CHAPTER ELEVEN
| S A P P H I R E |
Nandito kami ngayong tatlo nina Ella at Hiro sa kwarto ni Hiro rito sa Amore. Katatapos ko lang bihisan si Ella na ngayon ay nakahiga na sa kama. Mabuti na lang at nandito ang mga gamit namin kaya nakapagbihis din kami. Dito kasi kami dumiretso pagkagaling namin sa Australia.
Kabado ako dahil hindi ko alam ang gagawin. Saan ako matutulog? Hindi naman pwedeng si Hiro ang patulugin ko sa couch o sa sahig dahil kwarto niya ito. Baka ayaw niyang matulog kami sa iisang kama.
Kainis naman kasi. Mukhang planado ito ni Serenity. Kinasabwat pa niya ang bata.
"Ehem!" Napalingon naman ako kay Hiro nang tumikhim siya. "Tabihan mo na lang si Ella. I will sleep on the couch."
Tumango naman ako. Naiilang kasi ako e.
Kumuha siya ng extra na kumot sa closet. Hihiga na sana siya sa couch nang magsalita si Ella.
"Papa, you don't want to sleep beside me and Mama?" May halong lungkot pa ang tono niya.
Napatingin naman sa kanya si Hiro. "Uh... It's not like that, baby."
"Then why? Please, Papa. Sleep beside us." Pagmamakaawa ng anak ko.
Naku naman! Tinignan ako ni Hiro na hindi alam kung ano ang gagawin.
"It's okay." Sabi ko at ngumiti ako.
Malaki naman ang kama tapos nasa gitna rin namin si Ella kaya parang hindi rin kami magkatabi. At saka siguradong mangungulit nang mangungulit si Ella hanggang sa makuha niya ang gusto niya.
Tumango si Hiro at saka lumapit sa kama. Nang makahiga na siya sa left side ni Ella ay humiga na rin ako sa right side.
Niyakap ko si Ella at hnalikan siya sa noo. Nagulat na lang ako nang kunin niya ang isang kamay ni Hiro at iniyakap din sa kanya kaya naman nagdikit ang mga braso namin. Napatingin naman ako kay Hiro na napatingin din pala sa akin.
Hindi ko alam pero parang uminit ang mukha ko at pakiramdam ko ay namumula na ako.
"I love you, Mama! I love you, Papa!" Napatingin kami pareho kay Ella.
"I love you, too." Nakangiting sabi ko.
"I love you, my princess!" Malambing na sabi ni Hiro at hinalikan sa buhok si Ella. I can see in his eyes how much he loves Ella. Kahit ngayong gabi lang niya nakilala ang anak namin ay mahal na mahal na niya ang bata.
Serenity is right. He made a mistake, but that didn't make him a bad person.
Naalala ko pa noon ang sinabi ni Serenity sa akin noong sinabi ko sa kanyang habang buhay ko nang dadalhin ang pagkamuhi kay Hiro Luestre dahil isa siyang masamang tao. Ang paniniwala ko kasi noon ay kung mabuti siyang tao, hinding-hindi niya gagawin ang ginawa niya sa akin noon.
"When we despise someone, we always fail to see how good can he be. All we can see are the things we want to see to justify that feeling we feel towards that person."
And she is right. Ngayong ni kahit katiting na galit ay wala akong maramdaman, nagagawa kong makita na isa siyang mabuting tao. Nagagawa kong buksan ang puso ko upang makita ang totoo.
Serenity saved me. Iniligtas niya ako mula sa buhay na puno ng puot at sakit. Dahil sa kanya, nagagawa kong mamuhay nang masaya at payapa.
Maybe, if she wasn't there for me that time, I no longer know where I might be right now. Baka nabaliw na ako o 'di kaya ay depressed na. Ang mas malala, baka wala na ako sa mundong 'to. Kapag nangyari 'yon, baka walang Ella sa buhay ko.
BINABASA MO ANG
Mistake (Villaraza's Curse 1)
General FictionOne night changed a woman's life. One mistake made not only her life, but also his life, miserable. That same night, he knew that she had captured his heart the moment he first laid his eyes on her. However, his mistake made her loathe him. How will...