CHAPTER THIRTEEN
| H I R O |
Masaya kaming naglalaro ni Ella sa sapa nang mapansin namin si Sapphire na nakatingin lang sa amin.
"Papa, go and bring Mama here!" Sabi ni Ella habang pilyang nakangiti. Napangisi naman ako. Mukhang nahawaan din siya ni Serenity ng kapilyahan. Pareho silang pilyang nakatago sa malaanghel na mukha.
"Okay." Sabi ko. Lumangoy kami papunta sa gilid. Umahon kaming dalawa at naglakad ako papalapit kay Sapphire habang naghihintay naman si Ella sa gilid ng sapa.
"Let's go. Ella is waiting for you." Aya ko sa kanya nang makalapit ako sa kanya.
"Ha? Kayo na lang." Tanggi niya habang umiiling pa.
"Oh come on, Sapphire! Huwag kang killjoy."
"Hindi a. Wala lang talaga ako sa mood na lumangoy."
"You don't need to swim. Just have fun with us."
Magsasalita pa sana siya pero inunahan ko na siya. Kung hindi siya makukuha sa maayos na usapan, baka umubra ang pag-blackmail.
"You will come willingly or else I will carry you and force you to come with us?"
Napanguso naman siya na parang bata. Her lips! Damn! Pasimple kong iniiwas ang aking tingin. Baka kasi hindi ako makapagpigil kung titignan ko ang labi niya.
Itinaas na niya ang t-shirt niya at hinubad ang jeans niya. Napangisi ako. Wala pala siyang mood na lumangoy ha? E bakit parang napaghandaan na niya dahil may suot siyang shorts at sando? Nagpapakipot lang pala siya.
Well, I can't deny it. She is cute!
Nahuli ko siyang nakangiti habang naglalakad kami papunta sa kinaroroonan ni Ella. Mukhang excited siya samantalang todo tanggi siya kanina.
Masaya kaming tatlo na naglalaro sa sapa. Nang mapagod kaming tatlo sa paglangoy ay umahon na kami.
Nagpahinga kang kami saglit bago muling sumakay sa kabayo upang makabalik na. Wala naman kaming dalang pamalit sa mga garments naming ginamit.
Nang makarating kami sa stables ay ipinasok ang mga kabayo sa stalls nila upang pakainin na at painumin. Bumalik kami sa mansion gamit ang sasakyang ginamit din namin papunta rito.
Sinalubong kami ng mga kasambahay at inabutan ng twalya. Pumasok kami at naabutan namin si Serenity na nagbabasa ng magazine sa sofa.
Nginitian niya kami saka muling ibinalik ang pansin sa ninabasa.
"Ako na mag-aasikaso kay Ella." Nakangiting sabi ni Sapphire.
Nakaramdam ako ng kakaiba at parang bumilis ang tibok ng aking puso dahil sa ngiti niyang 'yon.
Pumunta silang dalawa sa kwarto.
"Don't waste this opportunity, Hiro. I know that you've totally fallen for her. You know that if you lose this chance, you will lose the chance to be happy. Make those four years a lesson." Sabi ni Serenity pero hindi pa rin nakatingin sa akin.
"I know." Mahinang sabi ko pero tama lang ang lakas para marinig niya.
Hindi rin naman ako ignorante para hindi mapagtanto kung ano ang naramdaman ko kanina. I might have no experience when it comes to this matter, but I am so much aware of what I feel.
"Se--"
Hindi ko na natuloy ang aking sasbihin nang bigla siyang tumayo at naglakad papunta sa kwarto niya. Napabuntong-hininga na lang ako. Maybe, it is still not the right time to talk with her.
Tumaas na lang ako at pumunta sa kwarto upang kumuha ng damit. Rinig ko ang lagaslas ng tubig sa banyo. Medyo maingay rin dahil sa tawa nina Ella at Sapphire.
I would trade everything just to hear them laugh like that. I would trade everything just to be with them.
Napangiti na lang ako. Hanggang sa makalabas ako ng kwarto ay hindi pa rin nawawala ang ngiti ko.
This day is one of the best days simula noong nagawa ko ang kagaguhan kong 'yon. At wala akong ibang mapapasalamatan kundi si Serenity.
If not because of Serenity, this day will never come. Baka hanggang ngayon ay kinakain pa rin ako ng konsensya ko. Baka hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin si Sapphire dahil sa nagawa ko. Baka hanggang ngayon, miserable pa rin ako dahil wala siya sa tabi ko.
Maybe, one of these days, I will talk to Serenity and make it up with her. Kailangan kong bumawi. Gusto kong ibalik ang dati, kung pwede pa.
Pumunta na ako sa isa sa mga guest rooms at doon naligo. Napapasipol pa ako habang naliligo.
Ito ba ang nagagawa ng love?
Yeah, I am totally in love. Siguro para sa iba ay masyadong mabilis, but it is not. That night, I felt an unusual feeling the moment I first laid my eyes on her. And those pictures of Sapphire sent by Serenity made my feelings for her to get deeper and deeper. Dahil sa mga litratong 'yon, para ko na ring nakikilala si Sapphire.
I don't care if Serenity's purpose for sending those pictures is to make me fall for her more. Tama lang naman na si Sapphire ang mahalin ko kaysa naman magmahal ako ng iba at pabayaan ang mag-ina ko.
I just hope that she will also fall for me. Kung hindi, malaking problema 'yon. I might end up like the other members of the Villaraza family.
I am waiting for the day that I will find out if the curse will really be a curse for me or will turn into a blessing. And I am hoping that it is the latter.
J A N M A R C I A
•halfbloodwriter•
BINABASA MO ANG
Mistake (Villaraza's Curse 1)
General FictionOne night changed a woman's life. One mistake made not only her life, but also his life, miserable. That same night, he knew that she had captured his heart the moment he first laid his eyes on her. However, his mistake made her loathe him. How will...