3: Fresh Air

6.8K 159 7
                                    


IT'S ALMOST 1 AM, naghihintay na lang siya ng driver para makaalis na at makapunta na sa headquarters ng foundation sa Caloocan. Ready na lahat ng gamit niya at mga dadalhin na goodies para sa mga bata. She's very excited lalo na at ngayon lang uli siya makakapunta sa norte. Naging confined na siya sa Manila o sa ilang lugar pa-south katulad ng Batangas, Laguna o Quezon.

"Taoo po?" Nagulat siya ng biglang may kumatok sa unit door niya.

"Ano yun?" Nakita niya sa camera na si Jake Francisco pala iyon, her celebrity neighbor.

"I got locked out sa unit ko. Makikidaan sana ako sa veranda mo if okay lang?" Is he crazy? Nasa 20th floor sila at kahit na slightly adjoined ang mga veranda nila ay nakakatakot pa ding tawidin yun.

"Baliw ka ba? Nasa 2oth floor tayo. Wala sa 2nd!" Pinagbuksan niya ito ng pintuan.

"Kaya ko yan, I do my own stunts. Mamaya pa kasi babalik ang manager ko dala ang susi ko eh malalate na ako sa taping ko." He even pouted, is he trying to look cute? Kasi mukha lang itong sinasamaan ng tiyan. "I'll pay you."

"No need, basta parang awa mo na ayusin mo yung pagtawid mo kasi ayokong may mamatay sa veranda ko." She was half praying inside na huwag na talagang gawin nito ang sinasabi.

"Yes! Thank you." Ngumiti ito at pinapasok na niya.

"I have a ladder na pwede mong ipatong sa railings at doon ka na tumawid." Bumabalik nanaman ang kaba niya. Baliw ata talaga tong isang to. "Wala bang susi ang management?"

"Wala, kinuha namin when we bought the unit for privacy concerns. May susi ba sila ng unit mo?" He asked, nasa veranda na sila at medyo malamig ang simoy ng hangin.

"Wala, privacy concerns." She said. "Oh my gosh! Itali man lang natin yung hagdan kung diyan ka talaga tatawid. Ako ata mababaliw sa katangahan na to eh. Sirain na lang natin yung pinto mo!"

Akmang sasampa na ito ng pigilan niya. What if that ladder slips? Alam niyang may 3 feet lang naman ang tatawirin nito pero if he slips he'll fall down 20 floors down. Pinantaasan siya ng balahibo sa naisip. Noong una niya namang naka-interact ito ay wala naman sa personality nito ang impulsive at daring. Crazy! Kumuha siya ng isang katerba na mahahabang ziptie and proceeded to secure one end of the ladder. Jusko, huwag ni naman pong hayaan na malaglag tong lalaking to.

"Red, wag ka masyadong kabahan. Kaya ko yan." Sabi sa kanya ni Jake. Pero ano daw? Red? Kailan pa niya naging pangalan yun?

"Hindi 'Red' ang pangalan ko for your information." She said as she fastened the last zip tie. At least medyo naging sturdy naman yung tatawiran nito.

"I'm bad at names, sorry." Ngumiti ito at sumampa na sa railings. "It's because your hair is so red. It stands out."

Medyo napalakas na ata ang prayer sa utak niya. Hindi na nga siya tumitingin para hindi na siya kabahan pero in her head there's this bad image of him falling. Nakakainis talaga yung mga ganoong images, OA na nga nakakastress pa.

"Hey, Red." Nakiring niyang tawag sa kanya nito. "I've successfully crossed, open your eyes."

And true enough ay nasa balkonahe na nga niya ito. Nakahinga din siya ng maluwag. Nagpasalamat na din siya sa Diyos kasi walang namatay sa veranda niya. Hindi na siya kahit kailan makakatulog kung mangyayari man yun. She was a very playful child pero may takot namang siya sa heights exceeding three floors. Dati sa probinsya nila ay umaakyat lang siya sa puno.

"Hindi nga Red ang pangalan ko!" At umalis na siya sa veranda para kumuha ng gunting. Ang dami nga ata ng mga ziptie na nilagay niya kaya naman kailangan niya ng gunting para makalagan ang pagkakatali niya sa hagdan na ginamit ni Jake.

His Saving Grace | ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon