Chapter Fifteen

3.4K 76 5
                                    

CHAPTER FIFTEEN

| S A P P H I R E |

Lumipas ang ilang araw ay nakalipat na kami ni Ella sa isang condominium unit na binili ko pa two weeks ago. Pinigilan nga kami ng mga Villaraza na umalis sa Amore. Ang sabi nila ay hindi  naman na raw namin kailangang umalis dahil pamilya na ang turing nila hindi lang kay Ella kundi pati na rin sa akin.

Labag man sa kalooban kong umalis dahil kahit sa maikling panahong nakasama ko sila ay napamahal na rin silang lahat sa akin, pero nahihiya na kasi ako. Sobra-sobra na nga ang mga naitulong ni Serenity sa akin at ang mga naitulong nila sa mga panahong nasa Amore kami. Ayaw ko namang umabuso sa kabaitan nila sa akin. Although Ella has the right to have those things as a Villaraza, hindi pa rin ako kasali roon. I am not a Villaraza. Ang tanging nagbibigay sa akin ng solidong koneksyon sa mga Villaraza ay si Ella.

At first, Ella did not want to leave Amore. She only agreed when I told her that we would visit every Sunday, and her father may visit her anytime.

Mabuti na lang at wala ako masyadong problema pagdating sa mga namana ko sa mga magulang ko. Everything was taken care of by Serenity. She invested in our company. She bought enough shares for her to be able to take over the Board of Directors for she knew that she could not just interfere with the company matters unless she is part of it and has control over it, not just a significant influence. So, she owned 54% of the stocks.

I am just so thankful to her that she took care of everything that I should be taking care of since before. With all her help for the company, she has all the rights to take the company and own it. In fact, being the major stockholder, she already owns it. But she's just so kind that she sold one-third of her shares to me. Together with the shares she sold to me and the shares my family originally owned since then, I am now the major stockholder owning 38% of the total stocks. Next to me is Serenity who now owns 36% of the total stocks.

"Mama!" Napangiti ako nang sinalubong ako ng yakap ni Ella pagkabukas na pagkabukas ko ng pintuan ng condo unit. Mabuti na lang at may sariling yaya si Ella. Pwede ko siyang iwan dito kapag pupunta ako sa kompanya. It is about time for me to take over.

Niyakap ko rin siya. Ilang sandali lang ay kumalas din kami sa pagkakayakap sa isa't isa. "How's school, baby?" Tanong ko.

"It was fun, Mama! Papa fetched me from school and we went to the park for a while." She seems so happy. Mahal na mahal niya talaga ang kanyang ama na kahit kaunting oras lang na makasama ito ay masaya na siya.

"That's great! So, what do you want for dinner?" Nakangiti kong tanong sa kanya.

"Hmm..." Umakto pa siya na parang nag-iisip talaga kung ano ang gusto niyang kainin. "I want chicken curry, mama." Malawak ang ngiti niyang sabi.

I pinched her nose. "Chicken Curry it is! Go and tell yaya to prepare the ingredients while I change."

Tumango naman siya saka umalis at pinuntahan ang yaya Risa niya. Ako naman ay pumasok na sa kwarto at nagbihis. Pagkatapos ay lumabas na ako at nagtungo sa kusina. Nandoon sina Ella at Yaya Risa. Nakahanda na rin ang mga gagamitin at ang lulutuin.

Agad kong sinimulan ang pagluluto habang ang dalawa ay pumunta sa sala at nanood lang ng Spongebob sa Mac ni Ella na binigay sa kanya ni tita Hannah last month. Nang matapos ang aking pagluluto ay inihanda ko na ang pagkain sa mesa.

Masaya kaming tatlo na nagsalo-salo. Pagkakain ay si Yaya Risa na ang nag-ayos at naghugas. Ako naman ay inihanda na si Ella sa pagtulog. It did not take long before she fell asleep. Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa sala.

May tatapusin pa akong trabaho. Pagkabukas ko ng Mac ko ay tumunog ang aking cellphone. Napakunot noo ako nang makita ang pangalang naka-rehistro. Hiro is calling. Baka may importanteng sasabihin kaya sinagot ko ang tawag.

"Yes?" Bungad ko.

"Ah- I just called to ask how is Ella." He sounds nervous.

"She is already sleeping." Sagot ko lang habang kinakalikot ang Mac ko.

"Umm... Sapphire?"

"Yes?"

"Are you free tomorrow night?"

"Aside from I have to go home for Ella, wala na akong ibang gagawin. Bakit?" Nagtatakang tanong ko. Why all of a sudden did he ask for my schedule on a particular time?

"Maybe, Yaya Risa can look after her tomorrow night. If it is okay with you, I want to ask you out."

Natigilan ako sa sinabi niya. He is asking me out? "Umm... A date?" Hindi siguradong tanong ko.

"Yeah! If it's okay with you." He paused. "B-but if you don't want to, I--"

"Sure!" I cut him off. It was so obvious that he was so nervous. Hindi ko napigilang mapangiti. I never imagined him that he would stutter while asking a woman for a date. Kilala silang mga Villaraza na confident sa lahat ng ginagawa nila.

"Really?"

"Yeah!" Magpapakipot pa ba ako? I like him, so there is nothing wrong with having a dinner date with him.

"Good. Thanks. I'll pick you up tomorrow night. Seven o'clock." Ang kaninang kabadong tono niya ay napalitan ng masayang tono.

"Got it." Nakangiting sagot ko kahit hindi naman niya nakikita.

"Good night, Sapphire!"

"Good night, Hiro!"

Then I ended the call. Nakangiti lang ako habang nagtatrabaho.

J A N   M A R C I A

halfbloodwriter

Mistake (Villaraza's Curse 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon