2: Letter

7.3K 146 8
                                    


"AY KALABAW!" Napasigaw siya sa gulat kasi biglang nagtakbuhan yung mga press people na nakaupo sa kabilang table. Nasa coffee shop kasi siya uli ngayon pero doon na lang sa malapit sa condo unit niya. Ang hassle pa na lalayo pa siya gayong may meeting lang naman siya para sa gagawin nilang immersion sa Benguet. "Nakakaloka naman tong mga to. Sino ba ang inaabangan nila?"

Nagmasid siya sa paligid, nasa BGC siya kaya naman madami talagang celebrities na may condo units sa area sa katunayan ay kapitbahay niya ang up and coming na celebrity na si Jake Francisco. Hindi niya naman ito madalas makita pero nakilala na din naman niya ito, in fairness kahit puro angas ang pinapakita nito sa TV ay mabait at magalang ito. He even helped her one time noong nagdala siya ng mga bagong gamit sa unit.

"Ayun na si Jake!" Sigaw nung isang reporter at nakita niyang papalabas nga ito ng kotse at papasok sa lobby ng condo. Halos maglakad-takbo ito dahil sa dami ng nagpipilit na kumuha ng picture or interview nito. Swerte na lang din at mahigpit ang security ng building kaya naman hindi na nakapasok ang mga reporters. Ang ilan ay umalis na at yung iba naman ay bumalik sa coffee shop.

"Nakakainis, ang hirap talagang kuhaan ng interview itong si Jake. Halos magkasing hirap sila ni Haze na mahagilap. Masyadong mahal ang mga private lives nila." Banas na banas ang hitsura nung lalaking paparazzi.

"May balita ba dun kay Haze? Sayang siya ah!" Sabi naman nung isang reporter.

All ears naman siya kasi narinig niya ang pangalan ng baby niya. Nababaliw na ata siya kasi humaling na humaling siya sa lalaki.

"Ewan ko, huling balita naaksidente daw diba? Kaso sabi naman nung handler niya dati ay matagal na daw plano ni Haze yun kasi gustong pumunta na States kasama ng pamilya." Sayang pala, wala na pala sa Pinas si baby Haze.

Dati halos mga katulad ng mga katabi niya ang palaging nakabantay sa bawat galaw niya. She had no freedom kasi kaunting kibot lang niya ay maibabalita pa, akala mo naman mahalaga na nag-party siya noong gabi at pumasok kinabukasan sa school. Ang buhay niya before ay parang isang reality show, everyone knew who she was and what she did. Being the only daughter of her father, she is under constant scrutiny of people. Palibhasa ay Senator ang tatay niya at galing sa isang kilalang political family ay wala siyang takas sa issues na ginagamit para dungisan ang image ng kanyang ama.

Muntik na din siyang maging rason ng pagkatalo nito sa re-election bilang Senator a year and a half ago. News broke out na ito ang dahilan ng hindi pagkakatuloy ng kasal nila ng dating nobyo. It shouldn't be a matter that could warrant national attention pero may biglang nagkalat ng balita na her father threatened Bryce's life and even used his influence to burden the Ragadios. It meant a major drop in the surveys and a huge possibility of loss.

"You have to let her speak, masisira ang kampanya mo!" Narinig niyang sigaw ng political adviser ng Papa niya.

"No! Nasaktan ng gagong yun ang anak ko! I will not let Addy speak about him! Wala akong paki sa re-election. I care more about my daughter." Naiyak naman siya sa sinabi ng tatay niya. She knew he loves her pero grabe naman kung bibitawan nito ang Senate elections para lang sa kanya. "Kung pwede ko lang talagang gawin sa kanya yung binibintang nila I would!"

"We have so many good plans for the people David! Huwag mong sayangin yun." Tila kalmado na ang kausap ng Papa niya.

"I know, we can do something about the issue without concerning Addy, spare her from this. Nasaktan na ang anak ko, ayokong isipin pa niyang she's causing unnecessary trouble." Bakit ganito ang Papa niya? She can help him. She can save his name pero ayaw nito na guluhin pa siya. She's strong enough.

So to help him, she made her own plan, bought a ticket to the States and made up a whole life ahead of her. She will show people that she is alright and that the news was just exaggerating her brokenheartedness. She is fine. Hindi siya papayag na sisirain ng ganitong balita ang Papa niya.

His Saving Grace | ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon