Mika.

"aah" daing ko at napa hawak sa ulo ko.

"Manong Julio, bakit ang bilis niyo po mag drive??" tanong ng isang bata na nakasakay sa sasakyan.

"nagmamadali na kasi ang mom mo." sagot ng kanilang driver.

Tumingin nalang sa bukas bintana ang bata.

Kinuha niya ang kanyang panyo at ipupunas niya sana sakanyang sipon ngunit hinangin ito.

"ay! hala nilipad....." liningon siya ng kanilang driver at hindi nito namalayan ang paparating na truck.

Lumingon 'don ang bata at tinuro ang truck na malapit na nilang magkabangga.

Walang nagawa ang driver kundi iliko sa kanan at tumama ang sasakyan nila sa isang malaking puno.

Napakunot ang noo ko sa mga nakikita ko sa aking isip, napa upo nalang ako dahil sa posibleng ako ang batang 'yon dahil nga sa sinabi sa'kin ni Nicky na may amnesia daw ako.

Hindi kaya 'yon ang sanhi kung bakit ako nagka amnesia? Bigla nanamang sumakit ang ulo ko kaya muli akong napa hawak dun.

"Shanicka, anong nangyayari sa'yo???" nag aalalang tanong ni Mika at umupo din siya sa tabi ko, hinawakan niya ako sa balikat.

"Kaya mo bang tumayo? Gusto mo dalhin kita sa clinic?" tanong niya pa.

Umiling ako at unti unting tumayo.

"K-kaya ko naman. Bigla l-lang sumakit ulo ko." nauutal kong tugon.

Tumango naman siya at inalalayan ako.

Tara mag recess na tayo, baka guto lang yan.

"ah, o-oo nga." sambit ko at ngumiti ng pilit.

May nakita akong pigura ng isang babae na naka halukipkip sa kabilang corridor na katapat lang namin.

At nang maaninag ko ang mukha niya ay bigla akong kinabahan kahit wala naman siyang ginawa, naka ngisi lang siya habang naka titig sa'kin.

Huminto sa paglakad si Mika kaya napunta na sakanya ang atensyon ko.

"oh, okay ka lang ba?" tumango naman ako agad.

Nagpatuloy na kaming maglakad hanggang sa makapunta na kami sa lobby at nagulat ako nang nandun na ang nakita ko kaninang babae, si Denice. nasa tapat na namin siya kaya napahinto kami saglit sa paglakad ni Mika pero hinila niya na ako pa deretsyo sa canteen at nilagpasan namin si Denice.

Pagkapasok namin sa canteen ay madali ko agad nakita ang Black Pearl pero wala nga lang si Louis. as usual may iba pa ring babaeng estudyante na masasama ang titig sa'kin.

biglang may bumangga sa kaliwang balikat ko at ramdam ko na sinadya 'yon, nang malampasan niya ako ay napagtanto ko na si Denice 'yon at papunta siya ngayon sa table nila Juaquin.

Campus Heartthrobs and Me (COMPLETED/UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon