CHAPTER EIGHT
| H I R O |
Huminga ako nang malalim nang maitigil ko ang aking kotse sa harap ng Amore, ang pinakamalaking mansion ng Villaraza sa Pilipinas. Bumaba ako sa kotse ko at agad akong sinalubong ng isa sa mga guards. Ibinigay ko sa kanya ang susi ng kotse ko. Siya na ang bahalang mag-park.
Naglakad ako papasok sa mansion. Hindi pa man ako nakakapasok ay rinig ko na ang ingay ng mga pinsan ko. Sa tingin ko ay ako na lang pala ang hinihintay.
Pagpasok ko ay agad silang natigilan at napatingin sa akin.
"Whoa! Himala, you came." Nanunuksong sabi ni Claire. Nagkunwari pa siyang gulat na gulat. Kung hindi ko siguro siya kilala ay iisipin kong hindi niya talaga inaasahang pupunta ako. But knowing all of them, I am sure that Creed already told them about it.
"Shut up." Seryosong sabi ko.
"Iho, I am glad that you came." Nakangiting sabi ni Mom sa akin at nilapitan ako.
"Hi, mom." Bati ko at humalik sa pisngi niya.
"We have been waiting for you. I thought you will not come again and you will avoid Serenity again. Siya pa naman ang nag-aya ng dinner." Parang nagtatampo pang sabi ni Mom.
"Where is she?" Kinakabahang tanong ko.
"Hiro Luestre, you came! After what? Four years?" Lahat kami ay napalingon sa grand stairs at nakita namin si Serenity na pababa doon. Nang nasa gitna na siya ay tumigil siya sa paglalakad. She is wearing a white dress and she looks so gorgeous as usual.
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Ni hindi ko nga alam kung magsasalita ba ako o hindi.
"Anyways, I am glad that you came. I have a surprise for everyone, especially for you." Sabi niya habang nakatigil pa rin sa gitna ng hagdan.
"What is it?" Tanong ni Dad.
She smiled to all of us. "Everyone, I want you all to meet one of my friends, Sapphire Buenavista." Natigilan ako nang marinig ang pangalang binanggit niya. Halos hindi ako makahinga nang lumabas ang isang babae mula sa isang silid. Tumayo siya sa may hagdan at naglakad palapit kay Serenity.
"Serenity, is she the woman Hiro--"
"Yes, tito." Agad na sagot ni Serenity bago pa man maituloy ni tito Ronald ang sasabihin.
"My goodness!" Sambit ni mom. Lahat sila ay nagulat dahil nandito si Sapphire. Maging ako ay gulat na gulat. Akala ko ay wala nang balak si Serenity na ilabas si Sapphire.
"Quiet, everyone! I still have another surprise."
Lahat naman ay natahimik. Lahat kami ay naghihintay sa ano pang sasabihin niya. Hindi ko mapigilang mapatingin kay Sapphire. She is beautiful, more beautiful compared to how she was four years ago. Agad akong napailing sa naisip. It is not good to remember that night.
"Mikha, dear, come out now." Sabi ni Serenity habang nakatingin sa silid kung saan lumabas kanina si Sapphire. Bigla kung naalala ang batang nasa picture na sinend ni Serenity kahapon. Could it be that she is the Serenity's next surprise? Ipapakilala na ba niya sa amin ang anak niyang itinago ng ilang taon?
Bumukas naman ang pintuan ng silid at hindi namin makita kung sino ang lumabas doon. Napabulalas naman ang halos lahat nang isang batang babae ang naglalakad papunta sa may stairs. She is the girl on the picture.
"Mikha, come here." Malambing na sabi ni Serenity sa bata. Ngumiti naman 'yong bata at naglakad pababa ng hagdan hanggang sa makarating siya sa kinaroroonan nina Serenity at Sapphire.
BINABASA MO ANG
Mistake (Villaraza's Curse 1)
Ficción GeneralOne night changed a woman's life. One mistake made not only her life, but also his life, miserable. That same night, he knew that she had captured his heart the moment he first laid his eyes on her. However, his mistake made her loathe him. How will...