Chapter Fourteen

4.1K 111 13
                                    

CHAPTER FOURTEEN

| S A P P H I R E |

Naalimpungatan ako nang maramdaman ko ang sinag ng araw na tumapat sa aking mukha. Pagdilat ko ng aking mga mata ay wala na pala akong katabi.

Saan naman na kaya pumunta ang mag-ama?

Halos lampas isang buwan na kami ni Ella rito sa Villa Amore at habang lumilipas ang mga araw ay mas napapalapit sa isa't isa ang dalawa. Unti-unti ay nagihing komportable na rin ako sa mga Villaraza at kasama na ro'n si Hiro.

Bumangon na ako at nagtungo sa banyo. Mabilis akong nagsipilyo, naligo at nagbihis dahil pasado alas-otso na ng umaga. Nakakahiya naman sa mga nanditong Villaraza dahil tinanghali ako ng gising. Mas maaga pang nagising ang anak ko kaysa sa akin.

Nang makapag-ayos na ako ng sarili ay agad akong lumabas ng kwarto at bumaba. Wala akong nadatnang tao sa sala maliban ang tatlong katulong na naglilinis.

"Good morning, Ma'am!" Bati nila sa akin at nginitian ko lang sila.

Naglakad ako papuntang dining area. Inaasahan kong makikita ko roon si Ella pero tanging sila Tita Alyanna at ang magpipinsan na sila Claire, Creed at Louie ang naabutan ko roon na nagkakape.

"Good morning, iha! Come here, join us." Pag-aya ni tita Alyanna sa akin. Lumapit naman ako at naupo sa isang bakanteng upuan sa tabi ni Louie. Agad naman akong tinimplahan ng kape ng isa sa mga katulong.

"Nakita niyo po ba si Ella?" Tanong ko sa kanila habang hinihintay ang aking kape.

"Isinama siya nina Serenity at Hiro sa school. I-e-enrol raw nila ang bata." Sagot ni tita.

Napatango naman ako. Nakakahiya na kay Serenity, siya pa ang sumama. Kung hindi ba naman kasi ako tulog-mantika, ako sana ang sumama. Kababalik pa naman ni Serenity kaninang madaling araw galing sa kung saang bansa na naman siya nagpunta.

Napag-usapan na namin ni Hiro no'ng isang araw ang tungkol sa pagpasok ni Ella sa nursery school. Excited nga si Ella no'ng ipinaalam namin sa kanya ang pagpasok niya. Malapit lang naman sa papasukan niya ang pinapasukan ng mga bata ring pinsan niya na pare-parehong nasa grade school na.

May sarili na ring yaya at driver ang bata. Huwag na nga lang sana kasi available naman ako na maghatid-sundo sa anak ko pero napag-usapan din pala namin ni Serenity ang tungkol sa pag-aayos sa mga ari-ariang namana ko sa mga magulang ko.

I suddenly missed them. How I wish they are here. I am sure, they will love Ella just as much as the Villaraza's love her. Minsan, hindi ko maiwasang isipin ang mga bagay-bagay. Paano kung nandito pa sila? Life will surely be better.

I am just glad that throughout the years that I was in Australia, Serenity and Ella were there for me. They made life easier and better.

"Thank you!" Sabi ko sa katulong nang ilapag niya sa harap ko ang isang baso ng kape.

"So, when is your flight to New York, Louie?" Tanong ni tita Alyanna kay Louie. Napatingin tuloy ako kay Louie.

Iiwas ko sana ang tingin ko at mag-focus sa kape pero na-intriga ako sa nakita ko sa mga mata niya. Hindi ko alam kung tama ba ang nakikita kong lungkot at sakit sa mga mata niya. Pero bakit?

"Tonight, tita." He just said monotonously.

Tumango naman si tita.

"I hope you'll be able to find her so soon." Napakunot-noo ako sa sinabi ni Creed.

Find her so soon?

Anong ibig niyang sabihin? I wanna ask, but I stopped myself. Wala akong karapatang magtanong ng mga personal na bagay sa kanila lalo na kung wala rin naman akong kinalaman do'n. I should always remember my place in this house.

I am just Serenity's guest and the mother of a Villaraza child. Maliban do'n ay wala na akong ibang lugar rito. Hindi man nila pinaparamdam sa akin 'yon pero 'yon na ang nakatatak sa isip ko mula pa man noong tumapak ako sa bahay na 'to.

"If only you can love someone else--" Agad na pinutol ni Louie ang sinasabi ni Claire.

"Stop hoping, Claire. You know very well that we can't. Even if I can, it will still be her." I sensed the sadness in his voice.

Hindi ko man alam ang pinag-uusapan nila, nararamdaman ko naman ang sakit na nararamdaman niya. Alam kong sobra siyang nangungulila at nasasaktan.

Pero sa pag-uusap nila, hindi ko mapigilang mapa-isip kung ano ang ibig nila sabihin na hindi nila kayang gawin. I somehow felt that it is a secret of the Villaraza family.

"Mama! Mama!" Napatingin kaming lahat sa may pintuan papunta sa sala nang marinig namin ang boses ni Ella na para bang ang saya-saya niya habang sumisigaw. "Where's Mama?" Rinig pa naming tanong niya.

"She's in the dining area, Miss." Sagot ng isa sa mga katulong.

Mayamaya lang ay pumasok bigla si Ella sa dining area. Nang makita niya ako ay agad siyang tumakbo papunta sa akin. Binuhat ko naman siya at kinandong.

"What's with the shouting, little girl?" Nakangiti kong tanong. Pansin na pansin ang saya sa mukha niya.

"Mama, I will go to school next week already. We visited the school and it is very very very beautiful." Masayang kwento niya.

Dumating naman sina Serenity at Hiro na parehong nakangiti.

"Mama, you want to see my school?"

Tumango naman ako.

"Then, you will come with us on my first day there, Mama. Papa said yes already."

"Anything for you, baby." Sabi ko at pinisil nang mahina ang ilong niya.

"She's really bubbly. Mrs. Henson likes her." Sabi ni Hiro. I presume, Mrs. Henson is the one who manages the school.

"She is nice, Mama." Singit naman ni Ella nang marinig ang pangalan ni Mrs. Henson.

Nagkwento pa si Ella tungkol sa bagong school niya. Kaming lahat naman ay aliw na aliw habang nakatingin sa kanya at nakikinig sa bawat salitang binabanggit niya. Mukhang talagang nagustuhan niya ang school.

Nang makaramdam na ng pagod si Ella ay sinamahan ko na siya sa kwarto. Matapos ko siyang palitan ng damit ay agad din siyang nakatulog. Nang makumpirma kong malalim na ang tulog niya ay lumabas na ako at pumunta sa veranda. Mula rito ay kitang-kita ang malawak na tanawin ng lupain ng mga Villaraza.

"Hi!" Napalingon ako at nakita ko si Hiro na nakangiti. Lumapit siya at naupo sa tabi ko.

Pareho lang kaming nakatingin sa tanawin.

"Serenity told me that you will be leaving Amore next week." Pagsisimula niya sa topic.

"Yeah! Napag-isip-isip ko na ito na ang panahon para asikasuhin ko ang mga iniwan sa akin ng mga magulang ko."

Tumango na lang siya. "How about Ella?"

"I will take her with me. You can visit her anytime. Hindi rin naman pwedeng iwan siya rito. Sabi ni Serenity ay kailangan mo na ring bumalik sa bahay niyo dahil masyadong malayo ang Amore sa kompanya niyo."

Tumango lang siya at parang may gusto siyang sabihin pero nanatili siyang tahimik. Then there comes an awkward silence.

J A N   M A R C I A
halfbloodwriter

Mistake (Villaraza's Curse 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon