Chapter 4

4.5K 133 39
                                    

CHAPTER 4

| S A P P H I R E |

Pagkatapos kong kumain ay doon kami sa kwarto para mag-usap. Sinabi niya sa akin ang lahat ng plano niya.

Magpapakalayo ako hanggang sa tuluyan akong maging okay.

Um-oo na lang ako sa kanya dahil maging ako ay ayaw ko ring magpakita na ganito ang kondisyon sa mga magulang ko.

"So it is settled then. Now, call your parents." Sabi ni Serenity matapos naming mapag-usapan ang gusto kong mangyari.

Hindi ko alam kung paano pero nakaya kong maging kalmado buong oras. At sa tingin ko ay dahil iyon kay Serenity. Siguro kung ibang tao ang kasama ko ay baka ni hindi ko magawang magsalita at tulala lang din siguro ako. Pero iba ang nararamdaman ko dahil nandito sa tabi ko si Serenity. I feel secured.

Kinuha ko ang aking phone sa pouch ko at tinawagan si mama. Ilang rings pa lang ay sinagot na ni mama ang tawag.

"Yes, anak?" Pagkarinig ko sa boses ni mama ay muli akong napaluha.

"M-mama." Hindi ko nagawang itago ang panginginig ng aking boses.

"Dear, are you crying? What's the matter? Naaalala mo na naman ba siya?" Mama asked and I know that she is so worried.

"No, mama. Ma, I was r-raped!" At doon ako tuluyang napahagulhol. Naramdaman kong niyakap ako ni Serenity at hinahagod-hagod niya ang aking likod.

Narinig ko rin ang paghagulhol ni mama sa kabilang linya. Napansin siguro ni Serenity na hindi ko kayang makipag-usap pa kaya kinuha niya ang aking cell phone.

"Mrs. Lilia Buenavista, I am Serenity Villaraza... Oh, Mr. Buenavista... Yes, she is with me... I want to tell you that I will be taking her somewhere... Don't worry, you can trust me. I will not let anything bad happen to her... She needs this Mr. Buenavista... Right now, she doesn't feel like going back there. With her state right now, she cannot live her life the way she used to... It will take her months or maybe years before she could fully cope... Don't worry, you can always talk to her... But right now, she needs to be away... Please understand, she is in a very difficult situation... Yes, I will... Yes... Okay... Don't worry about who did this to her. I assure you that he will suffer... Yes... Thank you." Nakita kong ibinaba niya ang aking phone at inilagay 'yon sa tabi ko.

Sa tingin ko ay pumayag na si papa. Maiintindihan naman nila 'yon. Kailangan ko rin talaga ito. Ayokong umuwi kina mama at papa dahil baka hindi ko kayanin. Ayokong lalo silang masaktan kapag nakita nila akong miserable.

"Let's go. The chopper is waiting for us." Sabi niya. Inayos ko naman ang hitsura ko at sumunod sa kanya.

Inutusan niya ang isa sa mga tauhan niya na kunin ang gamit ko. Pumunta kami sa rooftop at nandoon na nga ang chopper.

Sumakay naman kami at may sumama pa sa aming dalawang tauhan niya.

As she said to papa, I am going somewhere to fix my broken self. I don't know how long will I be there, but Serenity said that I don't have to worry about anything.

I don't know but I think Serenity knows very well what I am feeling right now. I think, she totally understands everything. And I am thankful that she is here with me. Hindi ko man alam kung ano talaga ang dahilan kung bakit niya ako tinutulungan pero wala na akong pakialam. I trust her and that's enough for me.

Hindi ko man siya matagal na nakasama at ilang oras nga lang kami magkasama e, pero magaaan na ang loob ko sa kanya. I really feel safe with her. Sa ngayon ay siya lang ang kaya kong pagkatiwalaan maliban sa mga magulang ko.

Makalipas ang ilang oras ay nakarating kami sa Australia. Lumapag ang chopper sa tabing dagat. Pagkababa namin ay agad kong napansin ang kaisa-isang bahay rito.

"This is private property. No one knows that I have a property here in Australia, so you are safe here. Don't worry about my guards, they are loyal to me to the extent that they are willing to sacrifice their lives for me." Sabi niya kaya napatango ako.

May tiwala naman ako sa kanya na mapagkakatiwalaan ang mga pinagkakatiwalaan niya. Maliban lang siguro sa gagong Hiro na 'yon.

"Let's go." Sabi niya at nagsimulang maglakad patungo doon sa bahay. Sumunod naman ako sa kanya. Nakasunod lang din naman sa amin ang mga guards niya.

"Serenity!" May lumapit sa aming isang babae na sa tingin ko ay nasa late 40's na. "Why didn't you call to inform me that you will visit? I could have prepared something."

"It was just a sudden decision, Zenia. Someone's with me."

Tumingin naman sa akin ang tinukoy ni Serenity na Zenia. Nginitian niya ako.

"Hi, I am Zenia. I am the care taker of this property." Pagpapakilala niya.

"I am Sapphire Buenavista." Pagpapakilala ko at pinilit kong ngumiti.

"Zenia, she will be staying here for a long time. Please take care of her." Sabi ni Serenity.

"Of course, I will, Serenity," Zenia said. "Don't worry, Sapphire. You will surely like this place."

"Thank you." Sabi ko na lang.

Sinamahan ako ni Zenia sa kwartong gagamitin ko sa buong pananatili ko rito. Malawak ang kwarto at kompleto ang gamit. Malinis din 'yon at maayos. Sa tingin ko ay laging nililinis ang kwartong ito dahil ni konting alikabok ay wala akong makita.

"You can take a rest first, or if you like, you can look around the place. Just call me or Mina if you need anything. I will just call you later when dinner is ready." Sabi ni Zenia at tumango naman ako. Ang tinutukoy niyang si Mina ay ang anak niyang kasama niya rito.

Nang iniwan na niya ako rito ay napaupo ako sa sahig. Muling nagsiunahan ang mga luha ko sa pagbagsak.

Ang sakit. Ang sakit-sakit.

Anong gagawin ko? Paano ako makakapag-cope? Paano mababawasan ang sakit? May pag-asa pa bang mawala ang sakit na 'to?

I was supposed to be there to heal my broken heart, but I ended up being more broken. This time, my whole being is broken, and I don't know if I can still be fixed.

J A N   M A R C I A
•halfbloodwriter•

Mistake (Villaraza's Curse 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon