Chapter 20

1.4K 29 3
                                    

CHAPTER 20

| S A P P H I R E |

Naging madalas ang paglabas namin nina Hiro at Ella. Minsan ay kaming dalawa lang ni Hiro.

Dumaan ang mga araw na wala siyang ginawa kundi pakiligin ako tuwing magkasama kami. Kadalasan, hindi ko na alam kung paano ko itatago ang kilig na nararamdaman ko.

Isang araw, bumisita kami ulit ni Ella sa opisina ni Hiro. Muli kong naalala ang babaeng nakasalubong namin noon ni Ella noong huling pumunta kami rito. Hindi ko mapigilang ma-insecure sa tuwing naaalala ko ang babaeng 'yon. Parang anghel ang mukha niya at pang-Miss Universe ang katawan.

Masyado akong na-insecure at hindi rin ako mapakali sa tuwing iniisip ko kung ano ang relasyon niya kay Hiro, kung sino siya sa buhay ng ama ng anak ko.

"Hello, Papa!" Bati ni Ella kay Hiro pagkapasok na pagkapasok namin sa office niya.

Nawala na ang isip ko tungkol sa babaeng 'yon nang lumapit sa amin si Hiro na nakangiti. Una niya akong hinalikan sa pisngi saka ang anak namin na binuhat niya.

"What brought you here?" Nakangiting tanong niya sa amin.

"Nag-ayang pumunta sa Enchanted Kingdom si Ella. Naisip kong daanan ka rito baka sakaling gusto mong sumama." Sagot ko.

Kumunot ang noo niya at kinabahan ako. Baka hindi niya gustong pabigla-bigla na lang kaming sumusulpot dito at mag-aya. Baka masyado siyang busy na dapat ay naka-schedule ang bawat lakad niya para.

"Pero kung busy ka naman, okay lang din. Kami na lang muna --"

"No, it's fine. These papers can wait. Did you already have lunch?" Tanong niya. Ibinaba niya si Ella at inayos ang kanyang table.

"Ah, hindi pa." Sabi ko na hindi pa rin makapaniwalang hindi siya tumanggi. Lihim akong napangiti sa kaisipang handa niyang ipagpaliban ang trabaho para sa amin ni Ella, o para kay Ella.

"Great! Let's have lunch first. Para naman may energy tayo buong maghapon." Sabi niya saka muling binuhat si Ella.

Nauna silang naglakad at sumunod naman ako. Nagbilin muna siya sa secretary niya bago kami tuluyang umalis.

Dumiretso kami sa pinakamalapit na restaurant. They have a variety of cuisines kaya naman mas madami kaming napagpiliang pagkain.

Mayamaya ay nagpaalam si Ella na pupuntang restroom. Sasamahan ko na sana pero sinabi niyang kaya na raw niya kaya hinayaan na namin ni Hiro.

"You did a great job raising our daughter, love." Nakangiting komento ni Hiro habang nakatingin kay Ella na naglalakad patungo sa restroom.

"Thanks. And hindi lang naman ako ang nag-alaga sa kanya. There was Serenity also."

"Well, she loves kids and kids love her, too." I agreed with him.

Hindi pa nakakabalik si Ella ay pumunta rin sa restroom si Hiro. Pagkaalis niya ay tumunog ang cell phone niya na nakalapag sa mesa. Hindi ko na sana papakialaman pero naisip kong baka importante. Kinuha ko 'yon at napakunot-noo ako nang makita ang nakarehistrong caller ID.

Bella.

May contact photo pa kaya lalo akong napakunot noo. It's the woman Ella and I saw when we once went to Hiro's office. Nanginginig ang kamay kong sinagot 'yon. I should not but my jealousy ate me up and wanted to know why she called Hiro. Itinapat ko ang phone sa tenga ko at hindi nagsalita.

"Hiro?"

Her voice was so sweet. I could not help but feel insecure because she seems to have a great voice.

"Hey, why aren't you talking? Are you upset because I canceled our lunch date? I already told you that there's an emergency. Let's just reschedule it, okay?" Date? They were supposed to have a date but it was canceled so Hiro agreed to come with us.

"H-hi." Hindi niya napigilang magsalita.

There were a few seconds of silence. "Uhm, hi. Who's this?"

"I'm Sapphire. Hiro went to the restroom and he left his phone." Sagot ko.

"Sapphire? The one who they said Hiro raped before?" Nagulat ako sa sinabi niya. She knows about it. Who is she? That was supposed to be a secret between the Villaraza family and I.

"How did you know about that?"

"I heard that you already have a daughter. Does she know how her parents met?"

Naningkit ang mga mata ko at uminit ang ulo ko. "Who the heck are you? Why do you know that? And don't you ever mention it to my daughter." Galit na sabi ko.

I heard her laughed. "O, come on, Miss Buenaventura. Stop being so paranoid. I was just asking so that I know what I should not say when Mikhaella is around." Sabi niya at lalo akong nakaramdam ng selos.

She really knows who I am and she even knows my daughter. Gano'n ba sila ka-close ni Hiro na alam niya pati ang tungkol sa amin ni Ella?

"I just want to ask." She paused. "How could you forgive him so easily?" She asked seriously. "You know, rape is rape. It is not a simple crime, especially to the victim. It is unforgivable to be taken by force. Was it really a rape, Sapphire Buenaventura?"

Siguradong namumula na ako sa sobrang galit dahil sa gusto niyang palabasin. "You don't know how miserable I was, Miss Bella. Yes, I'm a rape victim, but I am capable of forgiving because I don't want to live with anger in my heart. Hiro might have done it but he is a good man. Kaya ikaw, babae ka! Don't you ever question me because you are not in my shoes. Bella, you don't know the feeling of being a rape victim so don't ever underestimate how I felt before, you bitch!" Galit na galit kong sabi at nagulat ako nang may umagaw sa phone mula sa kamay ko.

Paglingon ko ay nakita ko ang galit na mukha ni Hiro pero hindi ako nagpatinag. "What did you just say?" Malamig na tanong niya. I was hurt. He seemed so mad because I called that woman a bitch. Does he love her?

"I won't deny and won't take back what I said. She questioned if what happened was really against my will just because I was able to forgive you so easily. It was not easy, Hiro, but I did. Sinabi ko lang sa kanya na wala siyang karapatang paratangan ako at dahil hindi niya naranasan ang naranasan ko."

Mas nakaramdam ako nang sakit sa puso nang itaas niya ang kamay niya pero nagpigil lang siya na hindi ako sampalin.

"Ano? Sasaktan mo ako dahil sa bitch na--"

PAK!

Nanlaki ang mga mata ko habang nakahawak sa pisngi ko.

J A N   M A R C I A
•halfbloodwriter•

Mistake (Villaraza's Curse 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon