Chapter Six

4.1K 122 45
                                    

CHAPTER SIX

| S A P P H I R E |

Four years later...

Nakangiti ako habang nakatingin sa napakagandang tanawin mula rito sa balkonahe ng aking kwarto. Napakaganda ng view ng dagat. Halos araw-araw ko 'tong nakikita pero hanggang ngayon ay namamangha pa rin ako sa ganda. Ito siguro ang isa sa mga dahilan kung bakit binili ito noon ni Serenity.

Apat na taon na rin pala ang nakalilipas mula noong nangyari ang trahedyang iyon sa aking buhay. Sa mga unang buwan ko rito ay sobra akong nahirapan. Pero sa tulong ni Serenity ay unti-unti akong nakabangon.

"Ma!" Napalingon ako nang marinig ko ang pagtawag sa akin ni Mikhaella. Hindi ko man lang namalayan ang pagpasok niya.

Lumapit siya sa akin at may ipinakita.

"Look, Ma. Seashells." Tuwang-tuwang sabi niya habang nakalahad ang palad niya. May tatlong magagandang seashells siyang hawak at magkakaiba ang disenyo no'n.

"Oh, they are so pretty, Ella." Sabi ko at nginitian siya.

Mikhaella is my daughter. Nagbunga ang panggagahasa sa akin ni Hiro Luestre. Noong nalaman kong buntis ako ay sobra akong nanlumo. Hindi ko alam ang gagawin ko noon dahil sa tuwing naaalala kong buntis ako ay naaalala ko ang gabing 'yon. I even thought of aborting the baby. Isang malakas namang sampal ang natanggap ko mula kay Serenity nang maabutan niya akong muntik nang uminom ng iba't ibang klaseng gamot. Naaalala ko pa nga 'yong sinabi niya sa akin no'n e.

"Goodness, Sapphire! The baby has nothing to do with what Hiro did to you. Sapphire, you are a victim of Hiro's crime, and it pains you so much that someone you don't even know did that to you. But don't you think that the baby won't get hurt too because of what you are about to do? Once you abort that child, you will become a criminal, a murderer. Worst? The victim is an unborn baby, and the murderer is his or her own mother."

Natauhan ako sa sampal niya at sa mga sinabi niya. I apologized to my unborn baby. Sapphire was right, walang kasalanan ang baby sa nangyari sa akin.

Mula noon ay unti-unting nagbago ang buhay ko. Ipinaramdam sa akin ni Serenity na hindi ako nag-iisa, na nandito lang siya at ang aking anak. Si Mikhaella rin ang isa sa mga rason kung bakit ako naging desidido noong makabangon. Kahit naman bunga si Ella ng rape ay mahal na mahal ko pa rin siya. Anak ko siya at hindi iyon magbabago kahit pagbalik-baliktarin pa ang mundo.

Umupo si Ella sa rocking chair na nandito sa balkonahe ng kwarto ko.

"Ma, when will Mommy come again?" Tanong niya.

She is referring to Serenity. 'Mommy' kasi ang niya rito. Sobrang close sina Serenity at ang anak ko. Mahal na mahal niya si Serenity at lagi siyang masaya kapag nandito ang mommy niya.

"I want to play with Mommy again." Nakanguso pa niyang sabi.

"You will, baby. Who knows? Maybe later or tomorrow, she is here." Sabi ko at hinaplos ang pisngi niya.

Napangiti naman siya at tumango.

Malaki ang utang na loob ko kay Serenity. Siya ang tumulong sa akin at lagi siyang nasa tabi ko sa tuwing kailangan ko siya. Pati noong ipinanganak ko si Ella ay siya ang nasa tabi ko. Sobrang nahihiya man ako dahil sobra sobra na ang itinulong niya, pero wala akong magawa kundi magpasalamat na lang.

Nawala rin ang galit ko kay Hiro sa tulong nina Serenity at ng aking anak. Madami rin naman ang magandang nangyari sa buhay ko dahil sa ginawa ni Hiro sa akin. Nakilala ko si Serenity Villaraza at dumating si Mikhaella sa buhay ko. Natuto akong magpatawad sa mga taong nagkasala sa akin, kay Hiro at sa mga pumatay sa mga magulang ko.

Ipinakita sa akin ni Serenity ang ganda ng buhay na walang galit sa puso. At iyon ang gusto kong maging buhay.

"Ma, when will I see Papa?" Natigilan ako sa tanong ni Ella. Napatingin ako sa kanya at nakatingin siya sa akin. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang pagkasabik sa isang ama.

Lumuhod ako para magkapantay kami. "Do you love Papa?" Mahinahong tanong ko.

"Yes, Mama. I love him even though he is not here with us. Ma, is Papa a good person?" Natahimik ako dahil hindi ko alam ang aking isasagot sa kanya.

"Of course, my dear." Pareho kaming napatingin ni Ella sa may pintuan nang marinig namin ang boses ni Serenity.

"Mommy!" Masayang sabi ni Ella at agad siyang lumapit kay Serenity. Binuhat naman siya nito.

"How's my princess?" Nakangiting tanong ni Serenity sa bata. Tinignan din niya ako kaya nginitian ko siya at tinanguan naman niya ako.

"I am super fine, Mommy. Mommy, you said, Papa is a good person. Is that true?" Tuloy-tuloy na sabi ni Ella.

"Yes, Mikha. Your Papa is a good person, and I know that he loves you so much." Sagot niya.

"Really? Then why is he not with us?" Nakita ko pang napasimangot si Ella.

"Don't be sad, Mikha. Your Papa loves you so much. He just did something wrong that's why he is not with you."

"He did something wrong? He is a bad person, then."

Umiling siya sa sinabi ni Ella. "No, my princess. There are times that people do bad things, but it does not mean that they are bad."

Napatango naman si Ella. Ella is a smart kid and she easily understands some things that are not that easy for other kids to understand. Maybe nasa lahi na rin 'yan na matalino siya. At nadagdagan pa ng pagtuturo sa kanya ni Serenity.

"I brought you something. Go and take it from lola Zenia." Sabi niya kaya lumiwanag naman ang mukha ni Ella.

"Thank you, Mommy." Niyakap pa niya si Serenity at hinalikan sa pisngi bago siya ibinaba nito. Agad siyang napatakbo papunta sa sala.

Nang maiwan kaming dalawa ni Serenity rito ay lumapit siya sa akin.

"Are you ready?" Tanong niya sa akin habang nakatingin sa karagatan.

Alam kong ang tinutukoy niya ay kung handa na akong umuwi sa Pilipinas at harapin si Hiro. We have talked about it already the last time she was here. We decided to let Ella meet her father. Ayon na rin naman sa kanya ay sobrang nagsisisi si Hiro. Mabuting tao naman daw si Hiro. Naging gago lang no'ng gabing 'yon.

At saka, wala na akong nararamdamang sakit kahit na pinag-uusapan pa namin ang nangyari noon. Ipinagpapasalamat ko 'yon sa kanya dahil siya ang tumulong sa akin na tuluyang palayain ang sakit at galit sa puso ko.

Pero alam kong hanggang ngayon ay nasasaktan si Serenity. Hindi man niya sabihin sa akin, pero alam ko 'yon. Alam kong may iba pang dahilan kaya sobrang nasasaktan siya sa ginawa ni Hiro, pero hindi ko na inalam. Ang alam ko lang ay sobrang close silang dalawa at sobra-sobrang pinagkatiwalaan niya si Hiro.

"Yes." Maiksing sagot ko.

Napatango naman siya.

"We will be leaving tomorrow." Sabi niya at saka lumabas ng kwarto ko.

Isang napakabuting tao ni Serenity. Isang tunay na kaibigan. Handa siyang tumulong kahit anong oras at handa siyang damayan ka palagi. She is a selfless person. Minsan ay napapatanong ako kung minsan ba ay nasubukan niyang magpakaselfish naman.

Apat na taon ko nang nakakasama si Serenity pero hanggang ngayon ay napaka-misteryoso pa rin niya. Nirespeto ko na lang ang kagustuhan niyang huwag pag-usapan ang kanyang buhay.

J A N   M A R C I A
•halfbloodwriter•

Mistake (Villaraza's Curse 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon