Chapter Nineteen

3.2K 55 9
                                    

CHAPTER NINETEEN

| S A P P H I R E |

Nagising ako sa alanganing oras. Nakapatay na ang ilaw ng kwarto ko at tanging ang dim light lang ang nakabukas. Napatingin ako sa bandang kaliwa ko at naaninag ko si Hiro na nakaupo sa isang monobloc, nakahalukipkip pa ang kanyang mga kamay sa tapat ng dibdib niya. Mukhang nakatulog siya sa pag-aalaga sa akin.

I feel so happy knowing that he took care of me. I somehow felt good knowing that he was worried because it means that he cares. Umusbong ang kaunting pag-asa sa puso ko.

Uupo na sana ako nang mapadaing at mapahawak ako sa aking sintido dahil sa kaunting kirot na umatake. Minasahe ko nang marahan ang aking sintido.

"Hey."

Napatigil ako nang marinig ang mahinang boses ni Hiro. Tumayo siya mula sa pagkakaupo at inalalayan akong makaupo nang maayos.

"How are you feeling?" Tanong niya at lihim akong napangiti nang mahimigan ang pag-aalala sa boses niya.

"My head aches a bit but it is so much better than earlier." Sagot ko at patuloy na minasahe ang aking sintido.

"Let me." Umupo siya sa gilid ng kama ko habang nakaharap sa akin. Kumabog nang mabilis ang puso ko nang hawakan niya ang mga kamay ko para pigilan ang pagmasahe sa sintido ko. Ibinaba niya ang mga kamay ko at siya ang nagpatuloy sa pagmamasahe.

Lihim akong nagpasalamat na dim light lang ang nakabukas kaya hindi niya napapansin ang pamumula ng mukha ko. Pinigilan kong mapangiti dahil sa kilig na nararamdaman.

I love how he takes care of me and I feel warmth in my heart. Who would not love such man? Halos nasa kanya na ang lahat tapos napaka-caring pa niya. He is a very good father and certainly, he will be a good husband to his wife. Silently, I wished his wife would be me.

"Does it feel good?" Halos pabulong na tanong niya sa akin habang patuloy na minamasahe ang sintido ko at isinama pa niya ang noo patungo sa likod na bahagi ng ulo ko.

Tumango ako. "Thank you."

"Are you hungry? Do you want to eat?" Tumigil siya sa pagmasahe.

Umiling ako. Parang ayaw kong umalis siya. Sa kaunting oras na nasa tabi ko siya, nasanay na ako at lihim akong humiling na sana manatili siya sa tabi ko habang buhay.

Bumalik siya sa pag-upo sa monobloc na nasa tabi ng kama ko. Nakatitig lang ako sa kanya.

Ilang minutong namayani ang katahimikan sa pagitan namin at rinig na rinig ko ang paghinga naming dalawa.

"Saph..." Bulong niya.

"Hmm?"

He took a deep breath before he talked. "I know that you have forgiven me for what I did before and I thank you for forgiving me. Somehow, knowing that you have forgiven me made me forgive myself also. We found out that someone drugged me that night which made me lose control. The drug heightened the attraction I felt for you that night and I had completely lost it when I saw you came out from the restroom. I am so sorry for being a jerk that night and I will forever feel sorry for hurting you." Mahabang salaysay niya.

It made me feel better knowing that he did not intend to hurt me. Sa kabila ng sakit na naidulot ng gabing 'yon, nagpapasalamat pa rin akong nagdulot 'yon ng mga magagandang bagay at pangyayari sa buhay ko. Nakilala ko si Serenity, dumating si Ella sa buhay ko, at mas naging mabuti akong tao.

"For the past years, I thought I was just guilty that's why I had been feeling something different every time I look at your pictures and every time I think of you. When I saw you again in Amore after many years, I realized what that feeling was. It's not guilt all along."

Kinabahan ako sa sinasabi niya at kumabog nang malakas at mabilis ang puso ko sa maaaring katuloy ng sasabihin niya.

"I know it is a bit difficult to believe but I realized that my heart started beating differently since that night I first saw you. Sapphire Buenaventura, I have fallen in love with you." He sincerely said and I felt like crying.

"Hiro."

Umupo siya ulit sa gilid ng kama ko at hinawakan ang kamay ko. "I love you, Saph."

Napangiti ako at napapikit. "I love you, too." Pabulong kong sabi pero alam kong narinig niya 'yon.

I felt him became stiff after what I said. "W-what?" He said as if he could not believe what he just heard.

Dumilat ako at tinitigan siya at nakatitig din siya sa akin. "Mahal din kita, Hiro. Mahal kita." Naiiyak kong sabi.

"Oh my God, Saph. Thank you." Kinabig niya ako at niyakap nang mahigpit. Napangiti ako at doon na ako nakaramdam ng matinding saya at kapanatagan sa aking puso. Nawala lahat ng pag-aalala ko.

| H I R O |

I felt so ecstatic since the night I confessed to Sapphire and she said she loves me, too. It took me a lot of courage to man up and confess because I was so scared that she might not feel the same. All my worries and fears immediately faded the moment she told me that she loves me.

As the days passed, I felt happier every time Saph and Ella are with me. They completed my life.

"Hiro!" Nagulat ako nang bumukas ang pinto ng opisina ko at pumasok ang babaeng hindi ko inaasahang makikita ko.

"B-bella?" Napatayo ako mula sa pagkakaupo ko sa aking swivel chair at agad ko siyang sinalubong. Ilang taon ko siyang hindi nakita at hindi ako makapaniwalang nasa harap ko siya ngayon.

Nang makalapit ako sa kanya ay hindi ko alam kung yayakapin ko siya. Na-miss ko siya nang sobra.

"When did you arrive? Why didn't you call me?" Dire-diretsong tanong ko sa kanya. Hindi pa rin ako makapaniwalang makalipas ang napakadaming taon ay kaharap ko ulit siya. Nakangiti siya, kabaliktaran ng huling ala-ala ko kasama siya.

"Don't worry, Creed fetched me from the airport this morning. I did not inform you because I wanted to surprise you." Masayang sabi niya. Umupo kami sa sofa na nasa gitna ng office ko.

Madami kaming napagkwentuhan. I admit it was a bit awkward. Halos dalawang dekada rin kaming hindi nagkita at once in a blue moon lang kung makausap ko siya through phone call or email.

Natigil ang pagkukwentuhan namin nang makatanggap ako ng text message mula kay Sapphire.

We're on our way to your office.

Napangiti ako. Sasabihin ko na sana kay Bella nang tumunog naman ang phone niya.

"I'll just take this." Sabi niya at tumango ako. Habang nakikipag-usap siya sa tumawag ay nireply-an ko si Sapphire.

Okay. Let's have lunch together. Take care, love.

"Hiro, I have to go. I have to meet Trey." Paalam ni Bella.

Mayamaya lang ay umalis na siya. Wala pang dalawang minuto ay pumasok naman sina Sapphire at Ella sa office ko.

Napansin kong nakakunot-noo si Saph at parang malalim ang iniisip pero agad ding nawala nang tumingin siya sa akin.

"Hi, love." Hinakan ko siya sa labi pero smack lang tapos binuhat ko naman si Ella. "Hello, my little princess."

"Hi po, Papa. We met a pretty girl when we were going out of the elevator." Masiglang kwento niya.

Nagpatuloy siyang magdaldal at halos naikwento na niya ang lahat ng nangyari bago sila dumating sa office ko. Napansin kong hindi masyadong umiimik si Saph. Nang tanungin ko siya ay ngumiti lang siya at sinabing may iniisip lang tungkol sa trabaho.

Pagsapit ng lunch time ay lumabas kaming tatlo at kumain sa isang Italian restaurant. Every second with them was perfect and I want to spend the rest of my life with them.

•halfbloodwriter•
JAN MARCIA

Mistake (Villaraza's Curse 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon