CHAPTER TEN
| S A P P H I R E |
Nang nagising na si Serenity ay nakahinga kaming lahat nang maayos. Napansin ko kung gaano kamahal ng lahat si Serenity. They were so worried. Nakalimutan na nga nilang kumain. Maging si Ella ay ayaw kumain dahil gusto niyang bantayan si Serenity. Ang sabi niya ay gano'n daw ang ginagawa niya sa tuwing magkasama sila at nawawalan ng malay si Serenity.
Heto ako at nakaupo lang sa sofa habang nakatitig sa sahig. Hindi ko mapigilang sisihin ang sarili ko. Nakokonsensya rin ako dahil wala akong alam sa kalagayan ni Serenity samantalang tatlong araw sa isang linggo na kasama ko siya sa Australia.
"Hey, come on! Let's eat."
Napataas ako ng ulo at nakita ko si Hiro na nakatayo sa harap ko.
"Hiro, I'm sorry. Hindi ko alam." Malungkot kong sabi sa kanya. Kung sana ay hindi ako tatanga-tanga ay napansin kong may kakaiba kay Serenity kanina no'ng nagpaalam siya sa akin.
"Don't say sorry. Wala kang kasalanan. I am sure that Serenity really intended to hide it from you. Ayaw ka niyang mag-alala. So, don't show her that kind of face when she is around." Mahinahon niyang sabi.
Tumango na lang ako.
"Let's go." Tumayo naman ako at sabay kaming pumunta sa dining area.
Nandoon na silang lahat maging si Serenity. Napagsabihan niya nga kami no'ng nalaman niyang hindi pa kami kumakain tapos idinamay pa namin ang mga bata.
Napakunot-noo ako nang mapansin kong malungkot si Ella habang nakaupo sa tabi ko.
"Baby, what's wrong?" Tanong ko at napatingin sa amin si Hiro.
"Mama, I want to sit beside Mommy." Malungkot niyang sabi sa akin at nakatingin pa sa akin. 'Yong mga mata niya, parang nakikiusap sa akin na payagan siya.
"But baby, kuya Lexter is already sitting beside Mommy." Sabi ko. Nakilala ko kanina ang ilan sa mga Villaraza maging ang mga batang nandito rin.
"Mama, please."
"Baby." Kapag ganito kasing nagmamakaawa ang anak ko, hindi ko alam ang gagawin ko. Pinagbibigyan ko na lang, pero this time, I just can't. Hindi ko naman pwedeng paalisin si Lexter dahil alam kong gusto rin nung bata na katabi si Serenity. Tapos ang isa pang katabi ni Serenity ay si tito Aizen. Nakakahiya naman kung paalisin siya sa upuan niya. Ang alam ko kasi, ang inuupuan ng mga nakatatandang Villaraza ay talagang doon na ang pwesto nila sa tuwing may family dinner. Gano'n din kasi kami noon sa tuwing may family dinner ang mga Buenavista.
Napatingin naman si Ella kay Hiro na katabi rin niya. "Papa, please. I want to sit beside Mommy Serenity." Napatingin sa akin si Hiro na hindi rin alam ang gagawin. 'Yong iba naman ay parang naaaliw habang pinapanuod kaming tatlo.
"Baby, don't you want to sit beside Mama and Papa?" Tanong na lang ni Hiro.
"I want to, but I want to sit with Mommy. I can just sleep beside Mama and Papa later, so please let me sit with Mommy. Please, Papa." Pareho kaming natigilan ni Hiro sa sinabi ni Ella. Sleep with both of us? What the--?
"Oh, I like that. Good girl, Mikha. Come here. Tito Aizen, mind if you let your grand daughter take your place?" Agad na sabi ni Serenity.
"I don't mind at all. The young lady's offer is irresistable." Nakangising sabi naman ni tito Aizen na nakatingin sa aming dalawa ni Hiro.
Hindi ko tuloy napigilang mamula. Alam kong ang tinutukoy nila ay ang pagtulog naming tatlo na magkakatabi.
Umupo naman si Ella sa inuupuan ni tito Aizen kanina. Tapos si tito ay lumapit sa akin. "Do you mind if you move, iha?" Tanong ni tito.
Umiling lang ako at lumipat sa binakantehang upuan ni Ella.
Pakiramdam ko ay namumula na ako nang sobra. Pansin namang kaya ako pina-move ni tito ay para pagtabihin kami ni Hiro. Kahit alam kong hindi magagalit si tito ay nakakahiya pa ring tumanggi.
"You really are a good daughter to Mama and Papa, Mikha." Sabi ni Serenity at pinisil ang ilong ng bata.
"Really, Mommy?" Masayang tanong ni Ella na walang kamalay-malay sa nagawa niya.
"Yes, dear. Just continue being a good daughter, okay?"
"Yes, Mommy. I promise." Nakangiting sabi ni Ella at kumain siya na ni hindi man lang naalis ang malaking ngiti sa labi. Naku Serenity! Alam na alam talaga niya ang kiliti ng anak ko.
"Relax, bro. Tensed?" Natatawang tanong naman ni Trey kay Hiro.
"Oo nga, pinsan!" Sabi naman ni Rhianne, isang sikat na international model.
"Shut up!" Sabi na lang ni Hiro.
Natawa naman silang lahat maliban sa amin ni Hiro at sa mga bata na busy sa pagkain. Ngayon nga lang kami pormal na nagkakilala tapos matutulog agad kami sa iisang kwarto?
Nang matapos ang dinner ay nagsiuwian na rin ang ilan sa mga Villaraza.
"Serenity, saan kami matutulog ni Ella?" Pabulong na tanong ko kay Serenity habang nakatingin kami kina Ella at Hiro na nagpapaalam sa mga papaalis na mga Villaraza. Aliw na aliw silang lahat sa anak ko.
"You heard your daughter a while ago, Saph. You will be sleeping in Hiro's room here." Parang wala lang na sabi niya.
"Serenity!"
"What? Mikha has been looking for her father. Now that she is with him, don't break her heart by showing her that she still won't have a complete family. Maybe, it is time for you and Hiro to try even for the sake of your daughter."
Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya. She has a point, but I have doubts. Hindi naman gano'n kasimple ang lahat. What if Hiro is already in love with someone else? Hindi ko maaatim na manira ng kasiyahan ng iba.
And if ever that he is not in love with someone else, what if we fail? What if we cannot make this work? Paano kung sa pamimilit naming maging maayos na pamilya ay lalo lang naming magugulo ang lahat lalo na at nagsimula kami sa isang pagkakamali?
Baka lalong masaktan lang si Ella. Baka masaktan lang namin ang isa't isa.
"I know what you are thinking, Saph."
Napatingin ako kay Serenity nang muli siyangg magsalita.
"You have to take risks. Instead of worrying about the negative effects of your decision, you should take risks first. Then you will do everything, so that those negative effects will not happen."
Napangiti ako sa sinabi niya. She is right. Bakit nga ba puro mga hindi maganda ang iniisip ko?
Maybe, I really have to do this. If not for me, then at least for my daughter. Ang problema na lang ay si Hiro. Hindi ko alam kung ano ang plano niya sa anak namin. Hindi ko alam kung papayag siya sa sinabi ni Serenity.
"Mama, let's go!" Napatingin ako kay Ella na buhat-buhat ni Hiro. Papalapit sila sa amin ni Serenity.
Kitang-kita ko kung gaano kasaya si Ella ngayon. Sino ako para alisin ang sayang nararamdaman niya dahil lang sa takot ko na muling masaktan?
J A N M A R C I A
•halfbloodwriter•
BINABASA MO ANG
Mistake (Villaraza's Curse 1)
General FictionOne night changed a woman's life. One mistake made not only her life, but also his life, miserable. That same night, he knew that she had captured his heart the moment he first laid his eyes on her. However, his mistake made her loathe him. How will...