Chapter Sixteen

3K 70 1
                                    

CHAPTER SIXTEEN

| S A P P H I R E |

Alas sais y media pa lang ay nakahanda na ako. Nakangiti kong pinagmasdan ang aking sarili sa salamin. Isang royal blue cocktail dress na tube ang suot ko na hanggang sa kalahati ng hita ko ang haba. 

Hindi ko mapigilang ma-excite sa date namin ni Hiro. Ilang taon na rin mula noong huling nakipagdate ako. Ang huli pa ay noong hindi pa nanlalamig si Kyzer sa akin. Mula noon ay hindi ko na muling naranasan ang magkaroon ng date. It feels good na hindi kung kanino lang ako makikipagdate ngayon. I am having a date with the father of my child.

Si Ella ay kinuha ni Serenity kaninang umaga. Ipapasyal daw niya at sa Amore na rin daw matutulog ang anak ko. I have a feeling na sinadya 'yon ni Serenity para sa date namin ng pinsan niya. I am sure na alam niyang niyaya ako ni Hiro. Imposible naman kasing nagkataon lang na sa lahat ng araw na kukunin niya si Ella ay sa araw pa ng date namin ni Hiro.

Pagpatak ng alas syete ay tumunog ang door bell. Siguradong si Hiro na 'yon. Muli kong sinulyapan ang repleksyon ko sa salamin bago ko kinuha ang purse ko at susi ko bago lumabas ng kwarto. Huminga muna ako nang malalim bago ko binuksan ang pintuan. Kabado ako.

This is it, Sappphire!

Pagbukas ko ng pintuan ay tumambad sa akin ang nakangiting si Hiro. Lalo siyang gumwapo sa suot niyang three piece suit.

"Hi! You look so gorgeous, sweetie." He said and I blushed.

"T-thanks. You look good, too." Sabi ko at nginitian ko siya.

"Let's go?" Tanong niya.

"Sure!" Sabi ko at lumabas na saka ko ni-lock ang pintuan.

Tahimik lang kami hanggang sa makarating kami sa labas ng condominium building. Lumapit kami sa kinaroroonan ng kotse niya. Pinagbuksan niya ako ng pintuan sa may shotgun seat.

"Thanks." Sabi ko bago ako pumasok. Pagkasara niya ng pintuan ay nagmadali siyang pumasok sa kotse.

Habang nagmamaneho siya patungo sa kung saan man, hindi ko maiwasang makaramdam ng awkwardness. Hindi ko alam kung kakausapin ko ba siya o manahimik na lang. Kung kakausapin ko naman siya, hindi ko rin alam kung anong sasabihin ko.

Kung tanungin ko kaya kung saan kami mag-di-dinner? Pero baka lalong maging awkward ang atmosphere kung mawawalan na naman kami ng topic. Mas maganda yatang hayaan na lang na katahimikan ang mamutawi sa pagitan namin.

"Ah, nervous?" Bigla niyang tanong habang nakatingin pa rin sa kalsada.

Napatinging ako sa kanya saka muling ibinalik ang tingin sa harap. "A little."

"Don't be. Everything will be fine." He said and I just nodded. Contrary to what I felt the first time we met, I feel so safe with him now. I don't know why but I trust him that he will not do the same thing that he did before. Maybe, the moment I forgave him, I have also opened my heart to know him. And for the past days, I found out that he is really a good person as what Serenity told me before.

A few more minutes of silence passed before he parked the car in front of a fine dining restaurant.

"Don't come out." He said and went out of the car immediately. Umikot siya at saka ako pinagbuksan ng pinto. Napangiti naman ako. Gentleman, eh?

"Thanks." Sabi ko nang makalabas ako ng kotse.

"Anytime."

Naglakad kami papasok sa restaurant.

"After you." Sabi niya at pinauna akong pumasok na siya namang ginawa ko.

Linapitan kami ng isang waitress.

Mistake (Villaraza's Curse 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon