CHAPTER SEVEN
| H I R O |
"Who gave you the permission to cancel that meeting?" Galit na sigaw ko sa bago kong sekretarya. Pansin na nangiginig na siya sa takot pero wala akong pakialam.
"A- I'm so-sorry, s-sir." Nauutal na sabi niya habang hindi makatingin sa akin. "I thought, y-you don't--" I cut her off before she could even finish her sentence.
"Thought?" Bulyaw ko sa kanya. "I don't care about what you think. You don't have any right to do some changes with my schedule."
"S-sorry, si--"
"Pack your things and leave!" I said with firm voice. Inikot ko ang swivel chair ko at tinalikuran siya. Ibig sabihin ay tapos na ang usapan. Narinig ko ang yapak ng sapatos niya at ang pagbukas at pagsara ng pintuan. Ibig sabihin ay lumayas na siya.
Napapikit ako nang mariin. Pang-ilan na ba siya sa mga sekretaryang na-sisante ko? Hindi ko na yata mabilang. Dalawang buwan lang yata ang pinakamatagal sa mga sekretaryang dumaan na sa akin.
Narinig ko ang pagbukas-sara ng pintuan. I was about to tell the intruder to leave but I stopped when I heard him talk.
"Hey!" Napaikot ako at napatingin sa lalaking pumasok na walang iba kundi si Creed. Nakangiti siya nang todo kaya napakakunot-noo ako.
"What's with that creepy smile?" Tanong ko. Sino bang hindi magtataka kung ang isa sa mga kilalang laging seryoso sa buhay ay bigla na lang nakangiti.
"Nothing. It's just that, my wife and I are already in good terms again." Oh yeah! Sino pa ba ang magiging dahilan ng pagngiti niya? Tatlong tao lang naman ang kayang magpangiti ng ganyan kalawak sa lalaking 'yan. Si Serenity, ang asawa niyang si Angel, at ang limang taong gulang niyang anak na si Lexter.
"Good for you." Sabi ko at dinampot ko sa aking mesa ang isa sa mga dokumentong aking pinag-aaralan.
"Come on, uuwi si Serenity mamaya. She said that there will be a dinner tomorrow night." Natigilan ako sa narinig.
"Okay." I tried to hide any emotions. Ipinagpatuloy ko muli ang aking ginagawa. Sigurado naman kasing ayaw akong makita ni Serenity.
Sa apat na taong lumipas, nagawa nila akong patawarin sa aking nagawa pero kahit sinabi ni Serenity na pinapatawad na niya ako ay hindi na muling bumalik ang dating pakikitungo niya sa akin. Ilag na siya sa akin at naiintindihan ko siya kung bakit mahirap para sa kanya na tuluyang magtiwala. Alam ko namang pinatawad na niya ako. Isa siya sa mga taong kaya kang patawarin bago ka pa man makahingi ng tawad. Pero isa rin siya sa mga taong nahihirapang magtiwala muli sa isang tao. Madali ka niyang pagkatiwalaan sa unang beses, pero halos imposible na ibalik ang tiwala niya kapag nawasak na.
Nakagawa ako ng isang malaking kasalanan. Nabale ko ang aking pangako sa kanya. Nagawa ko ang isa sa mga pinakakinatatakutan niyang gawin ko. Of all people, ako pa ang gumawa ng bagay na 'yon.
"Okay? You are not coming again? You already have ditched almost all family dinners, Hiro."
"I know that Serenity will not like it when she sees me there, so why will I bother to go? She will just feel uncomfortable." Casual ko pa ring sabi habang nagpapatuloy sa ginagawa. Ayokong ipakitang sobra akong nasasaktan. Wala naman akong karapatan.
"Okay, if you say so. Ayaw mo naman palang dumalo. I'll just tell Serenity that I was not able to convince you to attend. It's okay if she gets mad at me just because I failed to do what she wants me to do, which is to make you go. Sige, aalis na--"
"Wait! She asked you to convince me to attend the dinner? She wants me to go?" Nakatingin na ako sa kanya at parang desperadong malaman ang kasagutan sa mga tanong.
BINABASA MO ANG
Mistake (Villaraza's Curse 1)
Fiksi UmumOne night changed a woman's life. One mistake made not only her life, but also his life, miserable. That same night, he knew that she had captured his heart the moment he first laid his eyes on her. However, his mistake made her loathe him. How will...