Chapter 1

10.2K 175 59
                                    

CHAPTER 1

| S A P P H I R E |

Napangiti ako habang nakatingin sa entrance ng Serenity Hotel. Entrance pa lang ay napaka-en grande na at hindi na ako makapaghintay na makita ang loob ng isa sa mga pinakasikat na hotel sa Asia.

Dahan-dahan akong naglakad papasok at hindi ko napigilang mamangha sa ganda ng architectural design ng loob. Pansin kung gaano kayaman ang nagmamay-ari sa hotel na ito. Sa katunayan nga'y isa lang ito sa mga branches ng Serenity Hotel.

Lumapit ako sa front desk at agad akong binati ng Chinese na receptionist.

"I booked a room under the name Sapphire Buenavista."

Agad namang tumalima ang receptionist. Nang maayos na ang lahat ay kinuha na niya ang card key.

"Enjoy your stay, Miss Buenavista, and here is your invitation to the party tonight."

Ngumiti ang receptionist sa akin saka ibinigay ang card key at ang invitation card para sa tinutukoy niyang party. Kinuha ko ang mga 'yon at hindi na nag-abalang tignan ang nakasulat sa imbitasyon. Maganda ang disenyo ng card at siguradong pansing ginastusan.

"Thank you." Nginitian ko siya nang tipid saka tumalikod. Linapitan ako ng isang bell boy. Binati niya ako saka kinuha ang dalawa kong maleta.

Pagkarating namin sa kwartong kinuha ko ay hindi ko napigilang mapangiti dahil malawak at maaliwalas ang paligid. Naisip kong kahit siguro manatili lang ako sa silid na 'to buong bakasyon ko rito ay wala akong reklamo. The ambiance feels so relaxing.

"Kindly put my luggage there." Itinuro ko sa bell boy ang tabi ng malaking kama at sumunod naman siya. Bago siya umalis ay tinanong pa niya ako kung may iba pa akong kailangan. Nang umiling ako ay nagpaalam na siya at iniwan ako.

Pagkasara na pagkasara ng pintuan ay lumapit ako sa kama at ibinagsak ang aking katawan. Pagod talaga ako kahit na hindi naman kahabaan ang oras ng flight ko papunta rito. Iidlip na lang muna ako kahit sandali para may lakas ako sa party mamaya. It is nice that I have something to keep me occupied tonight.

Bago pa man ako tuluyang dinalaw ng antok ay kinuha ko ang aking cell phone at nag-set ng alarm. Pagkatapos ay inilagay ko 'yon sa side table saka ako pumikit. Napangiti ako nang maamoy ko ang mabangong amoy ng silid at nang maramdaman ko ang kakaibang lambot ng kama.

Hindi ko alam kung ilang oras ako nakatulog. Nagising na lang ako dahil sa tunog na nanggagaling sa aking cell phone. Nakapikit pa rin akong kinapa 'yon sa side table. I-o-off ko na sana ang tunog dahil akala ko ay alarm lang 'yon. Mabuti na lang at sinilip ko pa dahil hindi pala 'yon alarm kundi tawag.

Sinagot ko iyon habang nakahiga pa rin.

"Hi, mama."

"Okay ka lang ba diyan, Saph?" Tanong ni mama.

"Yes, mama. Kayo ni papa?"

"We are both okay, iha. Mag-iingat ka diyan, anak, ha? Tawagan mo agad kami kung may kailangan ka at kung gusto mo ng kausap."

"Opo, mama. Sige po, ma. I have to go. May party pa po akong dadaluhan. Inimbitahan po yata lahat ng naka-check in sa hotel." Pagpapaalam ko.

"Okay. Enjoy your vacation, dear." Ibinaba ko na ang cell phone ko saka ako tumayo.

Nandito ako sa Hong Kong para magbakasyon. Sabi kasi nina Mama at Papa ay kailangan ko 'to para makapag-move on. Oo, sawi ang puso ko.

Nandito ako dahil nagbabasakali akong mababawasan man lang ang sakit na nararamdaman ko. Magbabakasyon ako rito ng dalawa o tatlong linggo, depende sa magiging kondisyon ko.

Mistake (Villaraza's Curse 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon