Naging magkaibigan kami ni Shanicka, naging close na rin kami at palagi kami nagkikita."Hi JJ!" ngumiti ako at tumakbo palapit kay Shanicka na naka upo sa ilalim ng puno.
"ang bored ng summer ngayong taon no?" tumango naman ako, nakita ko siyang nag pout.
"upo ka, gusto mo?" tumango ako at kumuha ng grapes.
Umupo ako sa tabi niya at tumingin sa paligid. Hindi masyadong maaraw...
Aha!
"Laro tayo ng salohang bola! tapos kung sino ang makahulog o hindi maka salo ng bola ay may kapalit na isang dare! Ano?" sabi ko nang naka ngiti.
"parang ang boring naman nung salohang bola." tugon niya at kumain ng grapes. Tumayo ako.
"oh san ka pupunta?" kunot noong tanong niya.
"kukunin ko lang yung bola ko, wait lang ah?" sambit ko at tumakbo papunta sa bahay. Pagpasok ay nakita ko si Rei na kumakain habang si mom ay nagwawalis.
"Oh JJ-- Jax-- ay Juaquin, kumain ka muna." aniya habang naka ngisi.
Umiling nalang ako at umakyat sa kuwarto ko, kinuha ko yung bola ko na pang basketball at nagmadaling bumaba, narinig ko na tinawag pa ako ni mom pero hindi ko na siya pinansin at lumabas na ng bahay.
Pagbalik ko ay kumakain parin ng grapes si Shanicka.
"Eto na." naka ngiti kong sabi.
"teka mamaya na." pumayag ako kaya umupo muna ako sa tabi niya.
Naka tingin siya 'don sa batang nagba-bike. habang ako..... naka titig ako sa mukha niya.
"marunong ka mag bike?" bigla siyang lumingon kaya nag iwas ako ng tingin.
"ah o-oo naman! Ikaw?"
"Hindi pa kasi ako nakaka subok non eh."
"Shanicka, pwede ba kitang tawaging Anicka? Ikaw lang kasi ang tumawag sakin ng JJ kaya sana ako lang din----" ngumiti siya.
"Oo naman! Ikaw palang ang tumawag sakin ng Anicka." napangiti ako.
Tumayo siya at kinuha ang bola sa gilid ko.
"Game?" naka taas ang kilay niya nang tanongin niya ako non.
"game." ngumisi ako.
Malayo kami sa isa't isa para mahirap salohin.
Hindi niya na salo nang pang apat kong bato kaya ngumisi pa ako.
"may isa ka ng Dare."
"what?! Diba isa lang naman talaga ang Dare na sabi mo?"
BINABASA MO ANG
Campus Heartthrobs and Me (COMPLETED/UNEDITED)
RomanceSimula nang pumasok si Shanicka Dwayne Garcia sa paaralang Pearl University ay sandamakmak na problema ang dumating sa buhay niya hindi gaya ng mga naranasan niya sa dati niyang mga napasukang paaralan, at nagsimulang bumalik ang mga alaala sa nakar...