17: Takeaway

3.7K 117 8
                                    


"HAZE," NAABUTAN niya ito na nagsusupervise ng mga tao sa may strawberry fields. He looked gorgeous kahit na naka-tshirt lang ito. Napailing siya dahil sa iniisip niya, pinagpapantasyahan nanaman niya si Haze. This is so wrong!

"Addy?" He squinted and when he did recognize her ay lumapit ito ng nakangiti. "Akala ko bumalik ka na ng Manila."

"Wala lang, I still had a little bit of time." She smiled.

"Maganda naman dito kaya masarap balik-balikan." Sabi nito. Hinubad nito ang suot na sumbrero at isunuot sa kanya. "Maaraw masyado, masakit sa mata kaya isuot mo muna yan."

"Thanks," pigil na pigil ang kilig na nararamdaman.

"Gusto mo mamasyal?" He asked.

"Sige, saan?" Excited na excited siya, for some reason she wanted to spend as much time with him.

"Basta, trust me," sabi nito. "I'll change then we can go."

Naglakad silang dalawa pabalik sa mansyon kung saan masaya din siyang sinalubong ni Ate Ruby, giving her merienda and all. Hindi rin naman nagtagal ay bumaba na si Haze, newly changed and all.

Dinala siya nito sa mga kilalang spots around town at kumain sila sa isang restaurant na all vegetables ang siniserve. She enjoyed his company lalo na at maganda ang mood nito. Noong papahapon na ay dinala siya nito sa isang nearby waterfalls. Hindi daw iyon masyadong alam ng mga tao lalo na kung hindi galing sa barangay na iyon kaya naman super linaw ng tubig at ang ganda ng paligid yun nga lang ay sayang kasi paggabi na. They had the whole place to themselves.

"How are you?" Tanong niya sa lalaki noong makaupo sila sa may gilid ng pool ng falls.

"I'm okay, matagal na din ang huling beses na ganito ako kakalmado." Napangiti siya sa sinabi nito.

"That's good." Tumango-tango siya. "We all need to heal."

"Pero may mga sugat Addy na hindi kayang maghilom ng ganun kabilis. Some wounds take a lot of time." Napansin niya yung pait sa mukha nito. He's still in love with Biance, his dead wife and somehow she feels something heavy in her chest. Nakikisimpatya ba siya o naiinggit? She wanted a love like that pero her first love only broke her heart.

"I can agree with you on that," she said remembering the moment na nahuli niya si Bryce with Geraldine.

"Ano ba ang nangyari sayo?" He sounded so curious, might as well tell him her story. Tapos naman na ang katangahan na yun kaya she wants to heal a little bit more by telling her story again.

"Well, I was about to marry him, prepared na lahat ng mga bagay as in every single thing kami na lang ang kulang. I was on a business trip sa HongKong and I went home a day early and caught him in bed with another girl!" Inis na inis niyang kwento. Dati hindi niya kayang magsimula ng hindi umiiyak pero iba na nga ngayon.

"Gaano kayo katagal? Maybe he was still immature and unsure sa papasukin niyang commitment." Sabi ni Haze sa kanya.

"We were young," she sighed. "I was 23 and he was 24. I was ready kasi mahal ko siya only to find out na gusto lang ng pamilya niya ang koneksyon ng pamilya ko. I wasted two years of my life with him."

"Ang bata mo pa nga noon." He said.

"Para kang mga kuya ko," natatawa siya na he sounded so much like them. Then she mellowed down and asked Haze. "Eh ikaw, bakit ginawa yun ng fan mo?"

"I never found out, she died on the spot." His aura suddenly became dark again. She hated herself for making him feel sad again. It was a dark moment for his life and she made him relive it.

His Saving Grace | ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon