Chapter 5

4.3K 130 68
                                    

CHAPTER 5

| H I R O |

It's been eight hours since Serenity left my room with that woman. I feel so guilty with what I did. Isa akong kriminal. Paano ko naatim na gawin ang isang bagay na 'yon?

Masakit sa akin na nakasakit ako ng isang babaeng wala namang ginawang masama sa akin. Masakit sa akin na nakasira ako ng buhay ng isang tao, ng isang babae. Pero ang pinakamasakit ay alam kong sa ginawa kong 'yon, nasaktan ko si Serenity.

Nalaman kong ilang oras na ring umalis si Serenity kasama ang babaeng ginahasa ko. Hindi ko alam kung saan sila pumunta. Pero umaasa akong makakahingi ako ng tawad sa aking nagawang pagkakamali. Hindi lang sa babaeng 'yon, maging kay Serenity.

Hindi man ipakita ni Serenity, alam kong sobra ko siyang nasaktan. Alam kong sobra siyang nagalit sa akin. But I know that I deserve it because of what I did. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko kayang nagagalit si Serenity sa akin.

Bumukas ang pinto ng aking hotel room at pumasok sina Creed Villaraza at Trey Villaraza. Kitang-kita ang galit sa kanilang mukha. Bago pa man ako makapagsalita ay sinugod na ako ni Creed at sinuntok.

"Gago ka, Hiro!" Kahit natumba na ako sa sahig ay sinuntok niya ulit ako.

"How dare you do that?" Galit ding asik sa akin ni Trey. I understand their anger because I am also mad at myself.

Hindi ako nanlaban at tinanggap ko lahat ng suntok nilang dalawa. Nang makontento sila ay saka lang sila tumigil.

"Go back to the Philippines." Malamig na sabi ni Trey at saka nila ako iniwan doon.

Nag-ayos lang ako at saka ako dumiretso sa rooftop. Gaya nga ng sabi ni Trey, babalik na ako sa Pilipinas. Pero pagdating ko sa rooftop ay walang chopper na naghihintay.

"Where is my chopper?" Tanong ko sa personal assistant ko.

"Sir Creed used it. He said that you have to go to the airport and book a flight." Sabi niya kaya napamura ako pero hindi na ako nagreklamo.

Kasama ang personal assistant ko ay pumunta kami sa airport. Nag-book ako ng flight at kung minamalas nga naman, hindi ako pinayagang kumuha ng first-class na flight. Ang malala pa ay kailangan kong maghintay ng ilang oras para sa flight ko. Alam kong kagagawan ito nina Creed at Trey. Hindi na ako nagmatigas pa at naghintay na lang.

Mabuti na lang at walang nakakakilala sa akin dito. Nakasuot kasi ako ng bonet at shades. Kahit papaano ay nakatulong 'yon.

Malalim na ang gabi nang makarating ako sa Pilipinas. Pagpasok na pagpasok ko sa mansion ay agad akong sinalubong ni Dad ng suntok. Walang umawat sa kanya kahit si Mom. Doon ko napagtantong lahat sila ay galit sa akin.

Wala akong karapatang magreklamo. Wala akong karapatang humingi ng pag-unawa. Wala akong karapatang maghanap ng kakampi. Alam kong walang kapatawaran ang nagawa ko.

"We did not raise you to become a criminal, a rapist! How could you do that thing? Hayok na hayok ka na ba sa sex at nagawa mong manggahasa? Did you even think of every woman in this family while you were doing that crime?" Sigaw ni Dad sa akin nang tumigil siya sa pagsuntok sa akin.

Hindi ako sumagot. There is no excuse to what I did.

"With what you did, you only showed that you don't respect your mother and every woman in this family. Sa ginawa mo, para mo na ring ginahasa si Be--."

"Dad, no. Please." Louise interrupted Dad. Doon lang narealize ni Dad ang sasabihin.

Nanlamig ang buo kong katawan sa sinabi niya. Napaluha ako sa sakit.

Bakit? Bakit ko 'yon ginawa? Paano ko nagawa 'yon? At sa ginawa kong 'yon, parang ako na rin ang isa sa mga gumawa ng kahayupang iyon noon sa kanya. The thought of it tortured me so much.

"I am so disappointed with you, son!" Huling sabi ni Dad at saka siya umalis.

Nandoon lang ako sa sahig habang patuloy na umiiyak. Serenity is right. Mas mahirap pala 'yong wala man lang akong magawa para mabawasan ang nararamdaman ko. It is the worst torture.

But who am I to complain when I know that I deserve this pain? Ito nga siguro ang kabayaran sa pagkakamaling ginawa ko. At habang buhay kong pagbabayaran 'yon.

| S A P P H I R E |

Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Wala akong ganang maglibot o kahit kumain. Gusto ko lang manatili rito. Ayaw kong kausapin ang kahit sino.

Napatingin ako sa malaking salamin sa harap ko. Napaluha ako habang nakatingin sa aking reflection. Kahit kaliligo ko lang, isang napakaduming babae ang nakikita ko sa salamin. Isang nakakadiring babae.

Agad akong napapunas ng luha nang may kumatok sa pintuan ng aking kwarto. Hindi ko na sana papansinin 'yon pero narinig ko ang boses ni Serenity.

"Sapphire?"

Pinilit kong lumapit sa pintuan at binuksan iyon. Nakita ko ang walang emosyong mukha ni Serenity. Pinapasok ko siya. Nang umupo siya sa gilid ng kama ay umupo rin ako.

"I have something to tell you. I know that it will hurt you so much, but you need to know it." Sabi niya. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng sobrang kaba.

Hindi ako nagsalita at hinintay ko lang siyang ipagpatuloy ang kanyang sasabihin.

"I got a call from one of my people in the Philippines. It is about your parents."

Lalong lumakas ang aking kaba. Anong tungkol sa kanila? May nangyari ba?

"Sapphire, they're gone."

Para akong binagsakan ng langit at lupa sa narinig. They're gone. Paano? Kausap ko lang si mama sa phone bago pa kami pumunta rito sa Australia. Paanong wala na sila? Napaluha na lang ako at mayamaya ay napahagulhol ako.

Niyakap niya ako nang mahigpit. "I know that you are in so much pain right now. Don't worry, the people responsible for their death are already in jail. Just cry and let it out. I am just here."

Patuloy lang ako sa pag-iyak hanggang sa napagod ang mga mata ko at nakatulog ako.

Pagkagising ko ay nakailaw na ang ilaw ng kwarto. Sa tingin ko ay si Serenity ang nagbukas no'n. Gabi na nga pala.

Muli akong napaluha nang maalala ko ang lahat-lahat. I was raped. My parents are gone. Ano na lang ba ang naiwan sa akin?

"What have I done to experience this? Bakit ako pinaparusahan?" Galit na tanong ko habang patuloy sa pag-iyak.

Pakiramdam ko ay wala nang natira sa akin.

| H I R O |

Magmula noong nagawa ko ang pagkakamaling 'yon, nagbago na ang pakikitungo sa akin ng pamilya ko. Walang lumabas sa publiko tungkol sa kagaguhan kong 'yon kaya tanging kami lang ang nakakaalam sa nangyari.

Hindi rin ako pinapansin ni Serenity sa tuwing pumupunta siya rito sa Pilipinas. Gaya ngayon. Nandito ako sa mansion ng mga Villaraza. Nakaupo lang ako sa isang sofa rito sa sala habang hinihintay kong lumabas si Serenity. Ang alam ko ay dumating siya kahapon.

Napatayo ako agad nang makita ko si Serenity na pababa sa hagdan. Nang makababa na siya ay agad ko siyang nilapitan. Pero hindi pa man ako tuluyang nakakalapit ay pintagil na niya ako.

"Don't dare come near me. You might rape me. You should have at least remembered her. You should have at least remembered that night, Hiro."

Pakiramdam ko ay sinaksak ako nang paulit-ulit sa narinig. She loathes me. She thinks that I can do that to her. Sa tingin niya ay sasaktan ko siya.

Hindi na ako nagsalita. Alam kong galit na galit siya at ayaw niyang makarinig ng kahit ano sa akin. Sobrang sakit pero alam kong walang-wala ang nararamdaman kong sakit sa sakit na nararamdaman niya at ng babaeng ginahasa ko.

I deserve this. And thinking about what happened years ago tortured me more.

J A N M A R C I A
•halfbloodwriter•

Mistake (Villaraza's Curse 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon