CHAPTER NINE
|S A P P H I R E|
Mayamaya ay linapitan ako ng parents ni Hiro.
"Iha, I am Hannah and this is my husband, Edward. We are Hiro's parents." Pagpapakilala ni Mrs. Luestre.
"Hi po, Mr. and Mrs. Luestre." Magalang na bati ko.
"Just call us tita Hannah and tito Edward." Nakangiting sabi ni tita Hannah.
"Okay po, tita, tito."
"Iha, I want to apologize in behalf of my son." Tito Edward said.
"Oh, no need po, tito. Okay na po ako. I already forgave your son." Nakangiti kong sabi.
"Really? Oh, thank you, iha. Salamat dahil napakabuti ng puso mo na kahit nagawa sa'yo 'yon ni Hiro ay napatawad mo siya. Ni hindi pa nga siya nakakapaghingi ng tawad sa ginawa niya sa'yo." Habang nagsasalita si tita Hannah ay lumapit sa amin si Hiro na buhat-buhat si Ella. Nakalapit na rin sa amin ang iba pang Villaraza.
"Wala pong mangyayari kung magtatanim ako ng galit. Kung hindi naman po nangyari 'yon, wala akong Ella ngayon." I just said.
"Sapphire?" Napatingin ako kay Hiro.
Nginitian ko siya.
"I am so sorry. Sorry for what did. I know that my apology is not enough, but I want to apologize." Nagsusumamong sabi ni Hiro.
Napailing na lang ako. "It's okay now, Hiro. I have forgiven you long time ago. Paano ko magagawang manatiling galit sa'yo kung binigyan mo naman ako ng isang Ella? She is more than enough for me. I already have accepted the apology you said that day."
Napangiti naman siya sa sinabi ko. "Thank you so much, Sapphire. Thank you for forgiving me and for giving me a daughter." I can feel his sincerity with his words.
"Iha, thank you." Sabi naman sa akin ni tita Hannah. Tumango naman ang ibang mga Villaraza.
"Actually, Serenity did a big part. Hindi ko magagawang magpatawad kung hindi dahil sa kanya. At baka wala si Ella ngayon sa mundong ito kung hindi dahil sa kanya. Lagi siyang nasa tabi ko lalo na sa tuwing kailangan ko ng kausap, ng tulong, at ng kaibigan. Dahil din sa kanya kaya hindi ko itinuloy ang plano ko noon noong nalaman kong buntis ako. Serenity never left me. Araw-araw ay pinaparamdam niyang hindi ako nag-iisa. Noong mga panahong nabalot ako ng lungkot at galit, noong panahong akala ko ay hindi na ako makakaahon, tinulungan niya akong bumangon. Lagi nga rin niyang ikinukuwento sa akin kung gaano kabuting tao si Hiro. Ipinaintindi niya sa akin na nagkamali lang si Hiro, and that doesn't mean that he is a bad person. Serenity saved me and my daughter." Nakangiting kwento ko sa kanila. Naramdaman ko kasing komportable ako sa kanila. Pakiramdam ko, welcome ako sa bahay nila, sa buhay nila.
"Well, she is Serenity. Akala namin ay sukdulan ang galit niya kay Hiro lalo na at sa tuwing may family dinner ay parang ayaw niya ring makita si Hiro, kaya ayan at hindi na nga dumadalo ang anak ko. Pero sa kinuwento mo, alam na naming hindi siya galit." Sabi ni tito Edward.
"Tinanong ko po siya noon kung nakausap niya si Hiro, ang sabi niya ay mukhang iniiwasan daw siya ni Hiro kaya hindi na raw po siya nagtatangkang makipag-usap. I think, she was just hurt, but never did she despise him." Sabi ko at parang nagulat si Hiro.
So, tama nga. It was a misunderstanding. Akala ni Hiro, galit sa kanya si Serenity kaya hindi nagpapakita. Tapos si Serenity, akala niya ay umiiwas si Hiro. I know that Serenity has already forgiven him.
"Where is she?" Tanong ni Hiro.
"Oo nga. Bigla na lang siyang nawala samantalang nandito lang siya kanina a." Sabi naman ni tita Arianne.
BINABASA MO ANG
Mistake (Villaraza's Curse 1)
General FictionOne night changed a woman's life. One mistake made not only her life, but also his life, miserable. That same night, he knew that she had captured his heart the moment he first laid his eyes on her. However, his mistake made her loathe him. How will...